d: letter

27 1 0
                                    

Agad akong umakyat sa kwarto, nang makarating ako ay napaupo ako sa kama. Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Teka, baka naman kalat yun ni Soonyoung nung last time na bumisita dito sa bahay pero bakit naman? Or masyado lang akong praning?

Maglilinis na lang ako kesa mabaliw ako kakaisip kung kaninong kalat yun.

Binuksan ko yung cabinet at nakita ko ang mga damit mo. Isa-isa kong kinuha ito at itinupi para ilagay sa kahon. Kung hindi ko ito tatanggalin mas lalong akong mangungulila sa pagkawala mo. Alam kong tama ang desisyon kong ito. Ayaw kong  magiwan ka ng bakas na alam kong hahanap hanapin ko sa tuwing naaalala kita. Ayaw kong masanay ang sarili ko na ganito, gusto kong maka-move on sa lahat. Hindi ko sinasabi na gusto kitang kalimutan kundi gusto ko lang masanay at tanggapin na wala ka na.

Habang inaayos ko ang iyong mga damit ay may nahulog na papel mula sa pulang jacket mo. Pinulot ko ito at agad kong binasa ito.

August 8, 2017

Seokmin,

Kantahan mo naman ako.

Sabi mo kakantahan mo ako tuwing gabi, nag promise ka na kahit pagod ka galing sa trabaho mo sisiguraduhin mo na hindi mo makakalimutan na kantahan ako mapa-umaga man yan o gabi. 

Uy! nakalimutan mo naman na ata. Ano ba yan, nakakatampo ka alam mo ba yun? 

Pero gusto ko talagang kantahan mo ako haha

Natawa naman ako sa sulat mo, buti ka pa hindi mo nakakalimutan yung mga promise ko sayo. Sorry di na kita nakakantahan. Habang patuloy kong binabasa ang sulat mo ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sumunod na nabasa ko.

Ay! Ayaw ko na pala, hindi sa may mood swings ako kasi... basta ayaw ko na, baka maalala ko siya. Baka kapag kinantahan mo ako mapagkamalan kita na siya. Baka kapag kinantahan mo ako maalala ko siya.

I'm sorry.

-Carol-

Siya? Sinong siya?

Hindi ko na naituloy ang paglilinis ko dahil hinalughog ko ang cabinet natin dahil alam kong may ibig kang sabihin sa sulat mo.

I hope mali yung iniisip ko.

《funnySoul》

She Didn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon