Chapter Two

39 2 0
                                    

" Johannaaaaa , bangooon naaa. Tanghali naaa. Papasok ka ba o hindi?! Anong oras na ohh. "

Haaayyy, ang aga-aga sermon na agad. Inaantok pa ako.

"Haaay, babangon na po."

Bumangon ako at naligo at

nagbihis at nag-breakfast at umalis. Nag-abang ng bus. Sumakay. At chanannnn. Nasa school na ako.

Pumunta ako sa classroom at pumasok. Kaunti pa lang ang nandito.

" Wow, bago yan ahh. Hindi ka yata maingay ngayon. Haha" pang-aasar ni Kendrick.

" Walang good morning ?" tanong naman ni Mary Rose. Dalawa yung Mary Rose dito. Yung isa Merry Rose ang isa naman Mary Rose.

Hindi ko sila pinansin. Antok na antok na antok ako. Wala ako sa mood makipaglokohan.

Umupo ako sa upuan ko at natulog gigisingin naman ako ni Elloisa pag may teacher na ehh.

***

" Ouyy, halfday daw" sabi ni Marwin. Ang baklang mukhang ewan na member ng SSG ( Supreme Student Government ).

" Bakit ? " Tanong ni Mark Ian. Ang dakilang nerd.

Nagkibit-balikat lang si Marwin. Langya. Mag-babalita hindi naman completo yung details kung bakit half day lang.

" So ibig sabihin... " Mark. Ang palangiti at parating nakatambay sa corridor dahil parating tinitingnan ang girlfriend sa kabilang room.

" Galaaaaa" sabay na sabi ni Ryan Sheen, Marwin at Raffy.

" So, saan tayo. My place or your place ?" nakataas baba ang kilay ni John Christian.

Nagkatinginan kaming lahat.

" Eeeeeeew" sabay sabi ng lahat.

" Kadiri ka tol." sabi ni Christian Earl.

" Yuccckk" sabi ni Mhadz.

" Ayoko pumunta sa inyo, baka halayin mo pa ako" sabi ni Niño.

" Oyyy. Bahala kayo. Libre pa sana snac-".

" Snacks? Libre. Tara, your place. " tuwang- tuwa na sabi ni Niño.

"Iba ka talaga kapag pagkain na libre ang pinag-uusapan. Wala , wag na nagbago na isip ko." sabi ni John Christian.

" Ge na tol. Joke lang naman yon ni Niño ehh. " Sabi ni Adrian at binatukan si Niño.

" Ikaw kasi eh. Dapat ikaw ang manlibre ngayon. Pati girls ha." Sabi ni Brylle. " Girls manlilibre si Niño , sama kayo ahh." at tinawanan namin sha.

Kapag si Brylle nagsalita, wala siyang magagawa. Hahaha. Walang hiya talaga tong mga to. Kanya-kanyang trip.

" Walang ganyanan. Wala akong pera ehh." pag-rarason ni Niño at napakamot sa ulo.

" Hindi ko alam na may kuto ka pala. Hahaha." sabi ni Karl.

" Oyyyy, anong walang pera. Nanalo ka sa pustahan kahapon ng match natin" sabi ni Alfredd. Badminton player din siya at magaling yan sumayaw.

" Anong match. Ibig sabihin nata-"

" Hindi no. Naisahan niya lang ako kasi bastaaa"

Inasar lang ng boys si Alfredd.

" Guy's , sa park tayo. Sino sasama ? " Tanong ni Brylle habang hawak ang gitara.

Sa aming lahat si Brylle at Karl ang mahilig sa gitara. Pero nang nag'laon ay lahat ng boys namin ay marunong ng mag'gitara. Humihiram sila sa gitara ni Karl. Mag-aagawan pa sila kung sino ang mag-uuwi ng gitara kaya pinabayaan lang sila ni Karl.

Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon