Prologue

23 1 0
                                        

"Ms. Fernandez what is the meaning of love?" Nagulat ako nung bigla akong tanungin ng teacher namin. Srsly? Yung mga kaklase ko naman natatawa. Psh.

Di ko alam kung sinasadya ba yun ng teacher na to o sadyang yun yung tanong. Nakakabadtrip naman 'oh. At talagang sakin niya pa tinanong. Wtf?

"Ms. Fernandez are you listening?" Ayan, naging leon na naman tong si ma'am. Lagi naman yang ganyan sakin 'eh. Tinaasan pa ako ng kilay. Aba! Baka gusto niyang burahin ko kilay niyang drawing.

"Again Ms. Fernandez, what is the meaning of love?" Nag bubulungan at nag tatawanan na mga kaklase ko. Lintek! Nahihiya na ako. >_< tatagtagin ko talaga kilay ng teacher na 'to.

Dahan dahan akong tumayo at dahan dahang tiningnan ang mga kaklase kong babae na halos maputol ang litid katatawa, yung iba naman nag bubulungan na. Ano ba naman to!

"Sasagutan mo ba yung tanong o ano!?" Can't you wait!? Atat masyado eh alam ko namang pag siya ang tinanong niyan nganganga siya.

"Ms. Fernandez sasagot ka ba!?" Sigaw sakin ng teacher ko kaya nagulat ako. Nag tawanan yung mga kaklase ko at may pag hampas pa sa mesa. Mukha kaya nila ihampas ko sa mesa.

"Hindi na yan sasagot ma'am!" Sigaw ni Clark kaya nag tawanan na silang lahat. Lintek! Parang gusto ko ng maiyak dito sa kinatatayuan ko kase grabe grabe na yung pag papahiya nila sakin. Lupa lamunin mo na ako!  Huhu.

Kung hindi ko lang mahal tong si Clark nakatikim na to sakin ng isang suntok. As if kaya ko.

Dahan dahan akong tumingin kay Clark at nakangisi siya sakin. He's Clark Vincent Cuevas, anak ng isa sa respitado at pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Gwapo siya, pero mayabang. Sobrang yabang. Ang yabang yabang niya, pero gusto ko siya.

Humarap na ako sa unahan at nakataas sakin yung pekeng kilay ni ma'am Johnson. Tagtagin ko yan eh!

"Last question Ms. Fernandez, what is the meaning of love?" Nakataas ang kilay niya sakin. Tumingin muli ako kay Clark. Ano? Clark yung isasagot ko? Eh siya lang naman kasi ang love ko. Haha. Tumingin na ulit ako sa unahan dahil baka mamaya sabunutan ako netong si ma'am.

Ano nga ba ang love? Eh di naman ako naka experience nun eh. Never in my life. Pero kahit na ganun nag-isip pa din ako. Until may nakuha na ako sa utak ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Love encompasses a range of strong and positive emotional and mental states, from the most sublime virtue or good habit, the deepest interpersonal affection and to the simplest pleasure." Lahat sila natahimik sa sagot ko. Eh kahit naman ako nag tataka kung san ko nakuha yung sagot na yun.

Nag lakad pauna yung teacher ko at humarap sa aming lahat pero sakin siya nakatingin. Psh. Mali na naman sagot ko, as always.

"To deep." Walang emosyong sagot niya. Tumungo na lang ako sa umirap say lamesa. Eh bat ako tinanong niya? Nerd ho kaya ako.

"Mr. Salvador ikaw, what is love?" Tanong niya kay Patrick. Masigasig na tumayo si Patrick at nakangisi pa. Yan si Patrick Salvador, kagaya ni Clark mayaman at respitado ang pamilya nila at kapag ganun syempre tropa mo si Clark Cuevas.

"Love is my gerlprend mam!" Sagot niya na nag patawa sa buong section C. Binatukan pa nga siya nila Kurt at halos mamatay katatawa.

"Parang nga! Dami mong chickababes 'eh!" Tawang tawa si Clark habang sinasabi yun. Napatingin ako kay ma'am at napa tawa din siya.

Putek! Mag rereklamo na talaga ako 'eh! Bat pag kalokohan pumapayag tong teacher na to!? Diba dapat nag tuturo siya ng magandang asal! Dapat kay Patrick siya magagalit eh dahil walang kasaysayan yung sagot niya. Pero ang nangyayari sakin siya nagagalit. Tangna! Papatanggal ko talaga tong walang kwentang teacher na to.

Inlove In OneWhere stories live. Discover now