CHAPTER 3

11 1 0
                                    


Sofia's Point of View

Maaga akong pumasok dahil sa maaga din akong nagising, yung babae kasing kasama ko sa appartment nagmistulang alarm clock ng magsisigaw ba naman dahil lang sa daga na nakita niya.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa building ng ABM grade 12

"Hey" Dinig ko mula sa likuran ko habang naglalakad ako

Nilingon ko ito at nakita ko si Quen na may malawak na ngiti. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasunod siya sa akin.

"Najebs kaba kahapon?" pang-aasar nito ng sinabayan pa ng paghalakhak

"Hindi" maikling sabi ko

" Hindi nga?" natatawa paring sabi niya

"Sana hindi mo na lang ako tinanung kung hindi ka rin naman pala maniniwala sa sagot ko" walang ganang sabi ko. Ayaw ko nang makipagtalo kaya minabuti ko na lang na manahimik.

Naiinis na talaga ako sa kupal na ito masyado siyang makulit at madaldal. Feeling close nagmukha tuloy ako yung Transferee sa aming dalawa.

"Ito naman di mabiro, ano ba talagang nangyare?" Hindi ko maintindihan ang kanyang ekspresyon. Parang siya yung mukhang tae eh

" None of your business"


Dinig ko ang mabigat niyang pagbuntong hininga ng madismaya siya sa sagot ko.

Nasa field na kami ngayon kung saan madaming naglalaro, P.E. siguro nila kaya madaming nakakalat na estudyante sa field.

"Ate Sofia?" tawag saakin ng isang bata. Hindi siya familiar saakin pero alam niya ang aking pangalan. Nang makalapit siya ay agad kong tiningnan ang pin sa kaliwang bahagi ng kanyan uniporme.

*Hailee Jorj Murphy grade 10 student*

Maganda siyang bata, may mapupungay na mata at magandang kutis. Medyo may katangkaran at mukhang inosente ang pangangatawan.

"Hailee P.E nyo ba?" tanung ni Quen kay Hailee

"Opo kuya, Naglaro nga ako Volleyball at sabi ni Mrs. Flores pwede daw akong sumali sa team nila" halata sa mukha nito ang excitement

"Ang galing mo talaga " sabi ni Quen at ginulo pa ang buhok ni Hailee

Mukhang close sila at magaan ang loob sa isat-isa. Ganun ba talaga ka kapal ang mukha ni Quen kaya pati sa lower year ay nakikipagclose siya.

"Sige kuya Quen at ate Sofia alis na ako, bye" nagpaalam na siya at bumalik sa paglalaro sa field

"Ang kulit niya ano?"

"Just like you" mahinang sabi ko

"Mas cute naman ako no!"

Hindi ko siya pinansin at nagtungo na sa room

Nangsimula na ang klase at hindi naman ako nadistract sa sobrang daldal ng katabi ko.

Madalas napapansin ko din ang malagkit na tingin saakin ni Mr. Romulo. Tungkol nanaman ba ito sa offer niya? Sigh

Matapos ang klase namin kay Mr. Romulo ay agad ding dumating si Ms. Francine Go. Magsisimula palang sana ang klase nang tawagin ako nito.

"Ms. Blythe?" Dinig kong tawag saakin

THE VERACIOUS VERACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon