Chapter 11

1.6K 64 4
                                    

Hinatid namin ng tingin ang pamilyang Hochengco habang umaandar na ang mga sasakyan nila papalayo. Anong oras na din kasi, pero nakakatuwa lang dahil game sila sa anumang kabaliwan ang angkan namin. Wala ako makita na maarte sila o ano. Sina River at sir Spencer naman ay sumabay na sa kanila. Panay pasalamat pa ang Hochengco Family dahil sa pag-welcome namin sa kanila na sobrang saya sa loob-loob ko. Alam ko ganoon din ang nararamdaman ni MC.

Nang nawala na sila sa paningin namin ay mag-uumpisa na kami para magligpit na ng mga kalat dito. Nakadikit lang sa akin si MC, siguro ay dahil ako pa lang talaga ang nakakausap sa kaniya nang mas matagal pa nang hindi naiilang. Nakakausap din naman niya ang iba pa naming pinsan pero ewan ko, sa akin lang talaga nadikit, siguro ay dahil na rin nakakabiruan niya ako at pansin ko na medyo nahiyain siya. 

Masaya kami nagkukwentuhan habang nagliligpit. Isa-isa namin inaalis ang mga tela mga mesa tapos inilagay namin iyon sa basket para maipalaba na para maipasok ito sa bodega na ilang metro ang layo mula dito sa ancestral house. Nakahiwalay kasi ito sa bahay dahil doon nakatambak ang gamit na pinaglumaan o kaya gagamitin kapag may mga ganitong malalaking okasyon. Ang mga kapatid naman namin ay tumulong sa pag-aayos ng mga basura sa labas. Ang ibang kamag-anakan naman namin ay umalis na din dahil ang iba sa kanila ay sa Maynila pa nakatira.

Si Christy naman at ang boyfriend naman niya ay nalaman kong dito sila mananatili buhat nang dumating ang mga ito mula sa Amerika.

"Pauline, tapos na ako dito." rinig kong wika ni MC na nasa gilid ko. 

Bumaling ako sa kaniya. "Oh sige, iwan mo lang d'yan, tatapusin ko lang ito at ako na ang bahalang maglagay ng mga ito sa bodega." pagboboluntaryo ko pa nang matapos ko nang tanggalin ang mga tela.

"Sure ka? Gusto mo bang samahan na kita?"

Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "No, ako na ang bahala. Hindi naman sobrang bigat ang mga iyan. Ang mabuti pa, pumunta ka na sa Guest Room para makapagpahinga." giit ko pa. "Don't worry, tabi tayo matulog."

Sa sinabi kong iyon ay lumapad ang kaniyang ngiti. "Oh sige, aasahan ko 'yan, ha? Maghihinaw na din muna ako." then tinalikuran na niya ako at umalis na.

Binalikan ko ang mga ginagawa ko hanggang sa matapos na ako. Hanggang sa natapos na ako sa ginagawa ko. Binuhat ko ang malaking basket. Dumaan ako sa likod para madali sa akin na makarating sa bodega.

Tumigil lang ako sa paglalakad nang may naririnig akong may nag-aargumento. Kusang kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Christy sa hindi naman kalayuan. Hindi lang siya ang narinig ko. Kahit ang boyfriend niya ay naririnig ko ang boses. Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Iniwan ko muna ang basket sa gilid ng daan at humakbang nang kaunti. Humawak ako sa pader at sumilip. Sa lugar na ito ay wala masyadong dumadaan dahil mas abala ang mga kamag-anakan namin sa harap ng ancestral house. Naabutan ko si Christy na galit na galit ang mukha na parang maiiyak na. Samantala ang boyfriend naman niya ay napahilamos ng mukha. He looks frustrated na kulang na lang ay susuko na siya. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko na biglang pinaghahampas ni Christy ang boyfriend niya!

"Wala ka talagang kwenta, kahit kailan! Wala kang kwenta!" malakas niyang sabi. "Bakit kasi hindi ka kasing yaman ng mga Hochengco na iyon?! Tingnan mo! Dalawa sa mga pinsan ko, nakabingwit nang mga tulad nila!" galit na galit niyang sambit.

Hinaharang ng lalaki ang kaniyang sarili mula sa pananakit ng pinsan ko.

"Ang akala ko, matatalo ko si Pauline ngayon! Puny*ta, hindi pala!" dagdag pa niya, pasinghal na 'yon. Hindi ko lang malaman kung paiyak na siya o mas lalo sasabog na siya sa galit dahil dama ko ang panginginig ng boses niya. 

Kissmarks | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon