Chapter One

223 10 2
                                    

Six months later....

"Do you take this man to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse; for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do you part?" maemosyong sabi ng nagkakasal.

"I do," sagot ni Kiara, sabay hikab.

Kahit noon pa, hindi na siya mahilig mag-attend ng mga weddings. Lalo pa ngayong pinapaalala lang ng mga eksenang kaharap ang tungkol sa na-cancel niyang kasal dahil sa sarili niyang katangahan.

Pero hindi siya puwedeng hindi um-attend sa kasalan na ito. Ito na iyong pinakahihintay niyang pagkakataon para makausap ang kanyang ex-fiance. Kaya nga pinagplanuhan niyang maigi na magkita sila ni Mr. and Mrs. Sevilla at magkukumustahan, para maimbita siya rito. Bah, ilang linggo rin niyang tinrabaho ang invitation na iyon. Ngayon, heto na.

Kailangan na lang niyang lapitan si Trent, na pamangkin at itinututing ng anak ng dalawang nagre-renew ng marriage vows sa kanilang fiftieth wedding anniversary, makorner ito (preferably sa medyo madilim at isolated na parte ng reception hall), saka bigyan ng marubdob at torrid na true love's kiss! Alam ni Kiara, mare-realize din ng binata pagkatapos niyon na 'a match made in heaven' sila.

Ginagawan na niya iyon ngayon ng paraan. She swore to herself na hindi siya uuwi ngayong gabi nang hindi sila nagkakabalikan ng ex niya.

Kandahaba ang leeg ni Kiara para sulyapan ang kinaroroonan ng binata sa parteng unahang pew. Mula sa puwesto niya, kita niya ang tuktok ng ulo nito. Hindi masyadong matangkad ang kanyang ex-boyfriend, hindi ganoon kaguwapo, average lang din ang talino pero ito ang gusto niyang mapangasawa.

"Ano ba'ng nakita mo kay Trent at ganito ka na lang ka-obsessed sa kanya?" tanong ng kaibigan niyang si Sab nang malaman nitong halos linggo-linggo siyang bumibili at nakipagchikahan sa bakeshop ni Mrs. Sevilla sa loob ng tatlong buwan para lang ma-invite siya sa kasalang ito kahit wala na silang koneksyon.

"Grabe ka naman, obsessed agad? Di ba puwedeng in love lang?" sagot niya.

Si Trent ang unang boyfriend niya at kahit wala siyang pagkukumparahan, alam niyang naging mabuti itong nobyo saa kanya. Naramdaman niya na minahal siya nito at inalagaan. Mabait ito, mahinahon, maalalahanin, close pati sa mga parents niya.

High school pa lang siya, si Trent na ang pangarap niya. Ang dami niyang binuong mga eksena sa kanyang isip tungkol sa future nila, at hindi niya matanggap na imposibleng magkatotoo ang mga iyon.

Ang tanga niya nga lang kasi hinayaan pa niyang mawala ang lalaki sa kanya.

Hindi napansin ni Kiara na napabuntong-hininga siya nang malakas dahil sa pagkabagot. Na-realize niya na lang iyon nang maramdamang nakatingin sa kanya ang katabing sosyal na ginang. Mukhang nawiwirduhan ito dahil hindi maganda ang tunog ng buntong-hininga niya.

Nagpilit siyang ngumiti. "Ang sweet po nila, ano? Nakakainggit," palusot ng dalaga.

Binigyan siya nito ng pilit na ngiti at nawiwirduhang tingin bago itinuon muli ang paningin sa nangyayari sa makeshift altar.

Pilit na nag-concentrate din siya roon kahit parang mas gusto niyang matulog dahil sa mabagal na boses ng nagkakasal. Ang lakas na din ng udyok sa loob niya na silipin si Trent kaya buong seremonya na ang struggle niya ay manood ng ceremony vs. sulyapan ang ex-fiance.

Nang sa wakas ay mag-reception na, na ginanap din sa events place na iyon, agad niyang inabangan si Trent sa buffet table. Sa isip ay pinlano niya kung paano kunwaring makakasalubong ang dating nobyo.

Sadyang tumambay muna si Kiara sa gilid ng buffet table at binati ang babaeng ang alam niya ay bahagi ng entourage kanina. It was a talent that she found very beneficial, it was easy for her to befriend anyone. Palakaibigan kasi talaga siya sa lahat.

Cheaters (to be Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon