1.1

995 40 3
                                    

CANDY

KANINA pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Actually, mahigit isang linggo na akong nakakaramdam ng ganoon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Sa tuwing ililibot ko ang paningin ay wala naman akong nakikitang kakaiba. Well, may mga nakikita akong mukhang mandurukot. Pero normal na lang iyon. Hindi na bago sa akin ang makakita ng mga mandurukot sa harap ng Quiapo church. Hindi naman sila threat sa akin. Kahit pa mandurukot sila ay alam nila na hindi nila dapat taluhin ang mga kapwa nila naghahanap-buhay sa harap ng simbahan.

"Madam Candelaria."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang isa sa pinaka-regular kong customer. "Good morning, Mrs. Ancheta," nakangiting ko.

"Good morning din sa'yo, madam."

Tumango ako at pinakatitigan ang matandang babae. "Hindi ka nakatulog kagabi."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga habang inaayos ang pagkakaupo sa monoblock chair na katapat ko. Maya-maya pa ay tumingin na siya sa akin. Nakita ko agad ang lungkot sa mga mata niya.

"Umiyak ka nanaman magdamag."

"Tama ka, Madam Candelaria. May iba na nga siya." Tuluyan nang nalukot ang mukha niya saka nagsimulang umiyak.

Naitaas ko na ang kamay para hawakan siya nang matigilan ako. Kumalansing kasi ang suot kong mga bracelet. Bigla kong naalala na hindi ko nga pala dapat hawakan ang mga customer ko. It was not my job to comfort my clients.

"Mrs. Ancheta, tumahan ka na," sabi ko sa malumanay na tinig.

"I'm sorry," sagot niya na halatang nagpipigil ng emosyon.

"'Wag kang mag-alala, tutulungan kita."

"Alam ko, Madam. Kaya nga nagpunta agad ako dito ngayon. Gusto kong sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin."

"Mrs. Ancheta, hindi ba sinabi ko naman sa'yo na hindi ko pwedeng gawin 'yon? Ang magagawa ko lang ay gabayan ka. I cannot tell you what to do."

Nagpakawala ng malalim na hininga ang ginang. "I know. I just forget myself sometimes. Tamang-tama kasi ang lahat ng sinabi mo nung huli akong nagpunta dito."

Malungkot na napangiti ako. Noong unang pagkakataong masiguro ko na may ibang babae ang asawa ni Mrs. Ancheta ay nahiling ko na sana mali ako. Pero bihira akong magkamali. Actually, I was never wrong about these things.

"Mrs. Ancheta, kalimutan mo muna sandali ang tungkol sa asawa mo. Pagkatapos nating mag-usap ay tumawag ka sa doktor mo at humingi ng appointment."

"Bakit?"

"Basta sabihin mo sa kanya na mabilis kang mahilo. You have irregular heartbeat and yellow patches on your arm." I gave here a serene smile. Pagkatapos ay itinuro ko ang kanyang kamay. "At madalas ding nanginginig ang kamay mo."

"Ano ang ibig sabihin ng mga 'yan?"

Umiling uli ako. "I can't tell you that. Ang alam ko lang ay kailangan mong kausapin ang doktor mo." Ngumiti nanaman ako. Hindi ako doktor para magbigay ng diagnosis. But I have always been fascinated with the human body. Hilig ko ang magbasa ng physiology books. At sigurado ako na hindi maganda ang ibig sabihin ng mga sintomas na nakikita ko kay Mrs. Ancheta. According to the books I've read, those were clear signs of a heart ailment.

"Okay, ano pa, madam?"

"Call a lawyer. Kung wala ka pang abogado ay humanap ka ng magaling na abogado. 'Wag mo na munang itanong kung para saan. Basta malalaman mo na lang kapag nandoon ka na. The spirits will guide you." Then I wiggled my right hand in the air. Pagkatapos ay tumingin ako sa langit. Tulad ng inaasahan ko ay tumingala din si Mrs. Ancheta. Pagkalipas ng ilang segundo ay ipinitik ko ang mga daliri. "Nakuha mo ba 'yon?"

Agents of STAID Book 1: Liars and Lovers (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon