Episode 6-
(Binuksan ni Denise ang pintuan)
Denise: Ano pong kailangan niyo?
Investigator Jovan: Dito ba nakatira si Celestina Martinez.
Denise: Oo, Nanay ko siya! Nay!!! Hali ka, may naghahanap say o.
Celestina: Sino ka? Anong kailangan niyo?
Investigator Jovan: Ikaw si Celestina?
Celestina: Oo. Bakit?
(Tumakbo ng matulin si Investigator Jovan)
Celestina: Teka Mr. Huwag ka munang umalis.
Denise: Nay ang weird naman ng taong yun.
Celestina; Oo nga eh.
(Tinawagan ni Jovan si Madam Athena)
Investigator Jovan: Hello Madam!
Madam Athena: O Jovan, anong kailangan mo?
Investigator Jovan: Madam! Nahanap ko na po si Celestina.
Madam Athena: Talaga? Hay salamat sa diyos. Hala sige, papupuntahin ko na jan si Buttler.
Investigator Jovan: Sige Madam, ibababa ko na.
Madam Athena: Buttler!!
Buttler Dino: Yes Madam?
Madam Athena: Puntahan mo na si Celestina pati ang anak niya.
Buttler Dino: Saan po Madam?
Madam Athena: Sandali, nakalimutan kong itanong kay Jovan:
(Tinawagan ni Athena si Jovan)
Madam Athena: Jovan, ano bang address ni Celestina?
Investigator Jovan: Barangay Balonan. CrossFire street. Ang bahay na may tindahan na ang pangalan ay Aling Josefa’s Store.
Madam Athena: Salamat Jovan. Buttler!
Buttler Dino: Yes Madam.
Madam: Puntahan mo sila sa Makati sa may Barangay Balonan. Crossfire Street. Bahay na may tindahang may pangalan na Aling Josefa’s Store.
Buttler: Masusunod Madam.
(Pumunta na si Buttler sa bahay nila Celestina)
Maria Josefa: Denise!
Denise: Ano yun Lola?
Maria Josefa: Kunin mo nga yung listahan ko.
Denise: Opo.
(May kumatok sa pintuan)
Denise: O Janine. Ikaw pala. Akala ko yung lalaki kanina ang kumatok.
Janine: Teka Bes. Naiihi na ako eh.
Denise: O sige umihi ka na ron. Kaya pala hindi na tumawag kasi puputok na ang pantog. Hay naku.
(May kumatok na naman.)
Denise: Hay, sino na naman kaya to’.
Buttler Dino: Mgandang umaga. Kayo po ba si Celestina Martinez?
Denise: Kayo naman.. Hindi naman ako matanda. 17 pa kaya ako.
Buttler Dino: Hindi po edad ang tinatanong ko.
Denise: Ay oo nga sorry.
Celestina: Denise Anak, sino ba yang kausap mo?
Buttler Dino: Mrs. Kayo po ba si Celestina Martinez?
Celestina: Oo, Bakit?
Buttler: Pinadala po ako rito ni Madam Athena Alcantara. Gusto niya raw kayong makausap.
Celestina: Sinong Madam Athena?
Buttler Dino: Sumama na lang po kayo.
Celestina: Teka lang. Hindi ko siya kilala. Bakit ako sasama sa’yo?
Buttler Dino: Meron daw kayong pag-uusapang importante.
Celestina; Sige. Sasama ako. Hintayin mo lang ako at magpapalit ako ng damit.
Maria Josefa: Teka Tina. Bakit ka naman sasama sa kanya eh hindi mo naman siya kilala.
Celestina: Kailangan daw kasi akong makausap ni Madam Athena. Hindi ko siya kilala pero parang pamilyar ang apilyido niya sa akin.
Maria Josefa: O sige. Sumama ka. Pero sasama rin kami ng apo ko. Kailangan naming masiguro ang kaligtasan mo.
(Pumunta na sila sa mga bahay ng Alcantara)
Bonita: Madam!
Madam Athena: Bakit Bonita?
Bonita: Madam nasa baba na po si Buttler Dino. Hinihintay kayo.
Madam Athena: O sige abihan mo siyang bababa na ako.
(Bumaba na si Bonita)
Bonita: Buttler!
Buttler Dino: Ano na? Asan na si Madam?
Bonita: Bababa na raw siya maya-maya.
Madam Athena: Buttler!
Buttler Dino: Yes Madam.
Madam Athena: Kasama mo nab a si Celestina?
Buttler Dino: Opo Madam. Nasa labas nap o sila. Hinihintay kayo.
Madam Athena: Sige. Puntahan na natin sila.
Maria Josefa; Sino kaya yung Madam Athena? Siguro napakayaman niya. Ang laki kasi ng bahay niya eh. Celestina! May ginawa ka bang hindi maganda?
Celestina: Nay naman. Ano ba kayo. Eh palagi na nga akong nakaupo sa bahay. Hindi na nga ako halos umaalis tapos sasabihin niyong may ginawa ako.
Madam Athena: Celestina!
Celestina: Sino po kayo?
Madam: Oh im sorry. Pasensya ka na at pinakuha agad kita kay buttler kahit alam kong hindi mo ako kilala. Ako nga pala ang Mama ni Edward. Teka siya nab a ang apo ko?
Denise: Nay, sino po si Edward?
Maria Josefa: Oo nga sino ba si Edward?
Celestina: Denise, siya ang Tatay mo. Madam nasan nap o si Edward? Sabi pos a akin ng asawa niyo noon niloko lang daw niya ako.
Madam Athena: Hindi yun totoo. Sinabi lang yun ng papa niya para hindi kayo makasal. Pero ngayong may sakit ang anak ko, gusto ka niayng Makita kasama ang anak mo.
Denise: Ano? May sakit ang tatay ko?
Madam Athena: Oo apo. Pero hindi naman malala.
Denise: Gusto kop o siyang Makita.
Madam: Sige pupuntahin natin siya ngayon.
ABANGAN:
Pupuntahan na nila si Edward. Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila? Tatanggapin pa kaya ni Celestina si Edward? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Denise sa pagkikita nila ng ama niya?
All Rights Reserved 2012.