Aeirielle's POV
"Manong, papasukin mo na ako please. . .Black shoes din naman po 'tong suot ko ah. Tignan mo, oh. . . Kulay itim, 'di ba? " sabay pakita ng suot kong itim na rubbershoes. Ilang minuto ko na siyang kinukulit at naubusan na ako ng idadahilan. Nasira kasi kahapon yung blackshoes ko kaya napilitan akong pumasok ng naka rubbershoes.
"'Di nga pwede, Ineng." Naiinis na sagot niya. " Baka ako ang mapalitan 'pag hinayaan kitang makapasok."
"Please. . .po? Wala po ba kayong anak? Paano na lang 'pag sakaniya 'to nangyari tapos---"
"Wala akong anak. Kaya umalis ka na. Bumalik ka na lang 'pag may sapatos ka na."
Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa pagkayamot.
Nakasimangot na tinalikuran ko si manong guard. Total mukhang 'di niya talaga ako papasukin. Epic failed din ang mga palusot ko. Pero hinding hindi ako papayag na 'di ako makapasok. Mas gusto kong makinig sa boring na lecture ng mga teacher ko kaysa makinig sa lecture ni mama. Kung kailangan kong mag-over the bakod gagawin ko. Sa likod ako dadaan.
Agad akong napangiti ng makita ko yung hagdan na ginagamit ng ibang estudyante para makaakyat sa bakod.
Tiningala ko ang hindi gaano kataasang pader. Dito ako dumadaan 'pag nakakalimutan ko yung ID ko sa bahay at di pinapapasok ng guard. Hinagis ko muna ang backpack ko na halos walang laman maliban sa isang ballpen at notebook. Ewan ko kung guni-guni ko lang pero parang may narinig akong dumaing.
"Baka ilusyon lang. ." Bulong ko bago umakyat sa pader.
Mabuti na lang at naka-rubbershoes ako kaya hindi ako gaanong nahirapan. Di gaya pag naka blackshoes ako, dumudulas kasi yun. Mas maganda rin ang paglanding ko ng tumalon ako sa baba. Napansin kong di maayos ang pagkakasintas sa sapatos ko kaya umupo ako para ayusin.
Kukunin ko na sana ang bag ko ng matigilan ako dahil sa pares ng sapatos na nasa harap ko. Tumingala ako.
'Shit!' Pipi kong mura ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Mr.President . Of all people, bakit siya pa?
"What do you think you're doing, Ms. Arastea?"
Lumunok muna ako bago ako humarap sa kaniya. Kapag minamalas ka nga naman oh. Kung sino pa yung ayaw kong makahuli sakin siya pa yung nasa harapan ko ngayon.
" A-ano kasi. . . Kanina ka pa ba riya?"
Langya! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? At bakit ba ako nauutal? Umagos ka self. Isang maling sagot mo lang pareho tayong malilintikan.
" Long enough para tamaan ng bag mo at makita ang ginawa mo. Now.. . .answer me." Sagot niya habang titig na titig sa akin.
I rolled my eyes. Nakita pala niya yung ginawa ko, bakit pa siya nagtatanong?Psss. . .
"Nakita mo naman pala, eh. Bat nagtatanong ka pa?"
"At sumasagot-sagot ka na ngayon, ha?" He asked in an amused tone.
"Nagtatanong ka, 'di ba?"
"Ba't diyan ka dumadaan?"
"Kasi 'di ako pinapasok ni guard" I said as a matter of fact.
"And why?"
"Baka kasi wala akong blackshoes"
"Nasaan yung blackshoes mo?"
"Nasa bahay!"
"Bakit nasa bahay?"
"Sira. At nasa bahay namin, wala sa bahay niyo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/189037879-288-k329824.jpg)
BINABASA MO ANG
The Queen of Bitterness
Hài hướcCyeryn Wyx Magsaysay is a man with ill- mannered, but despite of his rude attitude, almost everyone admired him, praised him and respected him. Who wouldn't? He's rich, smart, talented and incredibly handsome. He's almost perfect! Plus the fact that...