c

29 1 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata, hindi ko namalayan na umaga na pala. Tumingin ako sa tabi ko, pero naalala ko nga pala na mag-isa na lamang ako sa kwarto na ito. 

Ilang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ikaw parin ang hinahanap ko. Ilang beses ko nang pinapaalala sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi ka na babalik. Akala ko kasi hanggang ngayon nananaginip parin ako, pero mali ako kasi kahit kailan hindi na kita makikita.

Hinahanap ko ang boses mong napakalambing sa tuwing tatawagin mo ang pangalan ko. Yung ngiti mo na nagbibigay kulay sa akin tuwing umaga bago pumasok sa trabaho at sa pag-uwi ko sa bahay. Yung masarap mong luto ng sinigang tuwing sabado. Na miss kong lahat yun, lalo na kung naaalala ko ang mga pangarap nating dalawa.

(Soonyoung calling...)

"hello.."

"good morning! kanina pa ako tumatawag sayo, bakit ngayon mo lang sinagot?"

"kagigising ko lang bakit?"

"hay...akala ko naman kung ano ng nangyari sayo, anyway kung gusto mo dito ka na sa bahay mag-lunch."

"thanks bro, pero okay lang ako. Alam kong nagaalala ka para sa akin pero okay lang talaga ako, naisip ko na kailangan kong masanay lalo na mag-isa na lang ako dito sa bahay."

"sige bro, pero kapag may kailangan ka tawagan mo ako hah!"

"yes and thanks..."

Kapag hindi ako nasanay na wala ka baka susunod na talaga ako dyan sayo, pagbibiro ko sa sarili ko habang nakatingin sa larawan mo. 

Bumaba na ako sa kwarto para pumunta sa kusina. Naisip ko kasi na magluto ng paborito mong ulam na adobo. Oo pala naalala ko, ni minsan hindi kita naipagluto. Kasi naman ayaw mo akong tumulong sa kusina.

"ako na magluluto" pagpupumilit ko sayo.

"hindi na, ako na baka mamaya yung daliri mo ang mahiwa mo."

"okay lang, di bale meron ka naman na gagamutin ang sugat ko."

"hindi ako doktor Seokmin!"

"hindi nga! pero ikaw naman ang nagpagaling sa puso kong malungkot."

"ang corny mo!"

"aminin kinilig ka naman!"

Napapangiti na lang ako sa tuwing  naaalala kita. Hindi ko pa nasasabi sayo na marunong din ako magluto. Sana naipagluto kita nung nandito ka pa.

Pagkatapos ko magluto naisipan kong maglinis ng bahay. 

Nung naglilinis ka ba ng bahay eh hindi ka nahirapan? Medyo malawak din ang bahay natin. Hindi ka ba nagreklamo? Kasi ako iniisip ko pa lang tinatamad na ako maglinis.

Bigla naman nahulog yung picture frame sa sahig na ikinagulat ko.

"Eto naman si Carol di mabiro! Maglilinis na po! huwag ka namang manakot ng ganyan, alam mo naman na yan ang kahinaan ko." pagkasabi ko kahit wala naman akong kausap.

Siguro sa kwarto na muna ako magsisimula na maglinis.

Kinuha ko ang walis at dustpan bago umakyat, napansin ko ang mga pira-pirasong papel na punit sa dustpan. Dahil sa napaka curious ko, sinubukan kong  buuin ito.

"Mahal kita pero sorry..."

Ito ang una kong nabasa.

《funnySoul》

She Didn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon