A/N: Dahil natuwa ako sa dalawang nagcocomment. Hahaha. Thank you for reading. :)
-
Danica's POV
Tinawagan ko kaagad si kuya habang natataranta ako sa pagbukas ng pinto namin.
"Hello kuya?!"
(I told you dad, buhay pa siya. Oh bakit?)
"Ano yung sumabog dito?! Walang hiya ka! Pag nasunog mga libro ko, bubutasin ko lahat ng Boxer Brief niyo ni daddy! Tandaan mo yan!"
Sabi ko pagka baba ko ng tawag sa kaniya.
Pagkabukas ko ng pinto, ang daming usok.
NO WAY! Bawal masunog mga libro ko!
Dali dali akong pumunta sa library ko and thank God. Walang sunog dun. Hay nako.
Pumunta naman ako sa kusina at nakitang sunog ang microwave oven. Nako. Patay ako kay daddy nito. Ang mahal daw nun e.
Tsk. Napagpasyahan kong dito nalang magstay sa bahay para pag may sumabog, masasalba ko yung mga libro ko.
Pero naalala ko yung lalaking masungit na pogi kanina. Tsk. Ano ang sabi niya? Ang tanga ko daw maglakad? Hah! Tumatakbo kaya ako. Damuhong na yon.
Sayang. Ang pogi pa naman kaso ang pangit ng ugali! Tsk.
Makapag gm nga muna.
To: Everyone
Sometimes, people just smile to hide the pain.
-
Hello! Hay nako. Akala ko talaga masusunog na yung mga libro ko. Tsk. At may nakita pa akong Pangit na lalaking sobrang sungit! Kala mo talaga e. Text tayo? :)
G./Dcdr:')
Message sent.
Nagbuzz buzz yung cellphone ko pagkatapos. Pero dahil feeling famous ako, yung close ko lang yung nireplyan ko.
Someone's Pov
Napangiti ako ng mapait. Sana hindi ko nalang siya hinayaang mabuhay. Sana una palang, pinatay ko na siya ng tuluyan.
Hindi naman kasi basta bastang Danica yung babaeng iyon e. May Demonyo sa loob niya. Kaya dapat nililigpit na siya habang maaga pa. Napaka-walang kwenta naman kasi ng taon inuutusan ko.
Hindi ko alam kung kanino siya kampi. Pero kung hindi niya magawa yung inuutos ko, Papatayin ko siya agad. Tapos isusunod ko si Danica.
Dasher's POV
"Dad."
"Oh?"
"Uwi na tayo."
"Tatapusin ko lang to."
"Walang kasama si danica."
"Fourth year na siya."
"Alam ko yun, dad."
"Alam mo pala e."
"Umuwi na kasi tayo! Ako na tatapos nyan sa bahay. Sipain kita e." Kakayamot kausap si daddy. Feeling teenager e.
"Sipain mo. Baka magawa. Oh? Yung sabi mo ha. Ikaw nalang gagawa nung paper works ko. Tara na." Tsk. Naisahan nanaman ako ni dad.
Pagkauwi namin sa bahay, Naabutan kong kumakain si danica ng pop corn.
"Oy. Diba microwave popcorn yan?"
"So?" Aba. Busy-ng busy sa panonood ng Empress ki ah. Hindi man lang tumingin sakin.
Pasabugin ko din kaya yung Tv?
"Wala tayong microwave. Sumabog diba." Bigla siyang tumingin sakin. Palibhasa kasi, commercial na.
"Pano mo nalaman?" Sumingkit bigla mata niya. Patay. Bubungangaan nanaman ako nito.
"KUYA PATI BA NAMAN MICROWAVE OVEN PAGEEXPERIMENTAN MO?! PANO PAG NASUNOG YUNG MGA LIBRO KO HAAAAAA?!" Aray. Yung tenga ko.
*Tok tok tok*
May bisita kami?
Iniwan ko si Danica duon na namumula padin. Kakasigaw niya yan. Tsk.
"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Kaedaran ni danica.
"Ang ingay ng babae dyan. Hindi ako makatulog." Aba. Nagrereklamo pa.
"DANICA!" Sigaw ko tapos sinenyasan ko yung lalaki na saglit lang.
"Ano?! Bat kailangang sumigaw?! Ako lang pwede!" Sabi niya hanggang sa makapunta siya sa harap ko at makita ang taong nanduon.
"Pogi." Mahinang sabi niya. Tsk. Mas pogi ako dyan no.
"A-anong ginagawa mo dito ha?!" Biglang bawi niya naman. Sus.
"I'm Christian. I'm living next door. And your voice irritates my ears. Just please be quiet. Nice to meet you." Sabi niya tapos umalis na.
"Ayan. Nakahanap ka ng katapat mo."
Sabi ko at iniwan siyang nakatanaw sa lalaki.
Daddy Daryl's POV
Hay. Ang mga anak ko sobrang ingay. Paano ko matatapos ito?
"Dasheeeeer!"
"Daddddddddy!"
"Aba! Pumunta ka dito!"
Biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang ulo ni dasher.
"Ano nanaman dad?"
"Hanapin mo yan." Sabi ko sabay bato sa kanya ng Papel na crumpled.
Kailangan niyang mahanap yan. Yan yung papatay sa kapatid niya e.
At sure akong hahanapin niya yun. Kapatid niya yung ma-aagrabyado e.
---
Hanggang dito nalang po. Muli, Salamat sa pagbabasa. Lalo na sa nagcocomments. Hahaha.
-Mjsepogi