1.2

774 40 2
                                    

RUM

"KUMUSTA ang lakad mo?" tanong agad ni Hawk pagpasok ko sa main room ng safehouse.

"I already made contact," tipid na sagot ko bago naupo sa sofa. Alam kong naghihintay pa ng dagdag na impormasyon si Hawk pero nanatili akong tahimik. Itinaas ko pa ang mga paa at ipinatong sa mesang katapat ng sofa. Muli kong binalikan sa isip ang engkwentro namin ni Candelaria Soriano aka Madam Candelaria.

"I know you're the boss, but will you stop putting your feet on the table?" iritadong sabi ni Devyn na kapapasok lang sa main room.

Tinignan ko si Devyn bago ko dahan-dahang ibinaba ang mga paa.

"So?" muling tanong ni Hawk.

"Hindi natin basta-basta makukuha ang kanyang kooperasyon." Pagkatapos ay bumaling ako kay Devyn. "Tell me again everything we know about Candelaria Soriano."

Inilabas niya ang tablet at nagsimulang magbasa. "Candelaria Soriano. Age, 24. Height, five-four. Weight—"

"Hindi 'yan. I want to hear all the dirty details."

Nagpipindot muna si Devyn sa tablet bago nagsalita. "Candelaria Soriano is a graduate of psychology. Ang undergraduate thesis niya ay pinamagatang, 'determining and interpreting common body language when subjected to stress.' Nanalo ang thesis niya bilang best thesis sa kanilang college. Dahil doon ay nakakuha siya ng scholarship para mag-aral ng master's degree sa psychology. While she was in graduate school, she submitted three papers to the Journal of Applied Psychology in the United States. Two of those were published."

"What happened to the other one?" Alam ko na ang sagot doon pero tinanong ko pa rin. Minsan kasi ay may naiisip pa akong ibang ideya kapag naririnig kong muli ang mga impormasyon.

"Pinigilan siya ng thesis adviser niya na ipa-publish 'yon."

Tumango muna ako bago nagsalita. "Alam na nating may ulterior motive ang adviser niya doon."

"Yes," sagot ni Devyn. "Candelaria got kicked out and lost her scholarship after she accused her adviser of stealing her thesis."

"Pero tama siya," singit ni Hawk. "Ninakaw nga ng adviser niya ang thesis niya."

Tumango si Devyn. "That thesis was the reason why she got into Gideon's radar. Well, actually, 'yung adviser niya ang nakakuha sa atensiyon ni Gideon. Pero napatunayan naman nating si Candelaria talaga ang tunay na may-ari ng thesis."

"Understanding microexpressions and its association to human emotions," pagrerecite ni Hawk sa titulo ng master's thesis ni Candy.

"Hindi naging successful ang pagkikita namin kanina." I really don't want to say it but I had to. "I'm afraid that we need to use other measures."

"Sigurado ka?" tanong ni Hawk.

Tumango ako. "Wala na tayong oras para pag-aralan at alamin ang contact procedure na dapat gamitin sa kanya. We have been monitoring her for a week now. So far ay wala tayong nakuhang bagong intel. So we will just do it the hard way. Naniniwala akong kaya na ninyong dalawa ni Shadow ito."

"Teka, teka," pigil ni Devyn sa pagtayo ni Hawk. Pero sa akin tumutok ang mga mata niya.

Tinapatan ko ang matamang titig ni Devyn. Hindi ako sanay na kinu-kwestiyon ang mga orders ko. Tulad nga ng sabi ko kay Stone, I really don't play well with others.

"We have protocols to follow. Alam mo 'yan, Rum."

Napabuntong-hininga ako. "At alam ko din na effective lang ang protocol na 'yan kung alam natin ang contact procedure para sa kanya. But Gideon was the only person who ever had contact with her. At kahit pa hindi ako psychologist ay sigurado ako na hindi siya basta-basta sasama at maniniwala sa atin."

"So kikidnapin mo na lang siya, ganoon ba?" umiling-iling si Devyn. "Clearly, you don't understand how a woman's mind works."

"Devyn, time is a luxury that we can't afford. Masyado nang mahabang oras ang nagamit natin sa pagsesetup pa lang ng mga system na gagamitin natin. We need to get her on board as soon as possible."

Hindi na sumagot si Devyn pero kitang-kita naman sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"So, ibig bang sabihin nito ay nabawasan na ang pagdududa mo sa desisyon ni Stone na gamitin natin siya?" tanong ni Hawk.

Dahan-dahang tumingin ako sa kanya. "I think she's good. Tatlo sa limang disguises ko ang nakilala niya."

"That doesn't answer my question."

"Nagdududa pa rin ako. But I'm willing to give her the benefit of the doubt."

Tipid na tumango na si Hawk. "Alright, that's good enough for me. Kami na ni Shadow ang bahala." Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas sa main room.

Alam kong binibigyan ako ng masamang tingin ni Devyn. Napapailing na bumaling ako sa kanya. "What now?"

Nagkibit muna siya ng balikat bago nagsalita. "Rum, I know you're the boss and all, pero 'wag mong sabihing hindi kita winarningan kapag nangyari na ang sinasabi ko." Iyon lang at lumabas na rin si Devyn.

Kunot noong sumandal ako sa sofa kasabay nang muli kong pagpatong ng mga paa sa mesa. Hindi ko alam kung bakit ang mukha ni Candy ang lumitaw sa isip ko nang ipikit ko ang mga mata. Unang kita ko pa lang sa kanya ay sigurado na akong hindi siya mapagkakatiwalaan. Hindi ko kailangan ng master's degree sa psychology para masiguro iyon. Oo nga at binibigyan ko siya ng benefit of the doubt. Pero sigurado akong hindi na magbabago ang personal kong opinyon sa kanya. Candelaria Soriano is a first-class liar. At kung may mga tao akong pinakaayaw sa lahat, iyon ay ang mga sinungaling.

*****

Salamat sa pagbabasa. This is a work in progress. And this is the raw version so it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. Still, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!

 Also, don't forget to follow me!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Agents of STAID Book 1: Liars and Lovers (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon