Chapter 2

1.9K 82 2
                                    


Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala sa sagot niya.. Totoo ba ito? Hindi ba siya nagbibiro? Hindi kaya masyado siya good mood ngayon kaya pumayag siya? O nantitrip lang siya? Ano? Gustuhin ko man itanong sa kaniya, hindi ko naman magawa! Para kasing umuurong ang dila ko! Jusme, ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noon kapag siya ang kaharap ko! Ngayon lang! Seryoso!

"Miss Magbanua?" malumanay niyang tawag sa akin. "Are you alright?"

Doon ay nanumbalik ang aking ulirat. Tumikhim ako't tagumpay akong nakawala mula sa kaniya sa pamamagitan ng marahan kong pagtulak sa kaniya. Agad akong tumayo at humarap sa kaniya nang ayos. Umaawang ang bibig ko, nangangapa ako ng sasabihin ko para sa kaniya. "H-hindi ninyo po ba muna tatanungin kung bakit...?" nakangiwing tanong ko sa kaniya. "Kung anong dahilan ko?"

Umayos na din siya ng tayo. Humalukipkip siya sa harap ko habang nakataas ang isang kilay niya na tila nagtataka. "Is there any reasons about it?" medyo pormal niyang pagkatanong.

Kinagat ko ang aking labi sabay dumapo ang tingin ko sa sahig ng kaniyang opisina ng ilang segundo, pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. "I have a problem, a serious problem..." mahina kong saad. "I have a cousin from US, nakauwi na siya dito sa Pinas at dahil doon, magkakaroon po kami ng family reunion. The main problem is, nasabi ko sa pamilya ko na ikaw ang boyfriend ko... Kaya naman ako narito para sabihin sa inyo na kung pwede... Kahit ilang linggo lang naman---"

"Count me in." bigla niyang sagot.

Laglag panga ko siyang tiningnan. "W-wait, what?" at mabagal akong umiiling, para bang hindi pa rin ako makapaniwala, sinisink in ko pa.

Nagbuntong-hininga siya at muli siyang tumingin sa akin. "You want me to be your fake boyfriend, do you?" he asked casually. "So... Count me in. Wala naman magiging problema sa akin. And besides, I'm single."

Suminghap ako. "S-sigurado po ba kayo? O-okay lang ba talaga sa iyo?" paniniguro ko. Kahit sa ekspresyon ng mukha ko, naniniguro rin.

"Yeah, ngayon ka lang naman humingi ng pabor sa akin. Sinuklian ko lang ang pag-alalay mo sa akin habang naririto tayo sa trabaho. You're been a good assistant, Miss Magbanua." he said.

Daha-dahan akong tumango. Mukhang napupunta na nga sa akin ang pabor! It's a good thing.

"But," he added. "I'll set some rules for you since we're in this fake relationship."

I gasped. "R-rules?"

"Uh-uh." nagpakawala siya ng hakbang palapit muli sa akin. "Three major rules." mahina pero mabagal niyanh sambit.

Bakit ganito? Bakit parang umiba ang pakiramdam ko? Dahil sa kaba, bawat hakbang palapit niya sa akin, siya naman ang pag-atras ko hanggang sa naramdaman ko nalang na may pumigil sa akin at iyon ay ang pader. Muli naman ako ikinulong ni Sir River. Yumuko pa siya para itinapat ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay pinag-aaralan ng mga mata niya ang mukha ko. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti sa huli na mas lalo ko ipinagtaka.

"S-Sir?" nanghihinang tawag ko sa kaniya. Shete, bakit parang kakapusin na naman ako ng hininga?!

He scanned my clothes. "Rule number one, always wear a skirt."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "H-ha? Why?" medyo naguguluhan ako.

"Para madali ako makapasok."

"M-makapas---" hindi ko agad masabi ang mga dapat kong sabihin nang pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglapat ng hinatuturo niyang daliri sa mga labi ko. Dámn, bakit nag-iinit ako?!

Kissmarks | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon