Chapter 7

11 0 0
                                    

Johanna's POV

It's been 2 days pero fresh na fresh pa rin ang sugat. Sabado ngayon. Susunduin kami ng mga tita at tito ni Brylle. Napagkasunduan namin na puntahan siya kaya kinontak ko yung auntie niya.

Gustuhin man naming puntahan siya noong nakaraang mga araw, hindi pwede dahil kailangan namin ng parents consent at hindi kami pwedeng umabsent.

Napagkasunduan namin na sa school mag-meet. On the way na ako papuntang school nang magtext ang auntie niya na kukunin muna nila sa MUNISIPYO ang motor ni Brylle.

Pagdating ko sa school, nandoon na ang 3 jeep ma sasakyan namin papunta sa kanila Brylle. Malayo ang pupuntahan namin. Bukid kasi iyon na sakop namg kanilang lungsod. Puno na ang kabilang jeep kaya sumakay ako sa kabila. Hinhintay pa namin ang iba. Umiiyak na naman sila. Hindi ko sila masisisi.

May umurong na tricycle. Nakita ko na bumaba si Mhadel na umiiyak kaya bumaba na muna ako ng jeep at sinalubong siya ng yakap.

" *sob* hindi ako * sob* pinayagan ni * sob* papa. Gusto ko siyang makita pero *sob* hindi ako pinayagan eh *sob* gustong gustong gusto ko siyang makitaaaa huhuhu. Gusto kong makita ang Kuya ko. *sob* Gusto kong makita si Brylle. *sob*" patuloy parin ang pag-iyak niya.

Naiyak narin ako. Nasasaktan siya, alam ko. Sino ba nanang hindi diba ?

"Tahan na. Maiintindihan naman niya yun eh. Just pray for him nalang" nginitian ko siya. Hindi parin siya tumigil sa pagiyak. Batid ko na gustong gusto niyang makita si Brylle. Unang tingin ko pa lang sa mga mata niya, halatang halata na.

" Pero gusto ko talaga siyang makitaaa " sabi niya.

" Tawagan mo ang papa mo, baka sakaling magbago ang isip niya at kung hindi man, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang desisyon niya. " pilit kong pinapagaan ang loob niya. Masakit na nga na namatay siya, lalong lalo na kung ipagkakait sayo ang makita siya.

Agad niya namang tinawagan ang papa niya. Sana nga ay payagan na siya. Masakit din para sa akin ito, ang makitang nahihirapan ang mga mahal ko.

" Hello , pa ? " Bati ni Mhadel sa kanyang ama sa telepono.

" Paaaa, *sob* payagan nyo na po ako please *sob*... Sige na po paaa... Gustong gusto ko lang talaga siyang makita *sob* ... Paaa , parang awa nyo na po... Paa ... " Naputol ang tawag at mas lalong umiyak si Mhadel.

Tiningnan niya ako at umiiling iling sabay yakap sa akin.

" shhhh, tahan na. Intindihin mo nalang siya." sabi ko habang hinihimashimas ang likod niya. Mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman niya.

" Masama talaga ang loob ko kay papa. *sob* Nangako siya. Pumayag siya kagabi.*sob* Sabi niya ihahatid niya ako. Sabi niya ... *sob* bibili kami ng bulaklak para sa kanya. Sinabi niya lahat yun. *sob* " at muli siyang humagulgol.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Mhadel dahil sabi ng kaklase ko na kompleto na at ako nalang ang hinihintay kaya nagpaalam kami kay Mhadz.

Nagdadasal kami habang nasa byahe. We're praying the Holy Rosary at ipinagdadasal din namin ang kaluluwa niya.

After 30 minutes na byahe ay huminto na ang jeep sa tapat ng tent.

Tinitignan ko ng mabuti ang bahay. May ilaw. Maraming ilaw. Hindi rin karamihan ang tao dahil maaga pa naman.

" Hindi ko yata kayang bumaba. " Tanong ko.

Teary eyed na kaming lahat. Parang , in no time tutulo na ang luha namin.

" Ayaw niyong bumaba ? Edi ako nalang ang bababa! " Sabi ni Raffy sabay tayo. " Aray " nauntog ang ulo niya.

" Ano ba yan, iiyak na sana eh. " -ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon