Sofia's Point of View
Biyernes na ngayon at ang buong araw ko kahapon ay walang bumagabag saakin na kahit na ano kundi ang maghanda lang para sa bagong patibong ng kalaban.Maaga akong umuwi ngayon para paghandaan ko ang aking sarili.
Inihanda ko ang pulang bistida na binili ko. Itim na heels at mga kolorete na gagamitin ko. Pinaghandaan ko ito at pinagplanuhan. May takot man akong nararamdaman ay mas pinairal ko na lang ang aking tapang.
Flashback
Pauwi na ako galing sa school. Sasakay na sana ako sa aking motor nang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.
*Unknown number*
Sinagot ko ang tawag at nag-abang sa taong magsasalita mula sa kabilang linya. Tanging paghinga lang niya ang aking naririnig.
Sa unang hinala ko palang ay alam kong tama ito. Siya ang tumatawag at hindi ako nagkakamali ng marinig ko ang kanyang boses.
"Hey baby! " may halong tamlay ang kanyang boses. Nabibingi ako sa malakas na paglabas ng hangin sa kanyang bibig.
"Hi" Maikli kong sagot
"Are you free tommorow? 8 pm" Dinig kong sabi niya
" Yes why?"
"let's meet again baby" Napangisi ako sa sinabi niya.
Sa pagkakaalam ko ay napakababaero talaga ng lalaking ito. Daan daan na ang babaeng nagamit niya, mga babaeng napasakamay ni Cavin. Magiging isa ba ako dun?
"Sure" maikling sagot ko tsaka binaba ang tawag.
Nakarecieve ako ng text message mula sa kanya.
* At Cozova Bar 8:00 pm *
End flashback
Naligo na ako para makapag handa na, malapit na rin kasing mag 8:00 o' clock.
Matapos kong magligo ay sinuot ko na ang pulang dress. Backless ito at V-shape ang harapan. Medyo nakikita ang aking dibdib at isang dangkal ng kamay lang ang iksi ng aking bistida mula sa tuhod.
Umupo ako sa harapan ng salamin at sinimulan ng mag-ayus. Hindi ako mahilig sa make-up pero marunong akong gumamit kaya hindi na rin ako nahirapan. Huli kong inilagay ang pulang lipstick.
Pinagmasdan ko ang kaayusan ng aking itsura.
"Magkita na lang tayo sa impyerno Mr. Cavin Vasquez" mariin kong sabi sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.
Sinuot ko na ang aking maliit na hikaw at ang itim na heels. Naglagay ako ng pabango sa kabuohan ng aking katawan.
Lumabas na ako ng aking kwarto.
Wala si ate Ava sa sofa kaya panigurado natutulog na ito.
Sumakay na ako sa aking motor pero bago ako makaalis ay tiningnan ko ang aking relos.
*8:26*
"Game"
Pinaharurot ko na ang aking motor para mabilis na makarating sa Bar.
Ramdam ko ang malakas na paghampas ng hangin sa aking binti. Kapansin pansin din ang mga taong tinatapunan ako ng tingin habang naglalakad papalapit sa Bar. Pumasok ako sa loob ng bar at hindi ako pinigilan ng mga guard.
Nagmistulang yelo ang aking katawan dahil sa gulat, napakaraming tao ang nakapalibot at nakakalat sa buong bar. Halos di mo na makita ang bawat espasyo ng lugar.
BINABASA MO ANG
THE VERACIOUS VERACITY
Mystery / ThrillerNatutunan kong humawak ng patalim, gumamit ng baril at lumaban sa madugong patayan. Kailangan kung iligtas ang sarili ko , ang pamilya ko at , ang taong mahal ko. Sa taong gusto tapusin ang buhay ko at manahimik sa katutuhan at ipako ang sarili sa k...