Episode 5

348 7 0
                                    

(Nag ring ang cellphone ni Madam Athena)

Madam Athena: Hello sino to?

Chef O’dessa: Madam Ako poi to. Si O’dessa.

Madam Athena: Ano ka ba naman O’dessa. Pinakaba mo ako. Akala ko si Jovan na ang tumawag. Bakit anong kailangan mo?

Chef O’dessa: Madam, gusto kop o sanang manghingi ng budget para sa bibilhin ko sa grocery.

Madam Athena: Yun lang ba. O sige, puntahan mo si Buttler Dino at manghingi ka sa kanya ng pera na kinakailangan mo.

Chef O’dessa: Salamat Madam.

Madam Athena: O sige na. Kakausapin ko pa si Jovan.

(Tinawagan ni Madam Athena si Investigator Jovan)

Investigator Jovan: Hello Madam.

Madam Athena: Nahanap mo naba ang pinahahanap ko?

Investigator Jovan: Hindi ko pa po siya nahahanap Madam. Pero merong nakapagsabi sa akin na lumipat na raw sila sa Makati.

Madam Athena: Ganun ba. Sige, hanapin mo na siya. At kapag nahanap mo na siya tawagan mo kaagad ako.

Investigator Jovan: Opo Madam.

(Umupo sa may bench si Denise)

Denise; Hay naku. Nakakapagod talagang mag tinda. Janine may tubig ka ba jan?

Janine: Wala eh.

Denise; Hali ka, samahan mo ako.

Janine: San naman tayo pupunta?

Denise; Bumili tayo ng icewater uhaw na uhaw na kasi ako eh.

Janine: Denise! Nakikita mo ba kung sinong nakikita ko?

Denise: Sino?

Janine: Si boss.

Denise: Hay naku huwag mo nga akong.. Ha!!!! Si boss nga. Halika na tumayo na tayo at magbinta..

(Pagkatapos magbinta ni Denise at ni Janine)

Boss: O. Ito na ang bayad niyo.

Denise; Salamat po Maam.

Boss: O siya umuwi na kayo. Gabing gabi na.

Janine: Sige po Maam.

(Naglalakad sa daan si Janine at si Denise)

Denise: Hay buhay. Nakakapagod talagang magbinta.

Janine: Tama ka jan. Sana mayaman na lang tayo.

Denise: Sana nga. Sana isang araw gumising na lang ako at biglang may nagsabi sa akin na mayaman ako.

Janine: Ay! May ganun. Pero bes kapag yumaman ka huwag mo akong kakalimutan ha.

Denise: Naku bes. Ikaw pa. Eh life saver kaya kita.

(Pagdating sa kanilang bahay)

Celestina; O anak, bat ang tagal niyong umuwi?

Denise: Kasi nay marami pong pinabinta si Boss eh.

Janine: Tama po yun Tita. Nakakapagod nga po eh.

Celestina. O siya siya, magbihis na kayo ng maka kain tayo.

Denise; Sige po nay.

(Isang araw ang nakalipas. Naghahanap na si Investigator Jovan sa lugar nila Celestina. Mayoon siyang nakitang babae at tinananong niya ito)

Investigator Jovan; Miss.

Babae: Bakit?

Investigator Jovan: May kilala po ba kayong nakatira ditong Celestina Martinez?

Babae: Celestina po ba? Ah.. Si Aling Tina. Oo.  Kilala ko siya bakit?

Investigator Jovan: Alam niyo po ba kung saan siya nakatira?

Babae: Oo. Lumiko ka lang diyan. Tapos kaumanan ka. Tapos kapag may nakati kang simbahan, lumiko ka sa eskinita, kapag may nakita kang Aling Josefa’s Store yun na yun.

Investigator Jovan. Sige Miss. Salamat.

Babae: Walang anuman.

(Pinuntahan ni Jovan ang bahay na sinasabi ng Babae)

Denise: Nay.

Celestina; Bakit anak?

Denise: Sa tingin niyo po ba makakapag-aral po ako ng college?

Celestaina: Anak. Matagal pa naman bago yun eh. Pagipunan mo muna. Tapos ako naman mag-iipon din.

Denise. Sige nay. Pag-iipunan kop o muna. Tutal siyam na buwan pa naman bago ako mag college.

(May kumatok sa pintuan)

ABANGAN:

   May kumatok sa pintuan nila Denise, sino kaya yun? Si Investigator Jovan na kaya iyon?

Writer’s FB Account:                                                                                       http://www.facebook.com/jess.choi.775                                                                

Writer’s Wattpad account:

http://www.wattpad.com/user/JessChoiTheWriter

All Rights Reserved 2012.

Romantic Princess Hours (By Episode)Where stories live. Discover now