HWPB 22

8 11 1
                                    

It's Valentine's Day and also Senior's Night.

Ang theme ng Prom is Starry Night. Nakaka proud na ito yung napili ng school kasi sobrang ganda lalo na ngayong almost midnight at pinatay saglit ang ilaw bago gawing dim light.

Simpleng below the knee na blue na may halong black ang dress na suot ko with glittering stars all over of it.

Di ako sanay na nakikita ang kili-kili ko at gusto ko makakilos ng ayos kaya ang napili ko may sleeve and hindi sobrang fit yung dress.

Pinartner-an ko din ito ng Korean high cut boots with hidden wedge na kulay blue din.

Sakto yung theme dahil favorite color ko din ang blue.

Puro kumikinang na bagay ang buong venue. Sa stage naman ang literal na design ay yung art ni Van Gogh. May malaking bright crescent moon din na pwedeng upuan and maliliit na stars sa ceiling.

Black and white naman ang mga lamesa at upuan.

Kaya ganto ang outfit ko unlike sa iba na mahahabang gown ay dahil isa ko sa tutugtog mamaya. Kada strand kasi may band na representative and napili ako ng Humss na maging vocalist, sa Humss A naman ang drummer, at yung ibang members ay from Humss C and D.

Last week lang kami nabuo, para lang talaga sa event na to.

Honestly di swerte ang batch namin kasi ngayon lang namin naranasan ang magkaron ng Prom.

Pero I can say na sobrang swerte namin ngayon dahil natuloy na sa wakas. And Im so blessed dahil ang ka partner ko pa ay si Aiden.

Saktong 12 mn nung nag start na sumayaw ang lahat after ng cotillion.

Pumunta na sa gitna yung mga kasama ko with their partner.

Maya maya lang din lumapit na si Aiden sa table kung nasan ako after nya puntahan yung mga kaibigan nya.

Bigla na lang akong napangiti nung may dala siyang maliit na bouquet of blue roses mula sa likod nya.

Inabot nya sakin yon at dahil don hindi ko na talaga napigilan yung paglaki ng ngiti ko.

"Maaari ka bang maisayaw Binibini?"

"Oo naman Ginoo"

Binaba ko muna sa table yung bouquet saka ko inabot yung nakalahad nyang kamay.

Ang unang music na pinlay ay instrumental na nakapagpadagdag lalo sa nakakarelax na atmosphere dahil sa ganda ng paligid.

Nung nasa gitna na kami biglang pinagpawisan yung kamay ko kahit malamig naman dito.

Kinakabahan ako na ewan. It was our first Prom and Aiden was my first dance. I mean hindi lang dito but in my 18 years of existence. Nung debu ko kasi wala namang 18 chuchu dahil mas pinili ko ang magkaron ng VIP ticket sa concert ng Super Junior dito sa Pinas last year.

"Uhm skl, di ako sanay sumayaw ah so bear with me"

"No problem Lili"

Lumingon ako sa paligid nung nakatingin siya sa mata ko.

Nakakailang.

"Sabay ka lang sakin para di tayo magkaapakan"

Tumingin ako saglit sa kanya saka tumango.

Aist ang hirap talaga para sakin ang masanay sa eye contact.

Ang sumunod na music ay Best Part of Me ni Ed Sheeran.

Almost at the end of that song, sinabayan nya yon.

"'Cause, baby, the best part of me is you
Whoa, lately, everything's makin' sense, too
Baby, I'm so in love with you
With you

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon