Episode 2-
Edward- Celestina,
Celestina- Bakit Edward?
Edward- Celestina, may ipagtatapat ako sa’yo.
Celestina- Ano yun?
Edward- Alam mo kasi… Mahal na kita. Pwede ba kitang maging girlfriend?
Celestina- (kinilig si Celestina). Umm, Ed-wa-rd, oo.. (ngumiti si Celestina)
Edward- Talaga, pumapayag ka! Yes, boyfriend na ako ni Celestina Martinez!!! Yes, yes.. !!!! (sumigaw si Edward)
Celestina- Edward1 ano ka ba, nakakahiya. (pakilig na sinabi ni Celstina)
(Pumunta si Edward at si Celestina sa Resort na pagma-may ari ng mga Alcantara upang magbakasyon. April 25 noon, at gabing gabi na talaga. Pumunta sila sa may batis. Uuwi na sana sila sa resort ng biglang umulan at nag brown out, kaya hindi na sila nakauwi sa resort. Sumilong sila sa may puno. Maya maya pa’t gininaw si Celestina.)
Celestina- E-d-w-a-r-d, giniginaw na ako…..
Edward- Giniginaw ka, sige yayakapin na lang kita.
Celestina- Sige.
(Nakalimutan ng dalawa ang ulan, nakalimutan din nila ang ginaw. Kaya may nagawa silang hindi tama. Kaumagahan at nagising na sila.)
Celestina- Edward. Anong nangyari?
Edward- umm, Tina, gising ka nap ala. Nakalimutan mo na ba?
Celestina- Ha! Oo nga. Panu na. Mali ang ginawa natin. Ano ng gagawin natin.
Edward- Huwag kang mag-alala, pananagutan ko kung mabubuntis ka man.
(Isang lingo ang nakalipas ng mapansin ni Celestina na nagdadalang tao siya.)
Celestina- Ohgg (sumuka si Celestina).
Maria Josefa- Anak bakit ka nagsusuka?
Celestina- Nay, buntis po ako (umiyak si Celestina)
Maria Josefa- Ano? Sino ang ama niyan?
Celestina- Si Edward po nay.
Maria Josefa- Sinong Edward?
Celestina- Boyfriend kop o siya nay.
Maria Josefa- Walang hiya ka! Walang hiya ka (pinagsasampal sa katawan si Celstina). Hindi ka na naawa sa akin, pinalaki kita ng dalawampung taon. Ako lang mag-isa. Tapos ito lang ang igaganti mo sa akin.
Celestina- Nay. Sorry po. Hindi po naming sinasadya.
Maria Josefa- Sige, pupuntahan natin ngayon ang boyfriend mo!
Celestina- Ayoko po. Nakakahiya.
Maria Josefa- Nakakahiya. Bakit? Ikaw hindi ka na hihiya sa sarili mong magulang. Hala sige, magpalit ka na ng damit at pupunta tayo ngayon.
ABANGAN:
Pupuntahan ni Maria Josefa at ni Celestina si Edward. Ano kaya ang mangyayari sa pagpunta nila? Ano kaya ang magiging bunga nito? Maganda ba o pangit?