Chapter 2

157 10 3
                                    

Napabuntong-hininga si Achilles 'Aki' Hidalgo habang pinapanood ang paglakad ni Kiara palayo, taking note of how sexy her hips moved. Inaamin niya, odd siyang mag-express ng admiration, lalo na kapag para sa babaeng dati niyang kinaiinisan.

To his defense, sa una palang nilang pagkakakilala, malakas na ang dating sa kanya si Kiara, kaya nga siya nainis. Dumagdag pa na bad trip siya nang araw na iyon na nagkakilala sila. He was moping because his girlfriend of eight months had just dumped him to, as per her words, "focus on more important things." Iyon pala 'someone richer who could give her a break in the modeling world' ang ibig sabihin ng 'important thing' na iyon. And Kiara reminded him of his ex, especially that day. Kaya nga sinungitan niya rin ito noon kahit nagagandahan siya rito. Masyado rin itong forward/aggressive sa tingin niya.

So for many months na karelasyon nito si Trent, para silang aso't pusa kada magkikita. Lagi nilang pinagtatalunan kahit maliliit lang na bagay. Although madalas, sinasadya niya talaga itong inisin. Ang cute kasi nito kapag namumula ang mga pisngi.

And then, that night happened. Matapos iyong gabing iyon—that fateful night they shared—everything changed, at least at his end. It was then he accepted the fact that he was very much attracted to the woman. Kaya pala niya ito iniinis parati ay dahil naku-cute-an siya kapag tinataasan siya nito ng kilay o iniirapan, o kaya namumula ang mukha sa inis sa kanya.

However, she remained unfriendly to him, hostile even. Habang memorable, treasured experience ang turing niya roon, mukhang sobrang pinagsisihan ng babae ang nangyari sa kanila seven months ago. O baka gaya ng sinabi nito nang gabing iyon, she only wanted to 'get it over and done with, then move on.' Ganoon kasimple.

Kung sabagay, hindi naman din maganda talaga iyong sitwasyon nila noon. Engaged ito noon sa kaibigan niya, for goodness' sake! Kahit pa alam niyang hindi naman talaga ito mahal ng kaibigan niya, mali pa rin. Kahit saang anggulo niya tingnan, mali siya. Nagkamali sila.

At naiintindihan niya kung mas gugustuhin nitong umaktong nagka-amnesia at kalimutan na ang kahihiyang nagawa nila.

Siya man ay nanliliit din. Ngayon nga, gusto niya ring makipag-ayos na kay Trent kaya siya naroon sa kasal na iyon. Naalala niya pa kung gaano kapula ang mukha nito sa galit nang maratnan siya nito sa kama na katabi ang mapapangasawa dapat nito. Pakiramdam niya, kinalimutan nito ang halos sampung taon nilang pagkakaibigan dahil lang sa nakita nito nang umagang iyon.

Na-gets niya, oo nakakahiya talaga. Pero hindi niya matanggap na wala lang iyon para kay Kiara, lalo pa dahil siya ang nakauna dito. Ganoon lang ba iyon kadaling kalimutan?

Kaya nagdesisyon siya na magpapansin pa rin siya kay Kiara at parati itong aasarin. Iyon muna habang iniisip pa niya kung paano kukuhanin ang loob nito. Ewan kung saan siya dadalhin ng strategy niyang ito—hopefully, on his bed with the alluring woman under him.

Speaking of the alluring woman, namataan niya si Kiara na pasimpleng tumungo sa direksyon ng men's room kung saan nagpunta si Trent kani-kanina. Tumaas ang isang kilay niya. Was she looking for his friend? Was she trying to corner him or something?

Uminit ang bumbunan niya. Napaka-impulsive talaga ng babaeng iyon kahit kailan.

It was a good thing na alam na niyang hindi niya karibal ang kaibigan kay Kiara. At least wala siyang kailangang isaalang-alang sa paghabol-habol niya sa dalaga.

Nagngingitngit na binaybay ni Aki ang daan patungo sa dako ng banyo. Naabutan niya si Kiara sa hallway sa labas ng pinto ng men's room. Mukhang akmang papasukin na nito roon ang kaibigan niya.

Dali-dali niya itong nilapitan at walang sabing hinila ito paalis sa lugar na iyon.

"Hey! Bitawan mo nga ako! Oy, s'an mo 'ko dadalhin?"

Cheaters (to be Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon