Danica's pov
"Bunso? Anong nangyari sayo? Bat parang puyat na puyat ka? Sumasakit nanaman ba ulo mo?" Nagaalalang tanong sakin ni kuya Dasher.
"Hindi kuya. May quiz kasi ngayon sa math. Alam mo naman si Sir Peralta diba? Sa isang paper, tatlong topic yung sasagutan. Mas mabuti na yung sigurado." sabi ko habang pinipilit ngumiti. Kasi naman. Nabibilisan ako sa pangyayari. Magaan agad pakiramdam ko kay Ice boy. Hindi kaya yun yung tinatawag nilang lukso ng dugo? O,O
"Hay nako. Tara na nga. Baka matuod si daddy." sabi ni kuya at inakbayan ako palabas.
^*^*^*^*^*^*^*^
"Alam niyo? Sa lahat ng mabagal na nakilala ko, kayong dalawa yung pinaka." Sabi ni daddy at umirap samin habang nakatingin sa rear-view-mirror.
"Dad? Alam mo naman yung mga babae." sabi ni kuya at tinusok tusok pa ako sa tagiliran.
"Utot mo kuya! Hinihintay lang kaya kitang kumatok ng kwarto ko. Muka na nga akong matuod katulad ni dad dahil sa pag hihintay sayo eh." Ang likot na tuloy namin sa kotse. Si kuya kasi eh. Alam naman na malakas kiliti ko sa tagiliran tapos yun pa yung tinarget. Aba matindi.
"Tumigil nga kayong dalawa. Di na ako magtataka kung masasagasaan nalang tayo bigla." Kunwaring galit na sabi ni daddy. Di naman marunong magalit yan lalo na pag naghaharutan kami ni kuya. Nagseselos lang yan kasi hindi siya kasali.
"Daddy si kuya Dasher ayaw tumigil!" sabi ko habang iniiwasan yung pangingiliti ni kuya.
"Dasher icu---" di pa natutuloy ni dad yung pagsabi nang ika-cut niya yung allowance ni kuya dasher, tumigil na siya at nagpakaemo.
"Daddy si kuya dasher ayaw tumigil!" pang gagaya ni kuya sa boses ko. Takot siya pag sinassabi yun ni dad. Kasi nung nakaraan lang first time nyang mamulubi. As in sobrang pulubi. Nangutang siya sakin ng 500 kasi wala na talaga siyang pera.
"Ayan na school mo, danica oh. Bumaba ka na." sabi ni dad at tumigil sa harap ng gate.
"Bat parang ang tahimik?" sabi ni kuya habang nakatingin sa school ko.
"Hindi naman maingay tuwing papasok ako ah?" Pero oo nga naman. Iba padin kasi yung amosphere pag may tao at wala.
"Kahit na. Feeling ko walang tao eh." Ang hilig mamilit ni kuya.
"Dad? Pahintay po ako ah?" sabi ko at dumeresto sa guard house. Nasa labas yun ng school eh. Pero katabi ng gate.
"Manong? Bat parang wala pong tao sa school ngayon?" may tao. Siya! buti nalang at andito si manong.
"Ay iha? Absent ka ba kahapon? Sabi walang pasok ngayon kasi birthday nung founder ng school." Ay? Yun lang yung dahilan? Sabagay. Heaven din ito para sa mga estudyanteng tamad.
"Ganun po ba? Sige po salamat!" Hay. Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Ayokong maiwan magisa sa bahay.
"Dad? Wala daw pong pasok. Birthday daw po nung founder ng school." sabi ko tapos pumasok ulit sa kotse.
"Anak naman ng.. Grabe naman yung matandang yon." sabi ni dad at napahampas sa manibela.
"Pft." napatingin naman ako kay kuya na nagpipigil ng tawa.
Feeling ko close si daddy at kuya kay mr. Smith. Mayaman si mr. Smith. Siya nga ata ang pinaka mayaman sa buong mundo eh. Pero nandito daw siya para bisitahin yung pilipinas.
"Dad? Paano na yan? Ayokong magstay sa bahay magisa. Kuyaaaa?" tumimngin ako kay kuya at nag puppy eyes.
"Dont use that, danica. Muka kang aso." sabi ni kuya habang nakakunot ang nuo.
Ang daya. Bat kay kuya hindi tumatabla ang pagpa-puppy eyes ko? Kay daddy at vernice naman oo.
"Sha sha. Ayaw akong ipag sit in ni kuya sa school niya. so daddy. Dalhin mo nalang ako sa Mall." kinuha ko ang wallet ko at tinignan ang perang nakalagay duon.
"Daddy? Hehe. Pwede pautang ng Dos?" sabi ko sa kanya at nagpuppy eyes ulit.
"Two pesos? Mamaya sa mall." sabi niya tapos nagfocus ulit sa dinadaanan namin.
"Eh daddy, Dos mil.--- dad! Lagpas na tayo sa university ni kuya!" Oo kaya. Lagpas na kami sa pinapasukan ni kuya dasher.
"Ha? Ay oo nga! Dasher bat di mo sinabi?!" galit galitang sabi ni daddy. Bat sya nag aacting? Ya'know. I know my dad. Kung nag aacting ba sya o hindi. Kasi di naman marunong mag act si dad kaya pag nakita mong ganyan yan, nagaacting sya.
"Di ka pa naman late dad diba? Idaan nalang muna natin si Danica sa mall." Walang pakielam na sabi ni kuya.
Nung makarating kami sa mall. Binaba agad ako ni dad. Nagmamadali eh. Kala mo naman may humahabol sa kanya.
"Eto 5 thousand. Siguraduhin mong may kwenta bibilhin mo ah? Magingat sa paglalakad utang na loob!" sabi ni dad at dali daling umalis.
"Bat kaya nagmamadali yun?" tinanaw ko muna sila sa malayo hanggang sa nawala na yung kotse namin sa paningin ko.
"Whuuu. Madami nanaman akong mabibiling libro." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng mall.
SOMEONE'S POV
"Nasundan mo ba sila dasher?"
"Hindi ko na sila masundan. Nakapatay na ultimo sasakyan nila."
"Ah. Inshort nakatakas?"
"Oo. Pero bukas mahahabol---"
"Inutil! Wala kang kwenta!"
Tss. Kala mo talaga hinahabol ko sila? Tanga. Binabantayan ko si Danica. And im not planning to kill her. Unlike you. Fucking creature.
*-*-*-*-*-*-*-*
"Waaaaaaaaaaah! Ang daming librooo- *plok* aray." As usual. Nadapa ulit ako. Bat ba minahal na ko ng todo nitong sahig na to!
Nakarinig ako ng tawanan sa paligid. Mga babae sila. 9 silang lahat tapos ang gaganda pa. Ibat iba din yung mga uniforms nila. Tska muka na silang collage kagaya ni kuya dasher.
"Okay ka lang ba, miss?" Sabi nung isa tapos tinulungan akong tumayo.
"Opo. Hehe. Salamat po." Sabi ko at nagbow.
"Familiar siya nu?" Sabi nung isa sa mga babae.
"Yea. Are you familiar about the legendary Queens?" Tanong niya ulit sakin.
"Legendary queens--- ah! Nakita ko na po yun sa Cellphone ng Kuya Dasher ko. Bakit po?"
"May amnesia ba siya?"
"No. She's just hiding it. Ya'know. Her mom is a former hollywood actress."
Sino ba pinaguusapan nila?
"Should we help her?"
"No. She can handle herself. Ah. Miss, Are you going to buy books?" Tanong ulit nila sakin.
"Ah. O-opo."
"Go ahead. See you around." Sabi nung babae tapos tumalikod na. Kasama yung mga Kasama nung babaeng nasa unahan kanina.
Pero narinig ko pang sabi nung isa na. "She's just hiding herself. Hayaan niyo na. Sooner or later, Magsasawa na din siya kakatago. At duon. Tska natin siya tutulungan." Rinig ko pang sabi nila.
Tumalikod na ko at magsimulang magkalkal ng libro. Pero naisip ko ang sinabi nung babae kanina.
Hindi pwede. Ayoko pa.
------
Author's Note: Im really sorry kung putol yung nabasa niyo guys. Hindi ko kasi nacheck. Anyway. Sorry for the typos. Keep reading! Thank you!