Episode 1

984 8 0
                                    

Episode 1-

Isang araw habang naglalakad si Celestina sa daan upang pumasok sa school ay may nakabunggoan siyang isang lalaki.

Celestina -  Aray!

Edward- Ay  sorry Miss. Pasensya ka na, nagmamadali kasi ako. Baka ako ma late sa examinations ko. Sige ha1 Teka, eto pala ang calling card ko. Tawagan mo ako kung sakaling nabali ang buto mo.

(Hindi na nakapagsalita si Celestina. At naglakad na siya ulit papuntang skwelahan.)

(Isang araw ang nakalipas…)

Celestina- Tatawagan ko ba siya o hindi? Ay hindi, wala naman akong bali eh. Pero gusto ko siyang kilalanin! Ay!! Ano bang dapat kong gawin. Sige tatawagan ko na siya.

(Nag ring ang cellphone ni Edward)

Edward-  Hello. Sino to?

Celestina- Hi. Ako pala yung nakabanggaan mo kanina.

Edward- Ikaw yun. May bali ka ba? O nafracture ka ba? Ano?

Celestina- Wala, gusto lang kitang makilala. Ano nga palang pangalan mo?

Edward- Edward ang pangalan ko. Ikaw?

Celestina- Celestina. Tina for short.

(Nagtuloy tuloy ang pag-uusap ni Celestina at ni Edward sa cellphone. Isang araw may inialok si Edward kay Celestina na siyang ikinagulat ng dalaga.)

Edward- Tina. May gusto sana akong ialok sayo.

Celestina- Ano yun?

Edward- Puwede ba tayong lumabas at mag date bukas. Sa restaurant malapit sa SM?

(Nag-isip ng malalim si Celestina) 

Celestina- Sige!  Ano bang oras. (Kinikilig si Celestina)

Edward- Mga ala-una.

( Sa araw ng kanilang date)

Celestina- Puwede bang malaman kung ano ang apilyido mo?

Edward- Alcantara. Ikaw?

Celestina- Alcantara? Apilyidong pangmayaman. Ako Martinez. Saang school ka nag-aaral.

Edward- Sa U.P. Ikaw?

Celestina- Sa U.P.? Grabe. Diba mahal dun. Ako sa F.E.U, pero bilang scholar.

(Dumating ang waiter)

Waiter- Maam, Sir, ano pong order niyo?

Edward: Umm. Oo mahal dun. Yung akin, spaghetti. Sa’yo Tina?

Celestina- Akin. Ano bang meron ditto na hindi mahal? Tubig na lang yung sa akin.

Edward- Tina. Ano ka ba. Hindi ka mabubusog sa tubig. Huwag kang mag-alala, ako naman ang may ari nitong restaurant.

Celestina- Ano? Ikaw?

Edward- Oo nga. Sa pamilya namin to.

Celestina- Nakakahiya naman. Sige na nga. Spaghetti nalang din ang akin. Salamat ha! Nag-alala talaga ako. Akala ko hindi ako makakakain ngayong tanghali. Wala kasi akong pera eh.

(Isang lingo ang nakalipas. May ipinag-tapat si Edward na ikinagulat ni Celestina)

      Abangan sa Episode 2- Ano kaya ang ipagtatapat ni Edward kay Celestina?  Ano kaya ang magiging reaction ng dalaga? At ano ang magiging bunga nito?

Turn to page 2 for the Episode 2….

Romantic Princess Hours (By Episode)Where stories live. Discover now