Chapter 1

19 1 0
                                        

CHAPTER 1: DREAM


I' am here in the parking lot. Hinihintay na dumating si Tyron. Laging ganito ang gawi namin kapag uwian, hinihintay ko siya dito sa parking lot kasi ihahatid niya ako pauwi. Minsan samin na siya mag d-dinner at gagawa ng assignments.

Nandito lahat ng kotse ng Xavier's. Hindi ko naman sila makikitang lahat dahil unang umuuwi si Tyron kesa sakanilang apat kaya hindi ko sila nakikita at hindi nila ako nakikita.

Sana nga mag kakasabay na lang silang umuuwi para nakikita ko si Clark. Pero parang wag na lang din dahil paniguradong lolokohin na naman nila ako, lalong-lalo na si Clark. Hari ba naman ng pam-bubully yun sakin 'eh.

Hindi nag tagal ay dumating na si Tyron at nakangisi ang loko. Anong meron?

"Anong meron?" Tanong ko pagkalapit niya sakin.

"Wala. Naloko kasi namin yung teacher dun." Natatawa siya habang sinasabi yan, parang na-iimagine pa nga niya yung kagaguhang ginawa nila.

"Ano namang pinanloko niyo?" Sumakay na ako sa kotse at ganun din siya.

"Sinabi namin na pumayat na siya, Kahit na hindi naman. At akalain mo, naniwala siya! At ang maganda pa neto binigay niya samin Yung sagot sa quiz this week!" Napailing na lang ako at pinatakbo na niya yung kotse. Bat kailangan pa niyang mang-uto ng teacher para makuha yung sagot sa quiz eh matalino naman 'to.

"Badboy." Tumingin siya sakin at tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

"Hoy! Hindi po ako badboy no! Alam mo naman yung tunay kong ugali diba?" Pag dedepensa niya.

"Samin ka lang naman ni Julie mabait, pero sa iba.." tiningnan ko siya. "Gago."

"You know 'mah princess, sana pala lagi ka na lang mabait gaya sa school." Kumunot yung noo ko dahil dun.

"Mabait ho kaya ako!" Tumawa siya kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Di kaya!" Tsk. Alam ko na'to eh. Inaasar na ako ni loko.

"Mabait ako!" Pinipilit ko pa din. Di ako papatalo no! No way.

"Hindi kaya, ang kulit mo nga sa bahay 'eh!" Pang-aasar na naman niya.

"Lagot ka talaga saken!" Hinawakan ko yung manobela at binitawan naman ni gago.

"Sige, ikaw mag drive para forever na tayong patay." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Omo. Di pala ako marunong mag drive. Humarap ako kay Tyron at nakangisi siya sakin.

"Hawakan mo na yung manobela!" Utos ko pero nakangisi pa rin siya.

"Say sorry muna." Nakangisi niyang sabi. Ahhh! Ang kulit niya.

"Hawakan mo na!" Sigaw ko sakanya but still, nakangisi pa din.

"Sorry kooo?" Nang-aasar na talaga siya. I just rolled my eyes, I have no choice kapag hindi ako nag sorry mamatay kami.

"Sorry." Walang emosyon kong sabi na ikina-kunot ng noo niya.

"Gusto ko yung sincere." I just rolled my eyes again. Bakit ba ang kulit ng bestfriend ko? >_<

"Sorry na! Please..." Plus paawa effect.

"Ok. Ayos na." Napangiti ako dun at hinawakan na niya yung manobela at ako umupo na ng ayos.

Binanas ako dun 'ah. Grabe Yung pawis ko 'eh.

"Oh." May inabot na panyo sakin si Tyrone.

Inlove In OneWhere stories live. Discover now