Chapter 1

2.4K 97 5
                                    


Ingay ng opisina, tunog mula sa mga keyboard ng mga computer, tsismisan g nga empleyado at kung ano pa ang umaalingangaw sa palapag ng gusali na ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagpatinag, nanatili akong nakatulala sa screen ng cellphone ko. Nakangiwi at nanonomblema nang mabasa ko ang mensahe ng aking kapatid na si Pedriona. Sinasabi niya na nakauwi na ang pinsan namin na si Christy galing US. Hindi lang iyon, may kasama daw itong jowa na pinoy pero guwapo daw! Dahil diyan, magkakaroon ng reunion nang wala sa oras!

Ano naman kung may bitbit siyang boyfriend pagkabalik niya dito? Pumuti lang iyan kasi galing Amerika! Kung umitim iyan dito sa Pilipinas, ewan ko nalang, ibibreak niya din iyan! Bwahahahah!

Pero hindi ako bitter, naiirita lang ako sa pinsan ko na iyon dahil ang yabang niya! Ubod ng yabang na akala mo siya lang ang maganda. Aba! Ako? Magpapadaig sa isang tulad niya? Hoy, maganda din naman ako, ano! Mas hamak na mas sexy pa ako sa kaniya! Kinulang lang ako sa height kaya hindi ako nakapasok bilang modelo noon! Anong akala niya? Duh!

Pedriona :

Ang sabi nina lolo at lola, dapat may bitbit ka din daw na boyfriend sa reunion, ate. Para may maipakilala ka din daw.

Pahabol pa niya na text message sa akin. Ngumuso ako't padabog kong ipinatong ang cellphone ko sa desk. Walangjo, bakit kailangan ko pa magdala ng jowa sa reunion? Para saan, aber? Ano naman mapapala ko sa jowa na iyan? Sakit lang sa ulo iyan, ano!

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang intercom. "Pauline, please come over here." utos ng boss ko mula sa kabilang linya. Kahit hindi mo pa nakikita at naririnig mo palang ang boses ng isang ito, malalaman mo talagang guwapo ito!

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Agad ko pinuntahan ang opisina kung nasaan si Sir River. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang pinto at marahan ko ito itinulak. Nadatnan ko ang boss ko na abala sa pagpirma ng mga nakatambak na dokyumento sa kaniyang gilid. Humakbang ako palapit sa kanila.

"Yes, sir?" tanong ko sa kaniya sa pamamagitan ng pormal na tono.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. May kinuha siya sa kaliwa niya na isang folder. Inabot niya iyon sa akin. "Na-approve ko na ang proposal na ito. Pupwede mo nang ihatid ito sa HR Department. And please call the Yang Zi Corporation, I'm ready for a meeting."

Tumango ako na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Noted, sir." tinanggap ko ang folder at niyakap ito. Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tinawag.

"Miss Magbanua,"

Tumigil ako at lumingon na may pagtataka sa aking mukha. "Yes, sir?"

Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Thank you for assistance."

Isang hilaw na ngiti ang isinukli ko sa kaniya. "No problem, sir. It's my pleasure to work with you." I slightly nod and walk towards to door until I left.

Tulad ng utos ng boss ko, pinuntahan ko na ang HR Department para iabot ang folder. May mga nakakasalubong upang batiin ako, ginantihan ko rin iyon na may kasamang ngiti. Dumiretso ako sa elevator makasakay na't madali para sa akin na makarating sa destinasyon ko.

Ilang taon na din ako nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Hochengco. Masasabi ko na maganda ang pamamalakad ng angkan nila sa kanilang mga negosyo. Hindi na din bago na kasali sila sa International Business Club, at ang Grande Patriarch na si Damien Hochengco ang presidente ng naturang organisasyon para sa mga kilalang negosyante. Bukod pa doon, ilang beses na din napasali ang angkan na ito sa pinakamayaman na tao sa buong Asya. Hindi lang food business na dahilan kung bakit sila kilala, kilala din ang construction firm nila. Ipinamana ng namayapang Eufemia Hochengco kay Sir Vaughn Hochengco na ngayon ay hawak na ng isa sa mga anak nila na si Massimo Hochengco.

Kissmarks | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon