"Lili !"
Binilisan ko yung lakad ko.
"Lili !!"
"Oy sandali, ang bilis mo maglakad!""Bakit? Late na ko"
"Sus lagi ka namang late haha"
"Nakakatamad kasi ang 6am na pasok"
"Umagang umaga badtrip ka"
"Una na ko. Bye!"
Aist hirap mag act na parang normal lang ang lahat.
"Sandali lang. Bakit di ka nag reply sa mga message ko kagabi?"
"Busy kasi ako"
"Di ka man lang nag chat na naka uwi ka na pala, pumunta ko sa room nyo pero wala ng tao"
"Pumunta rin ako sa room nyo pero wala ng tao"
"Anong oras ba kayo pinalabas?"
"12:10"
"Himala maaga ah. Nasa gym pa ko non eh, pinuntahan ko lang saglit si Yvonne"
I know.
"May sasabihin ka pa ba. Mas lalo kong male-late dahil sayo eh"
"Sungit naman"
"Hi Haeli! Good morning Trev!"
"Hi"
"Good morning"
Aiden kissed her cheek.
Again. Sa harap ko na naman.
"Oy pumunta ka pala sa gym kahapon?"
Hayst.
Pano nya nalaman.
"Sinabi lang sakin nung ka member ko. Kilala ka non eh"
"Uhm...oo tatanong ko sana kung alam mo kung nasan si Aiden"
"Sinabi ba nya kung nasan ako?"
At dahil hindi ako sanay magsinungaling.
"Oo. Sabi nya nasa cr ka"
Nagtinginan silang dalawa.
I am quite, but Im not blind.
Napansin ko yung pag smirk ni Yvonne nung inalis ni Aiden yung tingin sa kanya. Kahit saglit na saglit lang yon, malinaw sakin.
"Uhm Vonne. Tara hatid na kita. Male-late na si Haeli"
I can feel na naiilang si Aiden.
"Ikaw kasi Trev, mag text or chat ka man lang kay Haeli kung nasan ka. Sorry Haeli ah. Napagod ka siguro sa paghahanap kay Aiden"
"No. Okay lang. Sige ah late na kasi ako"
Ang plastic ng ngiti ni Yvonne. Nakakapang-gigil.
Tumingin ako sa mata ni Aiden.
Ngumiti lang ako bago tumalikod.
I think plano to ni Yvonne. At walang kinalaman si Aiden.
I know dahil nabasa ko sa mata ni Aiden.
Nakakainis!!!!!
Bat kasi ang dali kong magtiwala!
Akala ko mali lang ang first impression ko kay Yvonne. Pero hindi. Mas malala pa pala.
Hindi na ko nadala. Ilang beses na kong nagtiwala pero sinasayang lang ng mga taong yon.
Akala ko okay sila. Pero kabaligtaran.
**
Breaktime and nag online ako to search something. Pero dapat pala hindi ko na lang ginawa.
May message si Yvonne and di ko sinasadyang napindot yung chathead.
Kanina pa to nung pagpasok ko sa room base sa oras.
"Skl. Kakahatid lang sakin ni Trev. Inggit ka noh? Haha."
Di ko na lang nireplyan.
Nonsense tsk.
Nag log out na ko at lumabas para pumunta sa library.
Tatambay lang. Ang ingay sa room eh. Sila Athaliah naman busy sa pagpa-practice ng Cariñosa with their group mates sa gym.
Luckily tapos na kami ng mga ka group ko.
Naghahanap ako ng pwedeng maging props na kunwari binabasa ko nung biglang may nagsalita sa likod ko.
Panira talaga ng araw.
"You know what Haeli. Pasalamat ka nagpakatotoo na ko sayo. Ang boring kasi makipag plastikan sayo, walang thrill. Mas better ngayon haha"
Pinagpatuloy ko na lang yung paghahanap ko ng book.
Pati ba naman dito sa library makikita ko siya.
Wala ata siyang magawa sa buhay nya.
"Snobber eh?"
"Bakit?"
"Bakit ang ano?"
"Bakit mo to ginagawa?"
"Bakit ko to ginagawa? Para ma-realize mo na sakin si Trev, at ikaw kaibigan ka lang niya. Alam ko na may feelings ka sa boyfriend ko. So girl, you should stop it. Dahil akin siya"
Sobrang hirap mag timpi sa totoo lang. At simula ng nag Humss ako ang dami ko munang iniisip bago gawin ang isang bagay, o kung dapat ko bang gawin yon.
Pilit kong inuunawa yung mga bagay bagay lalo na yung mga tao sa paligid ko kung bakit sila ganon.
At natutunan ko din na ipahayag kung ano ang gusto kong sabihin.
Pero ngayon, nahihirapan akong intindihin ang babaeng to.
Ang hirap pigilan ng sarili ko sa gusto kong sabihin dahil alam kong baka makasakit ako. Pero pag itong babaeng to ang kaharap. I can't stop myself.
"Thats it? Wow. Natatakot ka bang mawala siya sayo dahil lang sakin? Ano bang ginawa ko? Inaagaw ko ba siya sayo? At anong sabi mo, 'sayo' lang siya? Bakit kasal na ba kayo? Tss masyado ka atang advance? At isa pa sabi mo nagpapakatotoo ka? Sorry but not sorry pero nagpapakatotoo lang din ako"
"Bwiset kang babae ka!"
Bago pa nya ko masampal. Umalis na ko sa harapan nya.
Wala atang librarian ngayon, ang ingay nung isa wala man lang sumaway.
BINABASA MO ANG
He Who Passed By (Completed)
Teen FictionSa buhay, marami tayong nakakasalamuha at ang dami nating nakakasalubong sa bawat araw. May mga taong papunta sa kaliwa natin, sa kanan, sa likod, at may nakakasabay tayo papunta sa isang direksyon. Hindi natin alam kung sino sa kanila ang magiging...