Chapter 13

1.7K 76 9
                                    


Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti habang pinagmamasdan ko ang bouquet na hawak-hawak ko. Ako ang nakasalo ng bulaklak na hinagis ni Ma'm Ciel, habang si River naman ang nakakuha ng garter gawa ng wedding game na iyon. Yes, nauna talagang ikinasal si Sir Rowan kaysa kay River. Tungkol naman kay Miss Sarette, ilang beses na niyang kinukumbisi ang kaniyang ama na si Sir Finlay na huwag siya ang unahing ipakasal, pero pinapangako daw niya na hahanapin daw niya ang ama ng kaniyang mga anak—si Fabian Alexandre Wu, kung hindi ako nagkakamali. Kilala din ang pamilyang pinanggalingan nito. Dahil sa pagkakaalam ko, isa ang mga Wu sa pangunahing myembro ng International Business Club. Aside from that, malalim din ang samahan ng mga Ho sa pamilyang ito, tulad sa mga Chua.

"Happy?" rinig kong tanong ni River na dahilan para bumaling ako sa kaniya. "It's seems you're enjoyed with my family, baby Pau." he said softly and gently hold my hand and he plant it a small kiss.

"So-braaa!" masigla kong tugon na hindi mabura sa aking mukha ang matatamis na ngiti, at hindi ko rin mabitawan ang bouquet.

Kasalukuyan siyang nagmamaneho. Nagpaalam na rin kami na mauuna na. Mabuti na lang ay pinayagan kami na makaalis nang matiwasay. Kahit naka-sideview siya, kitang kita ko kung papaano sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm just wondering, kanina mo pa ako tinatawag na boss sa harap ng angkan, baby Pau. You're now my fiancee, not just my secretary anymore." may bahid pa rin na lambing nang sabihin niya ang mga salita na iyon.

Ngumuso ako saka tumingin sa highway na nadadaanan namin. "Err, siguro nasanay lang ako na tawagin kang sir or boss sa harap ng pamilya mo. Sorry naman." saka ngumisi ako't sumulyap sa kaniya. "Saka, na-miss ko din na tawagin kang ganoon."

I saw him chuckled. Umiiling-iling siya kahit na nakatingin parin siya sa dinadaanan namin. "Well, Rowan ahia is already married. Atsi Sarette is already searching for her twin's father." parang may pinaparinggan ito. "And, pumayag na din si papa na tayo muna ang ikasal, kahit ihuli na si atsi. Wala naman magiging problema doon."

Ngumuso at tumango na tila naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"What's your ideal wedding place, my baby Pau?"

"Hm...." ngumuso ulit ako. "I prefer church or beaches, Mr. Ho." tugon ko.

"If that so..." bigla niyang iniliko ang sasakyan at ang daan na tinatahak namin ngayon ay papunta sa isa sa mga lalawigan sa Batangas! "We're going to your favorite place, my baby Pau."

"River naman! Pabigla-bigla ka!" halos matili na ako nang sambitin ko iyon.

Rinig ko ang pagtawa niya. "I'm sorry, baby Pau." malambing niyang sabi.

Umingos lang ako sa kaniya. Mabuti na lang, suot ko ang seatbelts sa katawan. Humalukipkip ako. Inabala ko na lang ang sarili ko na panoorin ang mga tawanin sa labas.

**

Pareho kami napadpad ni River sa Hacienda Vírginia Hotel & Resort. Hindi naman peak season ngayon kaya hindi naman gaano karami ang tao ang naririto.

Ang mas hindi ko inaasahan ay nag-check in kami ni River dito! Niremind ko pa siya na wala kaming dalang damit pamalit kung sakaling maliligo man kami dito. Ang katwiran naman niya, may shop naman na parte pa rin ng Hotel & Resort na ito. Kaya wala daw magiging problema. At saka, kilala naman daw niya ang may-ari ng lugar na ito.

Bago man kami pumunta sa tinutukoy niyang souvenir shop, pinuntahan muna namin ang hotel room kung saan kami para naman daw makapagpahinga naman daw kami kahit papaano. Mabuti nalang, hindi siya nakainom nang sobra sa kasal ng kuya Rowan niya kaya okay pa kaming dalawa.

"Baby Pau," biglang tawag sa akin ni River.

"Hmm?" habang nakahiga ako sa malapad na queen sized bed, nakatitig sa kisame ng kuwartong ito. Nasa tabi ko siya.

Kissmarks | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon