Chapter Seven

19 5 1
                                    

"Love is there when both person are more concerned for the other than for one's self"_Unknown

Cyeryn Wxy POV

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid ko. Kahit nakapikit alam kong nakabukas ang tv dahil sa ingay na hatid nito ngunit hindi 'yon ang gumising sakin kundi and dalawang tao na nagtatalo. Familiar ang boses ng mga ito kaya kahit nakapikit kilalang kilala ko sila.

Binuksan ko ang mga mata ko at bumangon sa pagkakahiga at mariing hinawakan ang ulo ko na parang binibigyak sa sobrang sumakit. Shit!

Hinanap ko ang mga boses at bumungad sa akin sina Ciel at Seven na nakaupo sa sahig at tuloy pa ring nagbabangayan kung sino ba ang mas malakas kina Goku at Vegeta. They are currently watching DragonBallZ that air in the famous netwroking site. I also saw Fourth on the sofa, crossing his legs while reading his book not minding his siblings. Nagulat ako ng dumapo sa katapat niyang sofa ang paningin ko. A familiar girl was sitting there while holding scisor in her right hand and cutting something. Nagkalat sa harap niya ang ilang bondpaper at coloring materials.

What the hell? Anong ginagawa niya dito?! At anong ginagawa niya?! I groaned ng biglang sumakit ulit ang ulo ko kaya sabay sabay silang napatingin sa gawi ko.

Agad na tumayo ang kambal at mabilis lumapit sa akin.

"Tol, akala ko balak mo nang palitan si Sleeping Beauty sa pagtulog." Pang-aasar sakin ni Seven ng tuluyan na silang makalapit sa'kin ng kambal niya.

"Lalaki pala si Sleeping Beauty. Akala ko babae siya?" Ceil asked with Confusion. Tumingin sa kakambal niya na tila humihingi ng kasagutan.

"Stupid! Sleeping Beauty is a girl! Hindi mo ba napanood 'yon? Saang planeta ka ba nanggaling ha?" Signal ni Seven sa kakambal. Halata ang inis sa kainosentehan ng kakambal.

"I see. . You mean hmm. . ." He was holding his chin like he was in a deep thought. Napansin kong hindi lang kami ni Seven ang naghihintay sa susunod niyang sasabihin kundi pati na rin si Aeirielle ay nakatingin sa gawi namin.

"Aha!" Bigla niyang sabi na parang may naisip na napaka gandang idea "kung balak palitan ni Wyx si Sleeping Beauty ibig sabihin bakla si Wyx? Kasi diba babae si Sleeping Beauty?! Ang talino ko talaga! Very good ka Seven!" Sabay sabay kaming napairap dahil sa sinabi niya.

" Stay away from me Ciel bago ka pa manghirap ng mukha sa aso." I warned, took a deep breathe and shook my head in his ridiculousness. Minsan ay hindi na nakakatuwa ang ganito niyang ugali, hindi ko tuloy alam kung slow ba talaga siya o ginagago lang niya kami.

"Hala! Pano ko mahihiram yung mukha ng aso? Babalatan ko yung aso? Wag ganon! Baka ikamatay niya" sunod-sunod nitong iling habang nakasimangot.

Kitang kita ko kung paano napatampal si Aeirielle sa kaniyang noo na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Ibinaba niya ang hawak niyang gunting at naglakad papunta sa direksiyon ko. Hinila niya ang upuan na nasa study table papunta sa gilid ng kama ko at seryoso akong tinignan.

"How do you feel?" She asked and reached for my forehead. Halata sa boses nito ang pag-aalala "mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo." Sabi niya at inalis ang kamay niya sa nuo ko.

Saglit akong natigilan habang nakatingin sa kaniya. At tulad ng madalas na nangyayari pag malapit siya sakin, bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala sa loob ng kinalalagyan niya.

I took a deep breathe to calm myself. "I feel better now. Why are you here?"Nangunot ang noo ko ng makita ko ang suot niya."Pumunta ka dito na nakaganiyan lang?" Nakasuot ito ng maong short na kulay itim na hanggang tuhod at may pares na maluwang na T-shit na halatang panlalaki dahil sa laki at luwang nito. Nakatsinelas din siya. Pero kahit nakapambahay maganda pa rin siyang tignan.

The Queen of Bitterness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon