Tapos na ang fourth subject namin at Sabi Ng president namin ay wala na daw last subject dahil may urgent na pupuntahan ang math teacher namin. Tungkol sa nangyari sa pagitan ni Flyre at Sir Alejandrino, napag pasyahan na Hindi tatanggalin ang guro ngunit ibibigay ang nararapat na Marka ni Flyre ayon sa pinasa nitong project na sinang ayunan Naman Ng dalawa Kaya ayos na.
Nag pa iwan ako sa mga kaibigan ko dito sa school dahil mas gusto ko muna tumambay sa paborito ko'ng lugar dito sa school. Etong lugar na to ay parang burol? Ewan, Basta pataas siya at may puno sa tuktok nito. May Ilang studyante ang nandirito, at ang mga studyanteng ito ay Yung masasabing 'nerd', Yung mga ayaw makihalubilo sa ibang tao.
Sumandal ako sa katawan Ng puno at pinagmasdan ang payapang building dahil may klase pa ang ilan. May Ilang studyante ang nag P.E. class sa may quadrangle, at ang ilan ay nasa soccer field nakatambay.
Say hello, to girl you can't let go~
Nilabas ko ang paboritong libro at nag basa basa habang nag papalipas oras.
Does she knows when you're home, it's me you're trying to call on your phone~
Napatigil ako sa pag babasa Ng may dalawang pares Ng sapatos ang tumapat sa akin. Nag angat ako Ng tingin at napangiti sa taong kaharap.
I'm holding back everything I wanna say~
"Hey!" Bati ko tinanggal ang earphones.
"Mind me sitting beside you?" Tanong niya at tinuro ang tabi ko.
"Nah, go ahead." Ngiti ko.
Umupo na siya at tulad ko sumandal din siya sa puno. It's Alister Grey, it's been one week since we became classmates/ seatmates, at masasabi ko na mabait siya at madaling paki samahan. Hindi siya Yung sobrang seryoso na mukang badboy na lalaki, muka siyang seryoso at tahimik pero Hindi, lalo na Kung makaka close mo siya.
"Stop staring." Natatawa nitong suway Kaya Napa iling ako SA hiya.
Tintitigan ko ba siya ng matagal?
"Sorry..." Natatawa ko na paumanhin at na pakamot sa batok.
"I've been seeing you here... Always." Umpisa niya Kaya na patingin ako dito. "Favorite spot?" Dalawang Segundo muna ang binilang bago Niya ako harapin.
Tumango ako. "Yeah. Tahimik kasi at maganda ang view." Paliwanag ko na kaniya namang ikinatango.
"I see..."
------
"Really?" Natatawa ko na tanong habang siya Naman ay tawa Rin NG tawa.
"Oo, diba parang Ewan Lang?"
Ikinuwento niya ang kabangagan niya nung first time niya sa modeling. Yung manager niya ay napagkamalan niyang photographer at Yung photographer napag kamalan niyang janitor. Hanep!
"Anong Sabi niya?" Natatawa ko'ng tanong.
"Ayun, galit na galit at nasigawan pa ako Ng masungit na janitor---este photographer na Yun!" Kuwento Niya. "Fuck that man..." Narinig ko'ng bulong niya Kaya lalo akong natawa.
"Oh my god---"naputol ang pag tawa ko ng mag vibrate ang phone ko.
Ate Jamie calling...
"Sagutin ko Lang." Pa Alam ko at tumayo.
"Yes?" Sagot ko
"May shooting ka sa JMZ mamayang six, pumunta ka na dito." sabi niya.
"I'm on my way." Sabi ko at binaba ang tawag.
Lumapit ako Kay Grey na busy sa pag titipa Ng phone niya.
"A-ah Grey, kailangan ko na umalis." Pa Alam ko dito.
Tumayo ito at pinag pagan ang pantalon. "Same." Sabi niya. "You want me to drive you?" Offer niya.
"Wag na, may sasakyan Naman akong dala." Sabi ko at ngumiti.
"Okay, then." Sabi niya. " Be safe." Ngumiti ito at tinap ang buhok ko na aking ikinagulat. Nauna na itong umalis bago pa ako makapag react.
****
"Madison, may makaka pair ka for tonight's shoot." Sabi Ng manager ko.
"Sino?" Tanong ko.
"You know, Alister Grey Chan? Yung bago." Sabi ni ate Jaime
"Siya?! He's a friend!" Excited na Sabi ko.
"Really? Balita ko magaling daw Yun, though baguhan." Nag kibit balikat si ate Jaime. "Tapos na ba Yan?" Tanong niya sa make-up artist ko.
"Opo." Sagot niya at inisprayan ako Ng everlasting.
"Ang ganda talaga Ng alaga ko." Ngumiti si ate Jaime at pinaikot pa ako.
"Syempre, maganda ang manager." Tawa ko dito.
"Bet!" Nag apir kaming dalawa. "Sige na mag bihis ka na." Sabi niya at binigay ang spaghetti strap gown. Simple lang ang damit ngunit hindi mawawala ang pagka elegante nito. Sinuot ko na ang damit at ngayon ko lang napag tanto na back-less ito, sa taas ay lace ang disenyo ngunit pagdating sa bewang hangang paa ko ay satin na ang tela.
lumabas na ako ng CR at kinuha ang five inch black stiletto na tingin ko ay ginawa pa sa Brazil. Agad na akong nag palit ng sapatos. Napa angat ako ng tingin ng may biglang flash akong nakita. "ay may flash?" natawa ako dahil epic ang ginawa ni ate Jaime. "lahat talaga ng suotin mo bagay sayo! puwede na rin siguro ang basahan noh? para trending na rin." hinawakan nito ang baba na parang nag iisip. Napailing nalang ako at tumayo. "Be! pa ayos nga ng damit ang alam ko may belt pa eto!" tawag niya sa nag make up sa akin kanina na agad lumapit at kinabit ang belt na puno ng black diamonds. May kinabit rin itong necklace na may pendant na black heart na may white diamond sa gitna nito.
Ang buhok ko ay naka straight lang na may hairpin na nakakabit sa likod ng tenga ko. Nilagyan ko ng tiara ng hairstylist ko. "ano ba ang theme?" takhang tanong ko.
"wedding." simpleng sagot ni ate jaime.
this is actually my first time having a shoot na wedding ang tema. Nakaka excite!
"tara na five minutes nalang bago mag start, balita ko masungit ang bagong photographer nila." sabi niya at inalalayan akong pumunta ng set. Ang set namin ngayong gabi ay sa garden na punong puno ng mga lampara. Napaka Romantic tignan!
nakita ko ang lalaking nakatalikod na nakasuot ng black suit. Unti unti itong humarap ng kalabitin siya ni miss Katleen na dati kong manager. "Hi Madison!" umakap sa akin si miss K at nakipag beso kay ate jaime. "Madison, you look pretty as always! lalo kang gumaganda!" papuri niya habang magkasalikop ang dalawang kamay. "at bolera ka pa rin ate Katleen." tawa ko na kaniyang ikinairap habang natatawa.
"i would like you to meet your partner for tonight, Alis---"
"Alister Grey Chan." pagtuloy ko habang ang mata ay nasa lalaking walang imik.
"you know him?" gulat na tanong ni miss K.
Ngumiti ako habang ang mata ay nasa kaharap pa rin. " of course... i know him."
-----
"eye to eye please!" sigaw ng photographer na agad naming sinunod. Nakapatong ang kamay ko sa balikat niya habang ang kaniya ay nasa bewang ko. "Nice shot! next pose!" sigaw muli ng photographer. Tumalikod ako at siya naman ay yumakap sa bewang ko mula sa likod, nag dala ito ng kakaibang pakiramdam at kiliti sa tiyan ko. Naramdaman ko ang pag lapat ng baba niya sa balikat ko. "Madison! smile!" sigaw ng photographer na aking sinunod. "eye to eye!" sigaw nanaman niya. Hindi ba sumasakit ang lalamunan niya?
inilagay ko ang kamay ko sa kanang pisnge niya kasabay ng pag tingin ko sa mga mata niya. Bahagya akong nagulat ng mapagtanto na sobrang lapit na ng muka namin sa isa't isa. "Nice shot! fifteen minutes break!" sigaw niyang muli. Napa atras agad ako habang nakayuko na. Naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko sa hindi malaman na dahilan.
"you should have told me na dito rin pala ang punta mo para sabay na tayo." umpisa niya. Napakamot ako sa batok at nanatiling naka yuko.
" by the way, you look..."
nag angat ako dito ng tingin.
"...gorgeous."
