"He's two hundred fifty meters away," sabi ni Aki kay Kiara sa telepono, habang tinitingnan mula sa malayo (gamit ang telescope) ang eksena sa di-mataong kalye nang umagang iyon. Ganitong oras madalas dumadaan doon si Trent kapag papasok ito sa construction firm kung saan ito engineer.
Pareho silang walang commitments sa trabaho kaya nagdesisyon silang ngayon simulan ang kanilang 'Oplan: Second Chance.'
"Okay, labas na!" sabi niya ulit. "Raise your hands! Parahin mo na 'yang black Strada. Siya na 'yan."
Hawak pa rin ang cellphone, sinunod naman ni Kiara ang sinabi niya. Pinanood niyang parahin nito ang kotse, nakitang lumapad ang ngiti nito pagkakita sa dating nobyo.
Bumaba mula sa sasakyan ang kaibigan niya.
Bumigat ang pakiramdam ni Aki nang sabay na lumapit sa nasirang sasakyan ang dalawa at sinilip ang nasa ilalim ng hood. Tiningnan-tingnan lang iyon ni Trent at ni hindi hinawakan. Pagkatapos, inakay na nito si Kiara palulan sa sarili nitong kotse. Ito na rin ang kumuha ng bag ng babae mula sa kabilang sasakyan. Chineck muna nito kung naka-lock ang iiwang auto bago lumulan na sa driver seat ng Strada.
And then, they were gone.
Mukhang tagumpay naman ang mission. Malamang may magkakabalikan.
"Yay," walang siglang aniya sabay buntong-hininga.
Mabibigat ang mga hakbang na ibinaba ni Aki ang hawak na binoculars sa dashboard ng kinaroroonang kotse. Puwede na siyang umalis kung tutuusin dahil nakatawag naman na ng mekaniko si Kiara kanina pa, para gumawa sa sasakyan nitong sinadya nilang putulan ng wires para di umandar. Pero wala pa siyang lakas gumalaw kaya roon na lang muna siya. Aalis na lang siya pagkakuha ng mekaniko sa kotse ng dalaga.
Binuksan niya ang car stereo habang pinagagalitan ang sarili. Napag-isipan na niya ito nitong mga nakaraang araw eh. Ang plano niya, he would build himself up to Kiara habang tinutulungan niya itong makipagbalikan kay Trent—na sa tingin niya ay totoong interesado sa Alice na iyon.
Dapat inaakit niya ito eh. Dapat mas doon niya ipinokus ang efforts at utak niya. Bakit ba kasi ang kulit niya?
Siguro dahil parang naka-engrave na sa utak niya iyong lungkot sa mga mata ni Kiara noong umiyak ito sa harap niya. He did not want her to be sad, that's a fact.
"Pathetic. T*ng ina ka talaga, Achilles Hidalgo," sambit niya sa sarili habang ini-imagine na siguro nagkukuwentuhan na ang dalawa ngayon, nagkukumustahan, nagngingitian... nagre-reminisce ng nakaraan, ganoon. Baka ni-reenact na iyong first kiss nila! Masyadong advance ang ideas na iyon pero sira na nga kasi ang ulo niya.
Nag-e-emo pa si Aki sa saliw ng 'When I'm Down' ni Chris Cornell nang mag-ring ang cellphone niya. It was Kiara. Kumabog ang dibdib niya sa kaba.
"O?" bungad niya lang.
"Palpak, eh," sagot nito sa malungkot na boses.
"Talaga?" Muntik siyang humalakhak at pumalakpak, buti na lang napigilan niya. "I mean, bakit? What happened?"
Pumalatak ito. "Puntahan mo 'ko dito sa park. Dito ko na ikukuwento. Dalian mo."
Dapat nainis siya. Para kasi siyang under de sayang boyfriend sa sinabi nito. Pero di kasi demanding ang tono ni Kiara, para itong nakikiusap. And he found himself willingly submitting to her 'authority'.
"Okay, I'll be there in fifteen—no, ten minutes. Wait for me."
Ibinigay ni Aki ang lahat niya para makarating sa park the soonest possible time. Pero inabot pa rin siya ng twelve minutes. Halos humangos siya nang makapag-park at makababa sa sasakyan. Pinaikot niya ang tingin sa paligid habang hinihintay na sagutin ni Kiara ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
Cheaters (to be Published by Bookware)
RomantizmAchilles Hidalgo is someone Kiara Israel would never want to see again. He reminds her of that one time that she forgot everything-the honorable man she likes, their upcoming marriage, her morals, herself-and just freely gave her body to her boyfrie...