Chapter Two

4 0 0
                                    


Nagkwe-kwentuhan lang ang dalawang babae habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa kantina ng hospital. Napansin ni Eva na mahinhin ang kausap niya

Siguro nga kung lalaki ito ay magugustuhan na niya si Angel

"Anong balak mo ngayon?" tanong ni Angel habang naglalakad sila. Ihahatid daw siya nito sa hospital room ng kanyang papa

"Tatanggapin ko nalang ang bata saka kung ano man ang desisyon nina mama ,kaya ko naman sigurong buhayin ang magiging anak ko diba?" napabuntong hininga siya. Hindi niya din alam kung kaya nga ba niya

"Just trust God. Siguradong tutulungan at gagabayan ka niya ,kahit na mahirap ang pagdadaan mo alam kong bubunga din iyon" hanga siya sa dalagita dahil puno ito ng words of wisdom

Napagalaman din niya na parehas lang sila ng eskwelahan na pinapasukan pero iba ang kurso. Nasa tapat na sila ng pinto ng silid na pinalalagyanan ng kanyang ama

"Uhm gusto mo bang lumabas labas muna para makapagisip-isip din yung mama mo" ngumiti siya kay Eva kaya tinanguan siya nito at lumabas na ng hospital. Tumambay muna sila sa isang cafe na malapit lang sa hospital

Tahimik lang sila pero hindi naman awkward. Hinayaan kasi ni Angel si Eva na makapagisip-isip at nagpasalamat naman doon si Eva

Naiisip ni Eva na siguro isang sign iyon na mali ang ginawa niyang balak magpakamatay. Baka nga isang anghel pala si Angel at hulog ng langit para kanya

Napangiti naman si Eva s akanyang isipan saka tumingin sa babaneg kaharap niya na kumakain ng chocolate cake. Dalawang slice ang inorder nito dahil matakaw daw siya sa chocolate cake

"Thank you ha? Kung hindi dahil sayo baka kalat kalat na ang dugo ko" pasasalamat nito kay Angel. Malaki ang utang na loob niya sa kanya dahil kung hindi dahil dito ay patay na siya

Umiling ang magandang dalagita saka sumubo ng cake. Nginuya niya muna ito at nilunok saka ngumiti sa kanya

"Diba sabi ko hindi naman kita pipigilan? Sinabi ko lang naman na hindi sagit ang pagkakamatay"

Ngumiti lang siya dahil kahit ano pang sabihin nito ay niligtas parin nito ang buhay niya

"Basta stay positive ha? Look on the bright side ,at alam kong may good future na naghihintay sa iyo. Hindi man ngayon pero soon. Just be patient and wait" ngumiti pa ito at napatawa ng makitang may chocolate pa na natira sa ngipin niyang maputi

"Bakit ka tumatawa?" inosenteng tanong nito sa kaharap niyang babae na tawa ng tawa

"Hahahaha! M-may chocolate ka kasi sa ngipin! Grabe hahaha" tawa padin nito at nahiya naman ang magandang dalaga kaya pasimple niya itong tinanggal "pero bakit ganun? Ang ganda mo padin?"

Nabigla naman ang dalaga sa tanong nito pero ngumiti din siya agad

"Ang unfair talaga huhu ang ganda mo na tapos ang bait bait pa! Sobrang unfair!" nakangusong sabi ni Eva na para bang nakalimutan nitong may problema siyang haharapin mamaya

"Hindi naman kasi unfair iyon basta marunong ka lang makontento sa kung anong itsura mo. Mas maganda ang natural beauty kaysa sa mga taong nagpaparetoke ng mukha para lang gumanda" ngumiti pa ito saka sumubo muli ng cake

"Kaya naman sila nagpaparetoke kasi para magustuhan sila ng mga tao. Kasi kapag pangit ka ,ijujudge ka agad. Kaya siguro sila nagpapalit dahil hindi sila tanggap ng iba" malungkot na sabat ni Eva

Ganun kasi ang mga tao ngayon. They easily judge. Like ,kung makakita ka ng pangit na lalaki ay pagkakamalan siyang kodnapper o mandurukot. Kapag pogi naman ,mayaman. Kapag pangit nanliligaw ,study first ,pag gwapo ,sagot agad. Kapag panget walang lalapit sayo ,pag maganda andami mong prends! Saan ang hustiya naming mga pangit diba?

Umubo muna ng konti si Angel para makuha ang atensyon ni Eva dahil mukhang ang lalim na ng naiisip nito. Tumingin naman si Eva ng marinig ang kanyang pagtikhim

"Walang pangit sa mundo ,sa mata ng diyos. Pare-parehas din naman tayong mamamatay at madadala mo ba ang iyong kagandahan o kagwapuhan sa itaas? Kapag hindi ka tanggap ng tao ,let them be. Hayaan mo nalang kung ano ang isipin nila basta alam mo kung ano ka sa iyong sarili. Wag kang magpapadala sa sinasabi ng iba. Kasi para sa akin walang pangit ,walang maganda. At ang mga taong magaganda lamang ay ang may busilak na puso"

Napatulala naman si Eva sa mahabang sinabi ni Angel. Siguro kung lalaki lang ito ay kanina pa niya ito niligawan. Sana kapag nanganak siya ay ganito kabait ang magiging anak niya

"Para din sa akin kasalanan sa diyos ang magparetoke dahil hindi marunong makontento sa binigay ng panginoon. Saka temporary lang naman life natin kaya bakit kailangan pa nating magpaganda kung hindi din naman natin siya madadala sa walang hanggan diba?" dagdag ni Angel saka sinubo ang natitirang malaking piraso ng chocolate cake

Gusto pa sana nitong bumili kaso malapit ng mag gabi. Ihahatid niya pa sa hospital si Eva

"Ang swerte talaga ng mapapangasawa mo Angel huhu! Alam mo ba na bawat salita mo ay natututo ako?? Sana talaga maging magkaibigan tayo" nakanguso ulit si Eva at napatawa naman si Angel

'Boyfriend?.. hindi na siguro ako magkakaroon niyan'

"Yes naman syempre. Kaso wala akong phone eh ,pero ang tambayan ko sa school ay yung garden sa may gazebo. Sa labas naman ay itong cafe ,tuwing sabado at linggo ng hapon nandito ako" nakangiti na sinabi ni Angel

Nagulat panga si Eva ng malaman na walang cellphone ang babae. Hindi nalang niya ito tinanong dahil baka masyado lang talagang strict ang parents nito

Niyaya na ni Angel si Eva na umalis sa cafe. Sinabi din nito na ihahatid niya nalang sa hospital si Eva kasi mag-gagabi na din. Ayaw panga ni Eva dahil gusto niya ay si Angel ang ihatid niya pero sinabi nalang nito ay malapit lng ang kanyang bahay dito sa hospital

Malapit na sila sa hospital at kinakabahan si Eva. Hindi niya kasi alam kung gusto paba siya makita ng pamilya niya

"Kinakabahan kaba? Wag kang kabahan dahil alam ko naman na hindi ka parin pababayaan ng pamilya mo. Mahal ka nila at hindi ka nila matitiis. May konting pagtatampo man ay dahil lang iyan sa nangyari pero lilipas din yan. Just stay positive okey? And trust God" napangiti naman si Eva sa sinabi ng kaibigan. Kahit sandali lang sila nagkakilala ay itinuring na niya itong kaibigan. Bigla namang naalala ni Eva ang kanyang tanong kay Angel

"Uhhh Angel? Bakit kanga pala nandito sa hospital?" tanong nito ,kanina pa kasi siya nagtataka kung ano ang ginagawa nito sa hospital kaso nakakalimutan niya kapag itatanong na sana niya

"Ah na-----" hindi na naituloy ni Angel ang kanyang sasabihin dahil may biglang tumawag kay Eva. Isa itong matangkad at may katandaan na babae

"Eva! Anak!" napangiti naman si Angel ng makita ang pag-alala sa mukha ng ina ni Eva. Tinapik niya ang balikat ni Eva at napatingin naman ito sa kanya. Nginitian niya ito at naglakad na paalis

"See you Eva ,sana magkita pa tayo ulit"

What Life IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon