Chapter 3

9 1 0
                                        

CHAPTER 3: HIS VOICE

May dumila sa mukha ko kaya nalimpungatan ako sa pag kakatulog ko. Pano nakaakyat si Chichi sa kama ko? >_<

Hinayaan ko na lang siya. Antok na antok pa ako eh, napuyat ako kagabi kaiisip dun sa panaginip na yun. Bakit ba kasi tumulog pa ako sa 7 eleven ayun tuloy, napamaginipan ko yun. Definitely, di ko alam kung magiging masaya ako dun sa panaginip na yon o malulungkot kasi sabi nga nila ang mga panaginip hindi nag kakatotoo. Tapos eto namang si Clark nilandi pa yung babaeng nakatambay sa 7 eleven. Double kill, ganon? >_<

Every time talaga na maalala ko yun, nasasaktan ako. I don't know why pero parang hanggang dito na nga lang talaga ako, sa pagiging isang nerdy Shane. Isang panget na nerd.

Tinakluban ko ang mukha ko dahil dinilaan na naman ako ni Chichi. Feeling ko hindi lang ako at ang aso ko ang tao dito sa loob ng kwarto ko. Kung sino man yung isa pang taong yun lagot talaga saken yun. Ang aga aga pumasok sa kwarto ko tapos gagambalain ako mula sa pag tulog ko?

Gusto ko ng imulat ang mata ko pero kapit na kapit parin talaga sila. Bat ba kasi nag puyat pa ako? Baka mamaya ma late na ako sa pag pasok ko.

Agad akong napaupo dahil sa gulat. Tiningnan ko ng masama ang walangyang lalaking tumalon sa kama ko dahilan para magulat ako.

"Ano bang ginagawa mo dito!?" Inis kong tanong. Nakangisi naman yung loko.

"Masama na bang gisingin ang prinsesa ko?" Nakangiti niyang tanong. Masama? Oo. Meron ba namang nang nanggigising na papadilaan yung mukha mo sa aso?

"Pumunta kaya ako sainyo at padilaan ko yang mukha mo kay Chow, tingnan naten kung hindi ka magalit." Chow, pangalan ng aso niya. Ewan ko sakanya isinunod sa pangalan ni Chichi eh.

"Sama yata ng gising mo." Iniba niya yung topic dahil alam ko namang ayaw niya ding madilaan yung mukha niya.

"Sino ba namang gaganda ang gising sa ginawa mo?" Inis ko pa ding sabi. Babawi talaga ako sayo Tyron Cuevas. Just, wait it.

"Dapat lang na gumanda gising mo no! Ikaw ba namang gisingin ng isa sa heartthrob sa school tingnan ko lang kung hindi ka kiligin sa pag gising mo." Pag-yayabang niya.

"Matagal ko ng kita yang pag mumukha mo kaya di na ako kikiligin." Asar ko naman. Mukha namang naging ok dahil naasar siya.

"Anong sabi mo?" Unti-unti siya tumayo at ako naman ay unti-unting umatras. Uh-oh. Hinabol niya ako at ang baliw ko dahil pader na pala yung masa likuran ko kaya ayun, nahuli niya ako at pinag kikiliti.

"Tama na! HAHAHA!" sigaw ko habang tumatawa. Putek naman to 'oh. "Oy! Hahahah! Ayoko naaa!---Whahaha tama n---hahahaha!---Tyrone! Hahahaha--- ayoko na!--hahaha."

"Say the magic word." Nakangiti niyang sabi habang ako naman tawa ng tawa.

"Hahahaha!---anooo!--haha!-- sorry na!" Nang masabi ko iyon ay tumigil na siya. Parehas kaming pagod na dalawa. Baliw ba naman neto. Nag katinginan kami at nag tawanan.

"Gising ka na ba?" Tanong niya at tumango ako habang hinahabol pa rin yung hininga ko.

"Sige na, maligo ka na. Baka ma late na tayo." Utos niya saka ako tinulungang tumayo. Dumeretso na ako sa CR ko at siya naman ay lumabas.

Habang naliligo ako ay napangiti ako. Alam niya talaga kung paano ako pasayahin, dahil sakanya panandalian kong nakalimutan yung panaginip kong yun.

Madali lang akong naligo dahil baka mamaya ma late kami. Nag bihis ako ng uniform namin at tinanggal ko ang contact lenses ko saka isinuot ang eyeglasses ko, hindi ko na rin sinuklay ang buhok ko. Ganito ang routine ko every day na papasok o lalabas ako ng bahay. Maaring pag nasa bahay ako ay ang ayos ko pero kung nasa labas ako para akong baliw. Hindi ko alam pero nasanay na lang talaga siguro ako. Humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.

Inlove In OneWhere stories live. Discover now