Tinapik ni Soonyoung ang aking balikat at sinabing "Bro, I know she's in the good hands of God and she will always take care of you now."
"thanks bro, thank you sa lahat nang tulong mo sa akin." Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit alam kong hindi ko kaya.
"Seokmin, hindi mo naman kailangan ipakita na malakas ka, alam kong masakit kaya okay lang umiyak."
Tama si Soonyoung, this is not the time to pretend. Masakit para sa akin ang pagkawala mo. Siguro kung nandoon lang ako nang mangyari ang aksidente sana nakita pa kita sa huling pagkakataon at sana may nagawa ako para iligtas ka.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Hindi ko kayang iwan ka dahil alam kong pag-uwi ko ay mag-isa na ako sa bahay nating dalawa.
Bumuhos ang ulan pero nakaupo parin ako sa tabi ng puntod mo at umiiyak.
"Seokmin, let's go magkakasakit ka sa ginagawa mo."
"I need to stay, kailangan niya ako. Hindi ko kaya ang ganito."
Pilit akong itinatayo ni Soonyoung, "magpapakamatay ka ba? let's go!"
"dito lang ako, hindi ko siya pwedeng iwan. Please Carol, huwag mo akong iwan na ganito. I need you!"
Patuloy parin ang pagpupumiglas ko sa pagkakahawak sa akin ni Soonyoung. Hanggang hindi na siya nakatiis ay kwinelyuhan niya ako at tumaas ang boses niya nang magsalita siya.
"Listen to me bro, kahit anong gawin mo hindi na babalik si Carol. Kahit ilang oras at araw kang maghintay dito wala paring magbabago. Just accept it Seokmin, accept that Carol is gone.
"pero..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humagulgol na ako sa pagiyak. Napayakap na lang ako kay Soonyoung dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
I'm Sorry.
Sorry, kasi wala akong nagawa. Sorry kasi wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ako. Sorry sa lahat Carol.
I'm sorry for letting you go like this.
《funnySoul》