Episode 3-
Sumakay ng tricycle papunta sa mga mansion ng mga Alcantara ang mag-ina at magkakaroon doon ng eksena. Ano kaya iyon?
Maria Josefa- Hoy Don Mariano, lumabas ka diyan, harapin mo kami kasama ang anak mo!
Maid- Sino po kayo?
Maria Josefa- Ako si Maria Josefa. Kasama ko ang anak ko. Girlfriend siya ni Edward. Kailangan mo akong paopasukin dahil may gusto akong sabihin sa kanila.
Maid- Teka lang po. Tatawagin kop o muna sa Don Mariano.
(Dumating na si Don Mariano)
Don Mariano- Ano pong kailangan nila?
Maria Josefa- Nasaan ang anak mo? Gusto ko siyang makausap?
Don Mariano- Wala siya rito. At bakit kailangan niyo siyang makausap?
Maria Josefa- Nabuntis niya ang anak ko!
Don Mariano- Ano? Napaka-Imposible naman yata ng sinasabi mo. Paano naman nabuntis ng anak ko ang anak mo?
Maria Josefa- Girlfriend ng Anak mo ang anak ko.
Don Mariano- Kung buntis man ang anak mo. Sa tingin ko hindi rin yan pananagutan ng anak ko, kilala ko ang anak ko, mahilig yung maglaro. Umalis na kayo dito. Ayoko na kayong Makita pa. At kapag bumalik pa kayo rito tiyakin niyong nakahanda kayo dahil tatawag ako ng mga guardia.
Celestina- Nay halika na (umiiyak si Celestina)..
(Hindi na kailanman bumalik si Celestina sa bahay ng mga Alcantara. Lumipat sila ng bahay sa isang malayong lugar. Si Edward naman ay naniwala sa mga sinasabi ng kanyang ama na iniwan na siya ni Celestina. Kaya hindi na niya hinanap si Celestina.)
(17 years na ang nakalipas. Lumaki na ang anak ni Celestina. Pinangalanan niya itong Denise. Habang si Don Mariano naman ay namatay dahil sa stroke. Isang araw may ipinag-tapat kay Edward ang kanilang maid.)
Maid- Sir. (Takot)
Edward- Bakit manang?
Maid- May gusto po sana akong ipagtapat sa inyo.
Edward- Ano yun manang?
Maid- Sir. Matagal ko nap o itong itinatago. At ngayon na wala na si Don Mariano, masasabi ko na ito sa inyo. Hindi po totoong iniwan kayo ng girlfriend niyo. Pumunta po sila dito 17 taon na ang nakakaraan. Umalis po kayo noong araw na yun. Kinausap po nila ang ama niyo at sinabing nagdadalang tao ang girlfriend niyo.
Edward- Ano? Ibig sabihin nagsinungaling lang pala si Papa. Kailangan kong hanapin ang anak ko. Aray!!
Maid- Sir ano pong nangyayari sa inyo. Ano pong masakit sa katawan niyo?
Madam Athena- Edward! Manang anong nangyari kay Edward? Buttler Dino hali ka, tulungan mo kami dalhin natin si Edward sa Hospital.
ABANGAN:
Ano kayang sakit ni Edward? At mahahanap pa kaya ni Edward ang kanyang Anak at si Celestina?
Tumutok palagi sa Romantic Princess Hours.
Written by: JessChoiTheWriter If you want to visit my FB Account, just research on the search tab: Jess Choi. My profile pic is Kim Hyun Joong.
All Rights Reserved 2012.