Chapter 3

1.9K 94 3
                                    

Kumawala ako ng isang malaking buntong-hininga nang nakarating na ako sa desk ko, habang si Sir River naman ay dumiretso na sa kaniyang opisina para mag-umpisa na magtrabaho. Tamad akong umupo sa swivel chair. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan. Lumapat ang hintuturo kong daliri sa aking mga labi. I swallowed hard when I realized he kissed me a while ago! Hindi ba ito isang panaginip? O sadyang nanaginip lang ako?

I didn't know Mr. Douglas River Hochengco is an aggressive boyfriend! Nakalimutan ko lang ang rules na kailangan kong mag-skirt araw-araw, nakatikim na agad ako ng parusa galing sa kaniya! Yes, everybody in this building loves him. Sino nga ba hindi magkakagusto sa kaniya? Bukod na isa siyang Hochengco, maaasahan siya sa mga bagay tulad na sa tuwing nagkakaroon ng problema sa kumpanya, nagagawa niyang solusyonan ito. Matalino, sa katunayan nga ay marami siyang alam na lengguwahe sa tuwing pupunta kami sa ibang bansa para sa isang meeting o deal. Hindi na kami nagdadala ng translator. Magna Cúm Laude siya nang natapos niya ang isang business course, kumuha pa siya ng masteral. Kaya sobrang proud sa kaniya ang mga magulang niya, kahit ang buong angkan niya, siguro. Matatalino din naman ang kaniyang mga kuya Rowan at ate Sarette niya, sadyang hindi lang talaga nagpapahuli ang isang ito. Naalala ko noong una ko pa lang siya nakatrabaho, napansin ko na ang pagiging competitve niya lalo na kapag may malaking kinalaman sa trabaho.

Kapag isa kang Hochengco, dapat magaling ka. Iyan ang palaging naririnig ko sa kanila lalo sa yumaong ahma nila na si Madame Eufemia. At mukhang napapatunayan nga nila iyon.

Umiling ako para alisin na sa aking isipan ang mga bagay na iyon dahil kinakailangan ko nang magtrabaho ngayong araw. Imbis na pagtuunan ko ng pansin ang nangyari kanina sa unit ko, idadivert ko na lang ito sa trabaho o hindi kaya sa ibang bagay.

Tandaan mo ito, Pauline, halik lang 'yon! Huwag na huwag ka magpapaapekto! Kailangan mong maging focus sa work! Kikita ka pa ng pera! Sa panahon ngayon, pera na ang magpapakasaya sa iyo, hindi ang love-love na iyan!

Umupo ako nang tuwid ang sinimulan ko na ang trabaho ko. Agad kong binuklat ang mga folder na nakapatong sa aking gilid Lahat pinag-aralan at inireview ko kung lahat ba ng mga ito ay importante para agad kong maibigay ang mga ito kay Sir River para na din mapirmahan for approval. Nakapag-almusal na din naman kami sa isang resto ng suhesyon niyakaya ang sabi niya, hindi na daw siya magkakape sa opisina. Sinunod ko naman ang bilin niya.

Out of eleven folders, kinuha ko ang limang folder. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Kaswal akong lumapit sa pinto ng opisina ni Sir River. Kumatok ako ng tatlong beses. Nakatanggap ako ng sagot na maaari na akong pumasok. Pinihit ko ang pinto. Marahan ko iyon itinulak habang hawak ng isang kamay ko ang mga folder na naglalaman ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan pati na din ng iPad. Bago ko siya haharapin, ilang beses ko sinisiksik sa isipan ko na kailangan normal ang kinikilos ko kapag kaharap ko na siya! Dapat hindi ako magpapa-apekto!

Naabutan ko siyang nakaupo sa kaniyang leather chair. Nakatitig siya sa kaniyang laptop. Tila may binabasa siya doon. Paniguradong kasalukuyang binabasa niya ang mga iilang email mula sa mga clients.

"Sir, may mga kailangan po kayong pirmahan. From sales and marketing, personnel, purchasing and production." pormal kong sabi saka inilapag ko ang mga folder sa gilid ng kaniyang desk, maliban sa iPad. Sunod ko naman tiningnan ang nakasulat sa iPad para sabihin ang magiging meeting niya ngayong araw. "Mamayang ten, kikitain ninyo po si Sir Massimo sa isang restaurant for a meeting. Around three in the afternoon naman po-"

"Cancel it." bigla niyang sabi.

Napamaangan ako. "P-po?"

Nakangiti siyang bumaling sa akin. "Cancel it. All of them."

Hindi ko maitindihan. Gustuhin ko sanang tanungin kung bakit ay hindi ko magawa. Kasi bawat meeting niya ay napakaimportante. At isa pa, hindi ko rin maitindihan kung bakit ang bilis niyang ipina-cancel ang mga appointment niya eh noon naman ay hindi niya gawain iyon. Masyado siyang dedicated sa kaniyang trabaho, iyon ang pagkakilala ko sa kaniya. Sa huli ay sinabi ko, "Okay po, sir. Babalik na po ako sa labas-" paalam ko na lang sa kaniya. I need to make calls sa mga tao na dapat niyang kitain ngayong araw.

Kissmarks | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon