Chapter Six

43 9 3
                                    


"WHAT THE FUCK!? WHAT DO YOU WANT FROM ME, HA?! SAAN NIYO BA AKO DADALHIN?!MORONS!!ANSWER ME!!" Kanina pa ako sigaw nang sigaw pero parang baliwala lang dito sa tatalong kidnapper ko.

Sinusubukan kong tanggalin ang kamay ng kambal na nakahawak sa magkabila kong kamay, pero agad din naman akong tumigil ng maramdaman kong wala akong pag-asang makawala sa pagkakahawak nila. They are too strong for me.

Ang huling natatandaan ko, naglalakad ako papunta sa palengke ng biglang may magandang kotse ang tumigil malapit sakin tapos may gwapong kampal na bumaba at pilit akong isinakay sa kotse.

Aba, kahit naman gwapo ang mga kidnapper ko ayaw ko pa ring sumama 'no! Yes, opo! Supper gwapo ng mga kidnapper ko.Walang wala si Lennox sa kalingkingan ng dalawang 'to at ng nasa driver seat na kanina pa walang kibo unlike these two na parang Aso't Pusa kung magbangayan. Akala mo parang hindi kambal, eh.

"Miss, kung ako sayo 'di na ako pipiglas dahil masasaktan ka lang. Baka malintikan kami kapag nagkagalos at nagkapasa ka. " Sabi ng lalaki na nasa kanan ko.

"Eh, tarantado ka pala! Sinong matinong nakidnap ang ayaw makawala sa kidnapper niya, ha?! Vovo lang, kuya?"

"Spell vovo! L.U.C.I.E.L" Natatawang sabi ng isa sa kambal na nasa kaliwa ko.

"Leche ka Seven! Mamaya ka sakin! Babangasan ko yang pangit mong mukha, tignan ko lang kung magawa mo pang tumawa kapag pumutok na yang labi mo, tangina mo!"

"Mukha mo, gago! Kung pangit ako pangit ka rin! Iisa lang tayo ng mukha!"

"Mukha mo rin! 'Di hamak naman na mas makinis at maputi ang balat ko sayo. Tignan mo yang mukha mo para kang humithit sa kapal ng eyebags mo!"

"Hoy Ciel! Hindi ako kagaya mo na parang babae kung alagaan ang balat niya. Eh, kahit naman anong beauty product ang gamitin mo mas gwapo pa rin ako kesa sayo! Nagsasayang ka lang ng pera. 'Buti pa ako natural ang taglay kong kagwapuhan." Mahangin na saad ng tumawag nitong isa na Seven.

Sa daldal nitong dalawa alam ko na kung anong pangalan nila.

Natigil lang sa pagbabangayan ang dalawa ng marinig nila ang pagring ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Agad itong kinuha ng nasa driver seat at sinagot ang caller at ni-loud speaker para siguro marinig nitong kambal.

"Grandma"

'Forth, are you with her?'

"Yes grandma we're with her right now."

'Is she okay? Siguraduhin niyo lang na wala yang galos at pasa pagdating dito kundi pare-pareho kayong malalagot'

Saglit kaming sinulyapan ng tinawag ng kabilang linya na "Forth" bago ulit tinuon ang atensyon sa daan.

"Sinigurado kong wala siyang galos pagdating niya d'yan, pero dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kaniya nina Seven at Ciel mukhang malabong wala siyang pasa."

"Gago ka Forth! Bakit mo sinabi!?" Bulyaw sa kaniya ni Ciel.

Agad siyang binatulan ni Seven "Ay Vovo nga! Kahit hindi naman niya sabihin makikita rin naman niya mamaya!"

"Mas VOVO ka! Aren't you worried? Baka pareho tayong sa ospital pulutin!"

'Tell them to let her go. I need to go. Bye'

"Sige, sasabihin ko." Binalik ni Forth sa dashboard ang phone niya pagkatapos ng tawag at sinulyapan ulit kami." Bitawan niyo na siya. If she'll try to escape then push her out of this car ng magkalasug-lasog ang katawan niya."

The Queen of Bitterness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon