Sofia's Point of ViewNagising ako ng nasa clinic na ako. Agad akong sinalubong ng nag-aalalang mukha ng pinsan ko na si Nurse Ava.
"Kamusta na pakiramdam mo?" bakas sa mga mata niya ang pag-aalala
Ngumiti lang ako sa kanya senyas ng pagsagot ko.
Inalalayan naman niya ako para makaupo. Nagtutuyo ang labi ko at pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako.
Mukhang napansin iyon ni ate Ava kaya agad niya akong inabutan ng tubig kasama ang gamot ko. Halos naka tatlong basong tubig ako dahil sa uhaw.
"Nga pala s-sinong nagdala saakin dito?" Ang naaalala ko kasi ay bago ako tuluyang matumba ay napahawak ako sa isang lalaki. Pero hindi ko manlang nasilayan ang kanyang mukha.
"Hindi ko kilala eh, ngayon ko lang siya nakita dito"
Palabas palang ako ng clinic ng matanaw ko kaagad ang nagkakaguluhang mga tao.
"Ang gwapo ng bagong student Ghad!"
"OMG! He's so damn attractive"
"Akin lang siya ihhhhh"
Rinig kong sabi ng mga babae na nanggaling mula roon.
Tskk. Napairap ako sa narinig ko
Mukhang lalaki nanaman ang pinagkakaguluhan nila.
Hindi ko ito pinansin at nagtungo na sa room para makaattend ng last subject. Masyado ata mahaba ang tulog ko kaya hindi ako nakaabot sa ibang subject.
Matapos ang klase ay nilapitan ako ni Mr. Romulo. Nakangiti siyang humarap sa akin. Nawiwirduhan ako sa kilos niya kapag ako ang kaharap niya. Parang may mali na ewan pero mukha naman siyang masiyahing tao.
"Ms. Blythe Can I talk to you?" tanung saakin ni Mr. romulo.
"Yes sir" sabi ko at sumunod sa kanya sa paglalakad.
Nasa loob na kami ngayon ng kanyang opisina, malawak ang kanyang opisina, mahahalata mong naglilipat palang siya ng mga gamit. Naagaw ng aking pansin ang isang painting na nasa isang kahon na medyo natatabunan ng iba pang kagamitan.
Inaninag ko ito para malaman kung anong klaseng painting ito.
"Sit down please" Dinig kong sabi ni Mr. Romulo kaya inialis ko ang tingin ko sa painting at umupo sa lumang upuan na nasa harap niya
"Pasensya kana nag-aayos palang kasi ako ng mga kagamitan ko, medyo luma at madudumi pa ang mga ito" Dagdag pa niya.
"Ayus lang po Mr. Romulo"
"Gusto lang sana kitang kausapin tungkol sa darating na election this month para sa student council officer" sabi niya habang nilalaro ang ballpen sa kanyang mga daliri.
"Matalino kang studyante Ms. Blythe, sa sandali mo palang na pag attend sa aking klase ay alam kong marami kanang nalalaman, kaya gusto ko sanang alukin kang sumali at maging representative"
"Don't get me wrong Mr. Romulo but Im not interested" napataas ang kilay niya sa sinabi ko. Binitawan niya ang ballpen na kanina pa niya nilalaro.
"Ms. Sofia Blythe, this is a good opportunity for you" tumayo siya at animoy may kinuha sa kanyang drawer.
Iniabot niya saakin ang isang brown envelope at tsaka siya umupo muli.
"Pag-isipan mong mabuti Ms. Blythe magandang opportunidad ito para sayo. Mabibigayan ka din ng additional grades and the Title kung sakaling manalo ka"
BINABASA MO ANG
THE VERACIOUS VERACITY
Mystery / ThrillerNatutunan kong humawak ng patalim, gumamit ng baril at lumaban sa madugong patayan. Kailangan kung iligtas ang sarili ko , ang pamilya ko at , ang taong mahal ko. Sa taong gusto tapusin ang buhay ko at manahimik sa katutuhan at ipako ang sarili sa k...