Guys yung cover. XD Nagcomplain kasi yung Diwata kong Bestfriend. Pangit daw. Dibale. Aayusin ko yan pag may internet na ulit kami. XD
--
Danica's POV
Pagkauwi ko sa bahay, Pinatong ko lahat ng librong pinamili ko sa lamesa. Ang dami ko na namang collection nito. *O* Pero syempre, icocover ko muna yan ng plastic cover para hindi masira.
Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong lumabas at nilock ang gate.
Nagugutom ako. Gusto ko kumain. Kaya magluluto ako. Ng~ hmm. Ano kayang pwede? Itlog? Hatdog? Ham? Aha! Yung noodles in cup nalang.
Pagkatapos kong ilagay yung mainit na tubig sa cup, nilagay ko yun sa Dining Table namin.
Kinuha ko yung mga pinamili kong libro. At nilagay sa library ko.
Kahit one storey house lang itong bahay namin, madami pading silid dito. Kwarto ko, kwarto ni kuya, kwarto ni mommy't daddy, dalawang guest room, library ko at music room ni kuya. May CR na kami sa bawat kwarto kaya wag nyo nang hanapin kung nasaan.
Ang library ko, ay may Tatlong shelf. Per shelf, 100 books ang kasya. At Nasa pangatlong Shelf na ako. Dun na ako naglalagay kasi puno na yung iba.
Actually, di ko naman binabasa yan lahat. Gusto ko lang may maidisplay. O kaya someday. Babasahin ko pag wala akong magawa.
Sa library ko, may dalawang mahabang lamesa. Sa isang lamesa, 12 peoples ang kasya. Sa left and right sides na iyon ha? Haha. Sana magets nyo. Tapos, may dalawang computer din.
May isa pa akong maliit na shelf. 50 books siguro ang kasya. Pero hindi books ang nilalagay ko dun. Magazine, photo albums, scrapbook, newspapers.
Pagkatapos kong ilagay sa lamesa dun yung mga pinamili kong libro, pumunta na ako sa labas. Sa dining table.
Patakaran ko kasi na bawal kumain sa loob ng library ko. Baka madumihan yung mga libro e.
Habang iniihipan ko yung noodles, napagpasyahan kong kuhain yung cellphone ko sa bulsa.
Hindi padin nagtitext ang bestfriend ko. Ano bang meron sa lalaking yun?
Baka ex niya? Oh siya. Lalayo nalang ako. Mas mahalaga padin ang bestfriend ko kahit magaan loob ko dun sa lalaki.
Tinignan ko ulit yung cellphone ko.
Nagtext si kuya.
D. Delos Reyes
3:27PM
Danica, umalis ka dyan sa bahay. Pumunta ka muna sa address na to. ---
Huh? Ano nanaman yung problema ng pangit na yun?
On the other side
"TAWAGAN MO NA ANG KAPATID MO DASHER!"
"Dad?! Sayang sa load."
"Hindi ako nagbibiro, dasher."
"Ako din dad."
"ARGH! Manang mana ka talaga sa kapatid mo!"
Back to the real side
Sige na nga. Since wala naman akong gagawin, pupunta nalang ako dun.
Inubos ko na yung noodles tapos lumabas ng bahay.
Syempre nilock ko yung pinto. Common sense naman. Manakaw na lahat ng boxer brief ni kuya at ni daddy, wag lang yung books na binili ko.
Hindi pa man ako nakalalayo, bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog.
Napatakip ako sa bibig ko.
Oh my God.
Other side Again
"Kita mo na! Sumabog na yung microwave! Bat kasi ang pangit ng inventions mo ha?!"
"Dad! Why are you acting so wierd?! Yung microwave lang yung sasabog! Nothing more, nothing less!"
"Ang mahal kaya ng bili ko dun!"
"Eh malay ko bang uuwi ng ganuon kaaga si danica. Alam mo namang tatambay muna yun sa bahay ng bestfriend niya e."
"Pero kahit na. Bakit kasi nakaset yung oras ng pagsabog nun pag bumukas yung maindoor ha?"
"Napagtripan ko lang dad. Sorry naman diba?"
"Perwisyo ka din e."
"Aray! Kailangan mang bato ng sapatos?!"
"Ang o.a. mo! Tsinelas lang yan!"
The right side again
Oh my God!
Bakit may sumabog sa bahay?! I should run! Kailangan kong maisalba mga libro ko!
Pero alam niyo na ang mangyayari habang tumatakbo ako.
*Blag*
"Aray."
"Okay ka lang? Ang tanga mo mag lakad."
"May sumabog kasi sa bahay namin." Sabi ko habang nagpapagpag.
"Tss. Sumabog lang e. Hindi naman nasunog." Ang sungit ng lalaking to a! Akala mo kung sinong---
Oh my God. Ang p-pp-POGI!
"We're in heaven." OMG! Nasa heaven na daw kami!
"Are you going with me?" Ngi-nginitian niya ako!
"Oo. Yes! Yes!"
"HOY!" Nagising ako bigla sa imagination ko.
Tsk. Imagination lang pala.
"Ano?! Makasigaw ka a! Hindi ako bingi!"
"Lampa lang. Ge." Sabi niya tapos tinalikuran ako.
Aba ang bastos nito a.
"Aish! Makapasok na nga sa loob."
---
End.