Chapter 6

147 7 0
                                    

Pinanood ni Aki habang tarantang inaayos ni Kiara sa dining table ni Trent ang mga putahe na pinagtulungan nilang lutuin. In his mind, he was deciding that this would be the last time that he'd let Kiara do this. Malaki kasi ang pakiramdam niya na totohanang gusto ni Trent si Alice at masasaktan lang ang dalaga kung patuloy itong aasa na makikipagbalikan pa rito ang kaibigan niya. So huli na ito. Tama na iyong halos tatlong linggo niyang pagkunsinti sa babae.

After tonight, he would do everything to convince her that it was them who belong together.

Nagawan ni Kiara ng paraan ang pagpasok nila sa unit ni Trent. Kung sino sa mga kapamilya ng huli ang nakasabwat nito, wala siyang ideya.

"OMG, 10:30 na. Asan na ba si Trent?" nagpa-panic na anito.

Nalaman niya kay Tyra na may date ulit ito kay Alice ngayong gabi, pero hindi na niya iyon binanggit kay Kiara. It would ruin her mood.

"How do I look? Di ba masyadong daring?" Humarap ito sa kanya at ipinakita ang short dress. The fabric clung to her delectable curves and it was making his mouth water.

Sumimangot si Aki. "Ang pangit. I hate it."

"Grabe ka!" tawa nito. "Ang cute ko kaya rito."

I hate it so much I want to take it off of you, gusto niya sanang idugtong, pero di pa siguro tamang dumiga siya sa ganitong oras. Hinayaan na lang niyang isipin nito na iyon ang opinion niya.

Noon naman nag-ring ang cellphone ni Kiara. Iyong guard na iyon sa lobby, at sinabi nito na nasa elevator na si Trent papaakyat doon.

Dali-dali silang nagpatay ng ilaw at nagtago sa likod ng divider na naghahati sa living at dining room.

"Kinakabahan ako," bulong ni Kiara na inabot pa ang palad niya at pinisil.

Siya din ay kinakabahan. Kung magtagumpay kasi ang plano nila, matatapos ang pantasya niyang maging kanya ang dalagang katabi.

A few minutes more at bumukas ang pinto.

Pero naudlot ang tangka nilang pasigaw na pag-welcome kay Trent nang pumasok ito na pabalya. Pinindot nito ang ilaw at bumulaga sa kanila kung bakit. Nakasandal sa pader ang kahalikan nitong babae, habang mainit na gumagala ang kamay nito sa katawan niyon. Napuno rin ng ungol ng dalawa ang unit.

They were both flabbergasted to react at nang magawa niyang mag-isip, hinuhubaran na ni Trent ng blouse ang kasama nito.

He heard Kiara sniff and that did it for him. Tumayo siya at nilapitan ang dalawang mainit na naghahalikan. Bago pa siya makita ng mga ito, hinila niya si Trent at itinulak sa sofa.

"F*cking hell!"

Napuno ang unit ng mga tili ng dalawang babae at mga mura nila ng kaibigan.

"Oh my God!" sigaw ni Alice habang kandatuto sa pagtatakip sa sarili ng nahubad na blusa.

Agad itong niyakap ni Trent. "Shh, it's okay. It's okay. Don't cry, Alice, please. I'll fix this, don't cry," tarantang anito.

Iginiya nito ang babae patungo sa kuwarto nito. Pagkatapos, pulang-pula ang mukha at nagtatagis ang mga bagang na hinarap sila nito. "What in f*cking hell are you two doing here?"

"She's trying to..." Nilingon niya si Kiara at nakitang humahagulgol na ito sa isang sulok ng living room. "Sh*t."

Lumapit siya at kinipkip ito sa dibdib. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang kaibigan. "I should punch you for this."

His friend laughed sarcastically. "Punch me? Bakit? Because you saw me making out with my girlfriend in my own house?"

Hindi siya nakasagot. Ano ba ang sasabihin niya?

Cheaters (to be Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon