Four months and four days later....
"S'abi ko nga ba, hindi si Trent ang dahilan ng pagmumukmok mo, eh."
Nagulat si Kiara sa nadinig at agad isinara ang lid] ng kandong na laptop saka pasimpleng pinahid ang luha.
"Ma!" Hindi niya napansing nakapasok na pala ito sa kuwarto niya at nakatabi na sa kama.
Amelia Israel looked elegant and youthful, as usual. Sa suot nitong cute na duster, mukha itong cuarenta lang kahit ang totoo ay malapit na itong maging senior citizen. Makinis pa rin ang mukha nitong alaga sa facial at kung anu-ano pang beauty regimen. Siguro iyong pagiging masayahin nito ang sikreto ng kagandahan nito—iyon at ang pagmamahal mula sa guwapo pa rin niyang ama.
May tatlong linggo na siyang nakabakasyon sa trabaho, sa request na rin ng manager niya na sobrang nag-aalala sa kanya. Halos di kasi siya makatulog o makakain mula noong iwan siya ni Aki. Doon siya sa kanila sa Lucena nagpapahinga habang nagpapagaling ng heartache.
Malambing nitong sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay, at naalala niyang paborito rin iyong gawin ni Achilles.
Naramdaman niyang nag-iinit ulit ang mga mata niya. She missed him a lot, at pinagkakasya na lang niya ang sarili sa panonood ng show ng binata nitong mga nakaraang buwan.
"Patingin nga ng iniiyakan mo," anang kanyang ina. "Baka mamaya chaka naman pala 'yan."
Despite her tears, she pouted. "Oy, hindi, Ma, ah. Ang guwapo-guwapo niyan. Hot pa saka sexy saka cute."
Ito na ang nagtaas ng lid ng computer. Humantad sa kanila ang recorded episode ng Everyday Gourmet sa YouTube. Naka-pink si Aki at sobrang bagay iyon dito. Kasalukuyan itong nagluluto habang nakikipagkuwentuhan sa guest nitong walang iba kundi si Irene Gimenez, iyong model turned comedienne na nakatrabaho niya noon at malaki ang crush sa binata.
Kanina panay ang tawa ng babae sa lahat na lang sabihin ng chef. At kahit naiinis sa pagpapa-cute nito, mas lamang ang lungkot niya dahil missed na nga niya ang binata.
"Si Chef Aks!?" gulat na anang ina. "Siya'ng iniiyakan mo?"
Nag-pout siya at tumango.
"Wow, ang pogi ng smile," hiyaw pa ng nanay niya. "Ang gandang lahi! Approved na 'yan, gusto ko siyang maging son in-law."
Sumimangot siya lalo. "Mama, di naman kami."
Isinara ulit nito ang laptop at ipinatong sa isang tabi saka ibinigay sa kanya ang buong atensyon. "Ano ba'ng nangyari?"
Wala siyang inilihim sa ina. Alam kasi niyang hindi siya nito huhusgahan.
Matapos ang gabing iyon na nag-iiyak siya at may nangyari sa kanila, nagising siya kinabukasan na masaya, magaang ang pakiramdam kahit masakit ang katawan. May nakahandang gourmet breakfast sa mesa niya, pero hindi niya iyon nagawang kainin dahil nauna niyang pinansin ang note na kasama niyon.
I'm not giving you up. I just want you to think things over. I still think you're confused, and what transpired last night might confuse you more so I'm giving you time to think things over. I don't want to be your booty call, Kiara. I want to be your one and only. When you think you're ready for that... after you've figured out that I'm more than just a great tumble in bed, find me. I'll wait. ~ Aki
"Eh ano ba talaga'ng nararamdaman mo para sa kanya?" usisa ng ina.
"I like him. I really do," sagot niya.
Tama naman ulit si Achilles. She could be confused dahil nga sa nangyari sa kanila ni Trent.
But she's not. She was guilty and that guilt over what she did to Trent was what's keeping her from letting him go. Ngayong pinatawad na siya nito, at nilinaw iyon muli ng dating nobyo nitong nakaraan na nagkita sila at nag-usap, nakahinga na siya nang maluwag. Wala nang guilt o condemnation, lalong walang sakit.
BINABASA MO ANG
Cheaters (to be Published by Bookware)
RomanceAchilles Hidalgo is someone Kiara Israel would never want to see again. He reminds her of that one time that she forgot everything-the honorable man she likes, their upcoming marriage, her morals, herself-and just freely gave her body to her boyfrie...