Danica's POV
Hi po! My name is Danica Christine Delos Reyes. I am fourth year student in Heartville Academy. Mabait ako, matalino, maganda-- sabi ni daddy. Pero sabi ng mga taong nasa paligid ko, masyado daw akong lampa. Eh di ko naman kasalanan yun! Kasalanan ng sahig yun!
"DANICA CHRISTINE?! Bumaba kana dyaaaaaaan!" Oa na sigaw ni daddy. Nasa ibang bansa daw si mommy. Ewan. Di ko alam yung bansa pero umuuwi si mommy tuwing birthday ko, christmas, new year, ahm.. Halos lahat yata ng okasyon na meron sa pilipinas tska umuuwi si mommy. Ang yaman nya sa pamasahe no?
"DANICA?! LATE KANA BILISAN MO!" Hala! Kinakalampag na ni kuya Dasher Yung pinto ko!
"Kuya! Wait lang lalabas na ko! Wait lang talaga, promise!" Dali dali akong nagselfie tapos lumabas ng kwarto. One storey house lang itong bahay namin pero sobrang lawak.
"Bat ang tagal mo, ha?" pangungutya ni kuya sakin.
"Ano kasi kuya-- ah tama! Nagreview ako para sa mothly test! Ha-ha" Sana maniwala si kuya.
"Dad si da---" hala hindi naniwal si kuya.
"Ehkasikuyasumasakitnanamanulokokagabikayanapuyatako." ang haba ng sinabi ko ah. Walang tigil yan! Kaya nyo? Kaya nyo?
Bigla syang bumuntong hininga "Okay ka na ba?" nagaalala nanaman si kuya. Simula nung maghighschool ako. Lagi nalang sumasakit ang ulo ko. Pero teka---
"Na-gets mo yung sinabi ko, kuya?"
"Oo naman. Tingin mo sakin? Bingi?" Pambibiro ni kuya. Pero di naman ako natawa. Nagtataka padin talaga ako.
"Eh bat sa binabasa ko sa wattpad, pagtuloy tuloy di naiintindihan yung sinasabi? Kuya ang wierd." sabi ko sabay pasok sa kotse ni dad. Si kuya eh second year college na. BS management yung course nya.
"Imbis na academics na libro yung basahin mo, puro fictions pa. Ikaw talaga." sabi ni kuya tas tumabi sakin sa likod nung kotse. Driver si daddy eh.
"Ginawa nyo naman akong driver dito. Mga batang to talaga."
"Eh dad, muka ka naman talagan---"
"cut ang allowance mo dasher---"
"Gwapo. Diba dad? Magkamuka tayo eh." Grabe si kuya. Para Paraan para hindi mawalan ng pera eh.
^*^*^*^*^*^*^*^*^*^
"Babye kuya, daddy! Ingat po!" magkaiba kami ng school mi kuya. At medyo malapit lang yung akin kaya nauna akong bumaba.
Kanina habang nasa byahe kami, nagseselca lang kami ni kuya gamit yung retrica.
sabi nung mga friends ko sa fb--- ang tunay na maganda daw, hindi gumagamit ng retrica. EH WALA NAMANG PANGIT! Kala mo talaga eh. Pero well. Naniniwala ako na lahat ng tao may pagkakaiba. Kaya nga nauso si insecure eh. But anyway---
"DANICAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Bakit ba sigaw ng sigaw ang mga taong nakapaligid sakin? Nako yung tenga ko.
"TAKBO KA DITO DALI!" Sigaw ulit nya..
"Oo na saglit!" sabi ko ng patakbo pero---
*BLAG* "ARAY KO PO!" Bat kasi hindi ako sinalo nung lalaking nasa harap ko? Dapat diba yun yung mangyayari. Madadapa ako dahil sa katangahan nung sahig tapos sasaluhin nya ko. Bakla kaya to?
Naghintay ako ng response mula sa lalaki pero wala. Pag angat ko ng tingin dirediretso lang syang naglalakad.
"Bat di nya ko tinulungan? Hay." Sabi ko habang tumatayo kaso yung paa ko. Nasprain ata.
"Ano ba namang katangahan yan, Danica?" grabe magsalita itong si Vernice.
"Pinapatakbo mo ko tapos ganon! Grabe nato. Bakit ba kase?" Buti nalang talaga inalalayan ako nitong vernice nato. Kundi ihahampas ko sa kanya yung poste sa buildings namin.
"Yung lalaking hindi ka pinansin kahit nakakabingi yung sigaw mo.. Kilala mo ba sya? Napaka familiar nya.. K-kasi cold sya.." bat sya nauuatal? May problema ba?
"Hindi eh. Ano bang pangalan?" tska cold? Bat parang sumakit yung ulo ko nung narinig ko yun?
"Ian Xandier.. ian xandier ang pangalan nya. And with that. Nawalan ako ng malay.