2.1

1.3K 54 35
                                    

CANDY

NAPABALIKWAS ako ng bangon. No, wait. Nagising nga ako mula sa mahimbing na pagtulog pero hindi ako napabangon. That's because I'm already sitting. Nanunuot sa balat ko ang lamig na nagmumula sa bakal na kinauupuan ko. Ang mga kamay ko ay nakapatong sa mesa kung saan ako nakayuko kanina. Napasinghap ako nang biglang tumutok sa mukha ko ang maliwanag na ilaw.

"Candelaria Soriano?" tanong ng isang boses lalaki. Mahina lang iyon. Halos pabulong lang pero narinig ko pa rin. "Ikaw ba si Candelaria Soriano?"

Gustong kong magsalita. Gusto ko ding gumalaw. Pero parang naestatwa na ako habang tinatakpan ng isang kamay ang liwanag. Pilit kong pinapakiramdamanan kung totoo ba talaga ang nangyayaring ito o isang panaginip lang.

"Candy," muling tawag ng lalaki. Kasunod niyon ay nabawasan ang liwanag ng ilaw. Nasa loob pala ako ng isang maliit na kuwarto.

"Is it okay if I call you Candy?"

Wala sa sariling tumango ako.

"Candy, look at me." Then a tall man stepped out of the shadow.

"S-sino ka?"

"Natatandaan mo ba ako?" Yumuko ang lalaki at inilapit sa akin ang mukha. His face was expressionless. But there was something familiar about him. "Candy." Pati ang boses niya ay medyo pamilyar.

Napatayo ako para umatras nang lalo pang lumapit ang lalaki. Lumikha ng malakas na tunog ang pagkatumba ng upuang bakal.

"Candy, relax."

Pero hindi ko magawang magrelax. I suddenly felt scared. Siguro dahil tumatak na sa kamalayan kong hindi ito isang panaginip. I am really in a small, cold room with a strange man. But he wasn't really a strange man. Kilala ko siya.

"'Wag kang matakot."

Iniiwas ko ang kamay nang tangkang hawakan ako ng lalaki. "'Wag mo akong hawakan." Umaatras ako. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay bumunggo na agad ang likod ko sa malamig na pader.

"Alright," wika ng lalaki na itinaas pa ang dalawang kamay.

"'Wag ka ring lalapit."

Tumigil sa paghakbang ang lalaki.

"S-Sino ka?"

"You already know me, Candy." At sa isang iglap ay nasa mismong tapat ko nang muli ang lalaki. Hindi naman talaga siya ganoon kalapit. Pero napadin pa rin ako sa pader bago pumikit.

"Candy, look at me."

Bulong lang iyon. But it was full of force. Dahan-dahan akong nagmulat. Nagulat pa ako nang unti-unting mabawasan ang kaba ko. Siguro dahil napalitan na iyon ng pagkainis. "Ikaw 'yung lalaki kanina sa tapat ng simbahan."

"It's nice to see you again, Candy," pagkasabi niyon ay ngumiti pa ang lalaki.

"You!" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itaas ang kamay at duruhin siya.

"Ang pangalan ko ay Rum."

"I don't care what your name is. Ang gusto ko ay umalis ka sa harap ko para makalabas na ako."

"Hindi ka pa pwedeng umalis."

Umiling-iling ako. Pagkatapos ay tinangka kong lagpasan ang lalaking nagpakilalang Rum. Pero mabilis na humarang siya sa dadaanan ko.

"Hindi kita sasaktan."

Ewan ko ba kung bakit bigla akong natawa. "Says all the men who ever came into my life. Sorry to disappoint you, pero hindi na ako naniniwala sa linyang 'yan." Muli ay sinubukan ko siyang lagpasan. Pero walang kahirap-hirap na isinandal lang uli niya ako sa pader.

Agents of STAID Book 1: Liars and Lovers (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon