PROLOGUE

15 1 0
                                    

"Tulungan nyo ako!" sigaw ng isang babaeng nakatali. May mga sugat at dugo ito. Kitang kita mong pagod na pagod siya.

"Anak patawarin mo ako" sabi pa nito habang umiiyak. "Patawarin mo ako anak, mahal na mahal kita" ramdam mo ang lungkot sa kanyang mga mata. Patuloy siyang lumuluha kasabay ng pag-agas ng dugo sa kanyang ulo. Parang tinutusok ang puso ko.

Agad akong nagtagong muli ng makita ko ang isang lalaking may hawak na baril na kahit anong oras ay kaya niyang paputukin. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita o maaninag manlang ang kanyang mukha.

"la la laaah la la laaah" kumakanta ito habang pinaglalaruan ang baril na hawak niya.

"A-ano bang k-kailangan mo s-saakin? P-pakawalan mo na ako maawa ka" halos maubusan na siya ng hininga. Halatang nahihirapan na siya.

"Di pa Sapat ang buhay mo para maging kapalit" mariin na sabi ng lalaki.

"Pinatay mo na ang asawa ko at si Mamah! Hindi paba sapat na Dalawang buhay na ang nawala sa pamilya ko? Buhay ng taong mahal ko" May galit ang mga mata ng babae. Pilit na ikinakalas ang sarili sa pagkakatali sa kanya.

"Hindi sapat na kabayaran ang kahit na kaninong buhay ang pagkawala ng anak ko!" Mariin niyang sabi habang pinaglalaruan ang baril.

"Hindi ako ang pumatay sa anak mo!" matamlay na sabi ng babae.
"Hindi siya mamamatay kung sana binantayan mo siya ng mabuti, aksidente ang lahat" naiiyak na sabi

"HINDI! HINDI! HINDIII !" pasigaw niyang sabi kasabay ng paghalakhak

Para siyang nababaliw. Nakakatakot ang mga halakhak niya na para bang binabalot ako ng apoy. Nabigla ako ng paputukan niya ng baril ang ulo ng babae.

Sa pagkakabigla ko ay nasiko ko ang kahoy na nasa kanang bahagi ko Nagtago akong muli at nakita ko ang anino ng isang lalaki na animoy nasa likod lang ng pinagtataguan ko. Itinikom ko ang aking bibig upang hindi lumikha ng kahit na anong ingay.

Bumagsak ang mainit kung luha at ipinikit ang aking mata. Kasabay ng pagbitid ng aking paghinga.

Natatakot ako. Ito na ata ang huling pagkakataon kung mabuhay. Yan ang tanging tumatakbo sa aking isipan.

Iminulat ko ang aking mata at ngayon ay wala na ang anino ng lalaki. Agad akong tumakbo palabas mula sa isang lumang factory.

Mabilis akong tumatakbo upang tuluyang makalayo sa lugar na iyon. Patuloy akong tumatakbo. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbagsak ng ulan.

Ramdam kung walang saplot ang aking mga paa. Tumatakbo ako sa dabuhan. Madilim na ang paligid at di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

***


Note: DON'T FORGET TO VOTE THANKS YOU!

THE VERACIOUS VERACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon