Tiningala ko ang 'di gaanong kataasang kulay chocolateng gate ng City High bago ako tuluyang pumasok. Hindi ako sinita ng guard kahit ibang uniform ang suot ko. Well, suot ko pa rin ang uniform ko dahil tumakas lang ako sa school dahil may bibisitahin ako dito na importanteng tao. Sa sobrang importante niya parang gusto kong yakapin ang leeg niya ng mahigpit para mamatay na siya. Ang sweet ko, 'di ba? Pss. . .Hindi ko pinansin ang ilang estudyante na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro sila kung anong ginagawa ng taga Clark Academy dito sa school nila at kung paano ako nakapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ng school ang magpapasok ng 'di estudyante dito not unless may pahintulot ng may ari ng school. Alam ko 'yon dahil dito nagtratrabaho si mama bilang principal.
"Good afternoon, Mrs. Castillo!" Masiglang bati ko sa may ari ng school at sumabay sa kaniyang maglakad papunta sa Principal office. Alam Kong sa Principal office ang punta niya dahil 'yon lang naman ang nag-iisang building dito sa tinatahak namin.
Si Mrs. Castillo ang may ari nitong school. Kaya nga nakakalabas masok ako dito kung kilan ko gusto dahil bukod sa Principal dito si mama magbestfriend din sila.
"Good afternoon too, L. Ilang ulit ko bang sasabihin na ninang na lang ang itawag mo sakin. Parang 'di ko bestfriend ang mama mo at parang 'di ako nagninang noong bignyag mo."
"Fine. Baka 'di mo na ako papasukin sa susunod na punta ko dito." Bero ko na ikinangiti niya.
"Napadalaw ka? Wala ka bang klase ngayon?"
"Meron po. Boring kaya tumakas muna ako. Balak kong mang-hunting dito sa inyo." Sagot ko at nginitian siya. "Mukhang maraming gwapo!"
Napailing na lang siya sa sagot ko.
"You never change. Hanggang ngayon mahilig ka pa rin mag-cutting classes. Balita ko may boyfriend ka na raw sabi ng mama mo, gwapo ba?"
Alanganin akong ngumiti at napakamot sa ulo. "Si mama talaga ang chismosa."
Natawa siya sa sagot ko at ginulo ang buhok ko. Kung 'di lang ako sanay baka kanina ko pa siya namura. Nakakapagod kayang mag-ayos ng buhok.
"Hayaan mo na lang ang mama mo. Masaya lang 'yon dahil sa wakas nakamove on ka na kay Le---"
"NINANG!!"
"What? May nasabi ba akong mali?" Patay maligayang tanong niya, pero halata naman sa mata niya sinadya niyang i-bring out ang tungkol kay Lennox. Di na ako nagtaka kung bakit pati ang tungkol kay Lennox alam niya.
"We're here!" She announced and opened the door.
Naabutan namin si mama na masyadong occupied ng binabasa niya. Ni hindi man lang niya napansin na pumasok kami.
"SUNOOGGGG!!!!" Sigaw ni ninang.
Nabitawan ni mama ang binabasa niyang papel at mabilis na napatayo sa kinauupuan niya at nagsisigaw ng 'may sunog! May sunog!'
Pinigilan kong 'di matawa sa reaksyon niya dahil baka mapalayas ako bigla, pero si ninang lantaran kung humalakhak. Halatang enjoy na enjoy siya sa pangtritrip kay mama na ngayon ay halos lumabas ang eyeballs sa sama ng tingin kay ninang.
"What? Di ko kasalanan kung may kaibigan kang kauri mong parang takas mental!" Depensa ko ng sakin mabaling ang tingin niya.
Honestly, hindi na ako nagulat sa ginawa ni ninang dahil halos lagi itong nangyayari at kundi si mama ang biktima si ninang kapag pinupuntahan siya ni mama sa office niya.
Mom took a deep breath and calm herself. Napapailing na lumapit siya sa mini refrigerator na di gaanong kalayaan sa table niya at naglaba ng coke in can para sa aming tatlo.
BINABASA MO ANG
The Queen of Bitterness
HumorCyeryn Wyx Magsaysay is a man with ill- mannered, but despite of his rude attitude, almost everyone admired him, praised him and respected him. Who wouldn't? He's rich, smart, talented and incredibly handsome. He's almost perfect! Plus the fact that...