Chapter 2

165 4 0
                                    

Danica's pov

nasaan ako? Bakit madilim?

Biglang may bumukas. Ang liwanag. Napakasakit sa mata. Pero tinuloy ko padin yung ilaw kung saan man yun naroroon.

at duon ko nasaksihan. Ang isang War. Bat nagpapatayan sila? bakit? Bakit?

"Patayin nyo lahat ng gangster. Wag kayong magtitira."

napatingin ako sa nagsalita. B-bakit boses babae sya? At familiar pa..

"At wag na wag ninyong hahayaan na makatakas si danica."

Napamulat ako bigla. Panaginip. Napaka pangit na panaginip.

"Oh gising ka na pala, bae." Napatingin ako sa nagsalita. si Nurse Jaime.

"pano po ako napunta dito, nurse jaime?" Di ba kayo nagtataka? Hindi naman ako kayang buhatin ni vernice eh.

"May tumulong kay vernice para madala ka dito. Nga pala, puyat ka kaya ka nahimatay kanina. Dapat mamentain mo ng maayos ang tulog mo ha?"

"Opo. Ay nurse jaime? Pwede na po akong umalis? Hahabol po ako sa class ko." sabi ko habang nag papagpag na. Itatago ko nalang muna yung alaala na yon. Ayokong bumalik sya.

"Syempre naman. Ingat ha? Baka madapa ka nanaman." nakangiting sabi ni nurse jaime bago ako makalabas ng clinic.

^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*

pagkarating ko sa classroom, maingay sila. Kasi wala yung science teacher namin. sus. Lagi naman eh. Hindi ko lang talaga mafigure kung bakit mataas yung grade ko sa Card ko. 90 ako samantalang yung iba 86 pababa. Ang wierd.

at hindi ko ba nasabi sa inyo na second grading na kami? Kaya bat parang kakatransfer lang nung Ian Xandier na yon.

"Ano? Okay kana? Bat ka ba kasi nagpupuyat?" sabi ni vernice habang nakahalumbaba.

"Sumasakit nanaman kasi yung ulo ko. Parang may gusto pumasok sa isip ko pero may nagboblock din. Kaya mas lalong sumasakit. Nagkaamnesia ba ako?"  panguusisa ko sa kanya.

"Syempre wala." ah. Sabi ko nga wala eh.

"Goodafternoon class." UY UY! Pumasok si sir science sa room yes! Maglelesson na sya.

"Class sandali lang ako. Ipapakilala ko lang yung Transfer student natin. Boy, pasok."

bigalang bumukas yung pinto nung room. Ah! Si Ice Boy. Ice boy na kasi cold sya.

"introduce your self."-sir science

Princess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon