Donita's POV
Ngayong araw na ito, June 20, 2014 nawala si Brylle Go. Ang sakit pala mawalan. Mas masakit pa sa hiwalayan ng mag-kasintahan. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang makulit, masayahin, mabait, bibo, talented, mapang-asar, mahilig mang-trip at gwapong Brylle Go ang mawawala ng panghabang buhay? Sino ba ang mag-aakala na sa isang lintek na aksidente ay mawawala na pala siya samin? Sino ba ang mag-aakala na sa isang iglap magbago ang lahat?
Sa dinami-dami ng mga masasamang tao sa mundo, bakit siya pa ang kinuha mo ? Sa dinami-dami ng tao bakit siya pa na mahal na mahal ko ? Mahal ko siya bilang kaibigan, kaklase at kapatid. Ang dami pa niyang gustong gawin, gustong puntahan ,gustong marating at gustong maranasan.
Ang bata-bata niya pa. Hindi man lang niya naranasan ang mga gusto niyang maranasan. Hindi man lang niya nagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Hindi man lang niya napuntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan.
Ang dami niyang na-miss.Ang dami niyang iniwan. Naiwan kaming wasak. Naiwan kaming basag. Naiwan kaming umiiyak.
Pero ayaw naman kitang sisihin kasi nga baka may better plans ka para sa kanya gaya ng sabi samin ni Ma'am. Ikaw na sana ang bahala sa kanya, Lord.
Naisipan kong i-text ang boyfriend ko. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari kay Brylle kahapon. Baka mabawasan niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
To: boypren <3
5:03
Patay na si Brylle ;(
From: boypren<3
5:04
Ah. Condolence.
Wow naman. I was expecting a long and a touching message. Alam niya namang umiiyak ako pero hindi man lang niya ako kino-comfort. Anong klaseng boyfriend ba meron ako ? Tsk.
To: boypren <3
5:04
K!
Nakainis. Ang sakit sakit na nga eh. Dadagdagan pa niya. Lalo niya akong sinasaktan lalo na kapag sooobrang obvious na wala siyang pakialam.
From: boypren <3
5:05
WYD ?
At nag-tanong pa talaga. Duh ! Do I have to state the obvious ?
To : boypren <3
5:06
Umiiyak ? Duhh!
From: boypren <3
5:07
Bakit ?
Pakensheyttte. You loook sooo worried. Tinanong pa talaga. How can he be soo...
From: boypren <3
5:08
Seriously ?!
Dapak yoooww ! Tinanong pa ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko na nga sayo diba na namatay si Brylle. What do you expect me to do kung namatay ang classmate slash close friend slash dating manliligaw ko ? Magpapaparty ? maghahappy happy ? matutuwa ? I'll act as if it was the happiest day of my life. Pakinsheette lang.
From: boypren <3
5:09
Huh ?!
BINABASA MO ANG
Together Forever
Novela JuvenilThis story is about the solidity of friendship and is based on my experiences.