2.2

141 4 4
                                    

"DEVYN, nakita mo na ba?"

Hindi sumagot si Devyn. Tutok na tutok ang atensiyon niya sa monitor ng computer.

"Devyn—"

"I'm looking, Rum. Pero wala talaga sa listahan ng mga standard contact procedure ang tanong ni Candy."

"Kahit doon sa bagong update na server?"

Tumango si Devyn. "Nagsearch na din ako sa bagong secure files na ipinadala ni Robbie. Wala talaga. Whatever her contact procedure is, it's not in our system. Hell, maybe it doesn't exist."

Mariing napapikit ako. Pumasok na din sa isip ko ang sinabi ni Devyn. Pero imposible iyon. I heard the words loud and clear. That particular style of questioning has STAID written all over it. I can't be wrong.

"Fine. We'll deal with that later. In the meantime, kakausapin ko muna uli si Candy."

"Paanong kakausapin? We can't—Rum!"

Hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa interrogation room kung saan binabantayan nina Shadow at Hawk si Candy. Not that I'm worried that she will escape. Nandoon lang naman ang dalawang 'yan para kumuha ng impormasyon. Hindi nila kailangan mag-usap. Minsan mas madami kang malalaman tungkol sa isang tao sa pamamagitan lang ng pag-o-obserba.

Tumango ako nang magtama ang mga mata namin ni Hawk. I had to strain my eyes to get a good look at Shadow's face. Tinanguan ko din siya. Alam na nila ang ibig kong sabihin. They immediately moved to the side of the door. As for Candy, I deliberately turned to her and gave her a slow, lazy look.

"Candy—"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Is it because you don't know the answer?" she asked in a mocking voice.

Nagkibit ako ng balikat. "Maybe I don't need to answer it."

"Then we don't need to talk."

"Alright. Sabihin na lang natin na kailangan muna namin ng pruweba."

Ngumiti si Candy. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kayo ang nagdala sa akin dito. Therefore, kayo ang may kailangan sa akin. I don't need to prove myself and I don't need to talk to you."

She got me there.  "But you'll never know why you're here."

"So, why am I here, Rum?"

My name sounds like a rumble against her lips. Napunta tuloy sa mga labi niya ang tingin ko.

"Hmm?"

I forced myself to look back at her eyes. "Tell me about microexpressions."

"Bakit ko naman gagawin 'yan?"

"Dahil natatanong ako sa'yo ng maayos."

"Alright, well, microexpressions are actually very easy to understand. Microexpressions ang tawag sa mga maliliit at involuntary movements ng mukha at ng katawan."

"Gaano kaliit?" tanong ko.

"That depends. It can be just a small twitch in the lips or a split-second movement of the eyes."

"What makes it special?" tanong ni Devyn na kakapasok lang sa interrogation room.

Tumingin si Candy sa kanya at nagkibit ng balikat. For some reason, I want her to continue looking at me. Pero nakatutok na ang atensiyon niya kay Devyn habang sumasagot. "Actually, wala. Microexpressios are natural human responses. The interesting part is learning how to spot a microexpression."

"Paano naging interesting iyon?" tanong ko. Hinintay kong bumaling sa akin si Candy pero hindi nangyari. Humarap lang siya sa akin pero ang mga mata niya ay nakatutok sa mesang nasa pagitan naming dalawa.

"Candy—"

"Alright," nagpakawala siya ng isang buntong-hininga saka biglang itinaas ang isang kamay.

Agad na hinawakan ko ang kamay niya. That made her look back at me. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi naman sa iniisip kong aatake siya. It's just my automatic body response. Hindi ko iyon kayang pigilan tulad nang hindi ko kayang pigilan ang paggalaw ng isang daliri ko para haplusin ang balat niya.

"What are you trying to do, Candy?" My voice sounded too rough even to my own ears.

"Ipipitik ko lang sana ang kamay ko sa tapat ng mukha mo."

"Bakit?"

"Para bigyan ka ng example." Hinila na niya ang kamay mula sa pagkakahawak ko. But I can still feel the softness of her skin. Na para bang nakatatak na iyon sa kamay ko

"Example?"

"Oo, example ng normal human response. Well, actually, you did give me a response. Pero hindi ganoon ang normal na reaksiyon ng mga ordinaryong tao."

"Really?" Hindi ko itinago ang pagdududa sa boses ko.

"Kapag itinaas ko ang kamay ko sa harap ng ordinaryong tao, most likely ay titignan lang niya ang kamay ko. Pero ikaw ay gumalaw agad para hawakan ako. No, wait. Hindi mo intensiyon na hawakan ako. You were actually blocking my hand. It was reflex, I guess. Pero iba yung sa'yo. Sa bilis ng paggalaw mo, hindi lang 'yon basta reflex. It's like you live and breathe this form of life."

Sa buong pagkakataong nagsasalita si Candy ay tutok na tutok ang mga mata niya sa akin. For some reason, it's as if I'm watching a magician do his trick right in front of me while I'm trying to figure out how he was doing it. Pero ko ma-figure out ang kanyang technique.

Ilang sandaling nangibabaw ang katahimikan. Tinapunan ko ng tingin si Devyn nang tumikhim siya. Napatingin din tuloy sa kanya si Candy.

"Tama ako, hindi ba?" bigla niyang tanong kay Devyn.

But still, no one spoke.

"It's okay, hindi mo kailangan sumagot. I already got it." Nakatingin pa rin si Candy kay Devyn. And again, I watched in fascination while she did her thing. "I think ikaw din ay may training. Nang makipagkamay ka sa akin ay naramdaman kong masyadong malambot ang mga kamay mo. Which makes me want to think that you were a privileged child. Most likely ay hindi mo nasubukang gumawa ng gawaing bahay. Pero may mga kalyo sa kamay mo na specific sa paggamit ng... I'm not really sure what it is. Pero sigurado ako na may ginagamit kang isang bagay na kailangan mong hawakan ng matagal at gamitan ng pwersa."

"Alright, that's enough," pigil ko kay Candy. Hindi dahil ayokong mapanood pa ang ginagawa niyang "panghuhula." It's just getting too personal for my taste. Bilang STAID agents ay kailangan naming protektahan ang aming mga identities. We can't afford to know too much personal information about each other. The less we know, the better it is for all of us.

"You look pissed. Probably because I'm right. At ayaw mong tanggapin na tama ang lahat ng sinasabi ko."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka nag-iwas ng tingin. Sumenyas ako para lumabas sina Shadow, Hawk, at Devyn. Pagkatapos ay tumayo na ako. Pero hindi agad ako dumiretso sa pinto. No, I walked slowly and deliberately towards Candy. At nang mapatapat ako sa kanya ay yumuko ako hanggang sa magkapantay an gaming mga mukha. Her expression didn't falter. Pero napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang mga mata. It must be one of those microexpressions that she was talking about. Napangiti ako.

"Congratulations, Candy. You just passed." Pagkatapos ay lumabas na ako.


_______

Habang nag-aayos ako ng mga files ko, nakita ko ito. It's still a work in progress. And may pagka-cringe na siyang basahin after so many years. hahaha! But I thought I'd share these here before I overhaul the whole thing. Hope you like these updates. :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Agents of STAID Book 1: Liars and Lovers (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon