Binuksan ko lahat ng cabinet natin para hanapin ang mga ibang sulat. Alam kong hindi lang itong nabasa ko ang meron. Pero wala akong nakita. Binuksan ko ang drawer mo at baka sakaling may itinatago ka dito at doon ko nakita ang isang kahon na punong-puno ng mga sulat mo.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang mga sulat na ito. Ikaw ba nagsulat nito? naitanong ko na lang ito sa sarili ko. Tinignan ko isa-isa ang mga sulat mo, magkakasunod-sunod ang mga ito sa tamang petsa at taon. Ayaw ko sanang buksan at basahin pero sa bawat papel ay may nakasulat na pangalan ko.
Aamin ko Carol, takot akong mabasa ito dahil alam ko na may gusto kang sabihin sa akin na hindi mo masabi nung nandito ka pa. Pero para sa ikakapanatag ko babsahin ko ito.
Sinumulan ko ang unang sulat mo para sa akin.
September 3, 2017
Dear Seokmin,
Happy 1st anniversary!
Unang taon na natin na mag-asawa, Seokmin okay ka lang ba talaga sa akin? tanggap mo ba ako? hindi ka ba nagsasawa sa akin?
Gusto ko lang sabihin sayo na thank you for everything.
Anyway...
Hindi ko alam kung anong ireregalo ko ngayon na anniversary natin kaya ipinagluto na lang kita ng paborito mong ulam na sinigang.
Seokmin...
Alam mo bang sinigang din ang paborito niyang ulam.
Oh shit... I'm really sorry Seokmin.
I'm so sorry.
-Carol-
[ hello everyone! Ilang chapters na lang matatapos na ang "She didn't love me" Can you guess kung sino ang tinutukoy ni Carol sa sulat niya? Hint: syempre seventeen din siya 😂]
《 funnySoul》