Umpisa na ang tag ulan. Eto yung panahon na ang bukambibig ng mga tao eh 'Kelan kaya aaraw?'
Pagkatapos ng sobrang init na panahon at noon ang laging tanong nila ay 'Kelan kaya uulan?'
Ano nga ba talaga ang gusto nilang weather?
Hayst.
Bat ba ganto ang naiisip ko ngayon.
Pero kung ako ang papapiliin, ayoko ng tag ulan.
Iba yung pakiramdam ko. Yes it's refreshing pero para kong tinatamad at nalulungkot.
Nakatanaw ako ngayon sa bintana ng classroom namin habang iniintay naming lahat kung may teacher pa bang dadating.
Nasa second floor ang room namin, at nakaupo ako sa part na kita ang sports complex na katabi ng school namin.
Sobrang lakas ng ulan. But then hindi nag suspend dahil mataas ang lugar namin.
Nakapangalumbaba ako habang pinapanuod ang pag buhos ng ulan.
Ang emo ko no. Hayss ito ang hirap pag nasa ibang strand ang kaibigan, ang layo pa ng room niya. Yung mga lagi ko namang kasama na kaklase ko, lumayo muna ko. Wala kasi ako sa mood makipag usap ngayon.
Aist naiinis ako. Ayoko talaga ng pakiramdam na umuulan.
Ang boring.
Ilang minutes pa at nag bell na nga.
Sa wakas!
Dali dali kong kinuha yung bag ko at nagpaalam sa tatlo. Bumaba na ko at binuksan yung bag ko para kunin yung payong ko.
Napahawak na lang ako sa noo ko.
Bakit ngayon pa!
Hiniram nga pala nung isa kong teacher kanina. Langya malayo din ang faculty niya.
Pano naaaaaa.
Dahil mas malapit ang gate ng school, nagpasya na lang akong takbuhin yon, may waiting shed naman sa labas at don na ako mag iintay ng tricycle.
Para na kong basang sisiw nung pagkasilong ko.
Pag minamalas nga naman. Walang masakyan, puro puno.
Yung mga studyante naglalakad na lang at nakikipag unahan sa dadaang tricycle or jeep.
Buti pa sila may payong.
Halos ako na lang ang naiwan dito. Makakaalis pa ba ako dito.
Mukha pa namang hindi titila ang ulan.
Umusad ako sa gilid nung may grupo ng studyante na sumilong. Mga Stem base sa tshirt nila.
Nung nagpasya sila na lalakarin na lang nila papunta sa may footbridge kung saan yung sakayan (which is sobrang layo) umalis na sila.
"Guys sa kabilang way na lang ako dadaan, mas malapit samin"
I know masama makinig sa usapan ng iba pero ang lakas kaya ng boses nila.
"Sige pre. Ingat"
Binuksan muli nung guy yung payong niya.
Nakikita ko sa peripheral ko, wag kayo haha di ako sanay tumingin sa ibang tao ng matagal. Baka kung ano pang isipin.
Owkay. Again mukhang ako na lang uli ang matitira dito.
Umalis na siya sa gilid ko.
Pero tumigil siya sa harap ko.
Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang din siya sakin kaya umiwas ako ng tingin at umusad sa kabilang side ng waiting shed.
"Miss"
Tumingin uli ako sa kanya.
"Wala kang payong?"
Gusto kong sumagot na 'obvious ba?'
Pero ayokong maging rude. Im a Humss student haha maisingit lang eh. Proud to be.
"Hiniram ng teacher ko, mukhang nakalimutan ibalik"
"San ba way mo?"
Napaisip ako. Hindi ko siya kilala kaya sasagutin ko ba.
Pero way lang naman tinatanong, hindi kung san mismo ako nakatira.
Tinuro ko yung kaliwang side namin.
"Dyan din ang way ko, kung gusto mo sabay ka na sakin"
Napatingin ako sa I.D niya.
Buti na lang malinaw mata ko kaya nabasa ko ang full name niya. Saka schoolmate ko naman kaya okay lang siguro na makisabay ako sa kanya.
Para makaalis narin ako dito.
Tumango ako at nakisilong sa payong niya.
Medyo awkward for me, dahil hindi ako sanay na may kasamang lalaki at kaming dalawa lang.
Hindi siya nagsasalita at busy sa pagpapara ng tricycle. Yung jeep kasi puro sa kabilang side papunta.
Eto yung nakakainis pag sasakay ka. Kapag kailangan wala, kapag hindi ang daming nag aalok, minsan nga kakababa mo lang sa isa may mag aalok na naman na iba.
Ang layo na ng nalakad namin bago kami nakasakay.
May kasabay pa kami na tatlo sa isang tricycle. Punuan talaga.
Umangkas siya sa likod while me sa may maliit na upuan sa loob. No choice.
Nagpara na ko at nagbayad sa driver nung padaan na sa kanto ng street namin.
Kung ako lang mag isa, ipapapasok ko sa street kung san ako nakatira pero dahil may mga kasabay ako, hanggang kanto lang.
Nag thank you ako kay kuyang taga Stem bago maglakad ng mabilis palayo.
Basang basa na pati bag ko.
"Wait Miss!"
Bumaba siya at lumapit sakin.
Langya hindi ako sanay sa mga gantong moments.
Hawak niya yung payong at sinilong ako.
"Hiramin mo muna to. Mukhang mas kailangan mo"
"Hindi na. Okay na ko. Malapit narin naman ang bahay ko"
"Sige na. Eto. Bye"
Kinuha niya yung kamay ko at nilagay yung hawakan ng payong niya bago siya tumakbo pabalik sa tricycle.
I don't know how to react.
Bihira lang ang ganong tao.
I thought sa mga movie lang yung gantong pangyayari.
Bago umandar yung tricycle. Tumingin uli siya at ngumiti.
"Babalik ko din sayo bukas! Thank you!!"
Sigaw ko at naglakad na bago pa lumakas lalo ang ulan.
BINABASA MO ANG
He Who Passed By (Completed)
Teen FictionSa buhay, marami tayong nakakasalamuha at ang dami nating nakakasalubong sa bawat araw. May mga taong papunta sa kaliwa natin, sa kanan, sa likod, at may nakakasabay tayo papunta sa isang direksyon. Hindi natin alam kung sino sa kanila ang magiging...