September 15, 2017
Dear Seokmin,
Alam mo bang may isa akong secret na hindi pa sinasabi sayo. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo pero nauuna parin ang takot ko. Hindi ko na siya kayang itago sayo Seokmin.
Gusto kong ikwento lahat ng nangyari 3 years ago bago tayo nagkakilala. Gusto kong malaman mo ang lahat para mapanatag ako at malaman mo ang totoo.
Bago tayo nagkakilala ay nagtrabaho ako sa Greece, doon ako nagsimulang bumuo ng pangarap ko hanggang makilala ko si Joshua.
Si Joshua ang una at ang akala kong huling mamahalin ko pero hindi pala. Isang street musician si Joshua ng makilala ko siya sa Greece. Nagkakilala kami dahil lagi ko siyang pinapanood sa tuwing dumadaan ako papuntang trabaho kahit late ako walang araw na hindi ko pinalagpas ang pagkanta niya.
Akala ko hanggang panood na lang ako sa kanya pero dumating din yung araw na nagkakilala kami at hindi nagtagal ay nagsama kaming dalawa. Masaya ng mga panahon na iyon sa Greece pero nagbago lahat ng mawala sa amin ang una naming anak.
Simula noon hindi na rin kami magkaayos ni Joshua. Lagi kaming nag aaway kahit sa maliliit na bagay lang. Minsan iniisip ko na sana hindi ko na lang siya nakilala na sana ikaw na lang yung una kong minahal.
I'm sorry Seokmin, kahit anong gawin ko hindi ko parin makalimutan si Joshua.
I'm sorry kung sa tingin mo na ginawa kitang panakip butas sa mga panahon na hinahanap ko siya.
I'm sorry kung hindi sapat ang pagmamahal na binigay ko sayo.
I'm sorry sa mga panahon na akala mong minahal kita ng sobra sobra.
I'm sorry na pinaasa kita.
I'm sorry sa mga kasinungalingan ko sayo.
Sana mapatawad mo ako sa lahat ang kasinungalin ko sayo. Akala ko kasi kung magpapakasal ako sayo lahat ng mga alaala ni Joshua ay mawawala at mapapalitan pero mali pala ako kasi habang tumatagal ay mas hinahanap ko siya.
Alam kong hindi sapat ang sorry ko sa lahat ng ginawa ko sayo pero Seokmin kahit papaano ay naging masaya ako sa piling mo.
I'm sorry Seokmin.
-Carol-
[Anneyeong chingus! natagalan ang update pero malapit na siyang matapos.]
《 funnySoul》