HWPB 2

24 13 1
                                    

"Oy Haeli san ka pupunta?" - Athaliah

"Kain muna tayo" - Tine

"Mahaba pa naman yung vacant, may pupuntahan lang ako saglit"

"Nagugutom na kami. Hindi ako nag almusal tas four subjects pa na sunod sunod kanina" - Angennelle

"Una na kayo. Sunod na lang ako"

"Sige sunod ka na lang. Don parin sa dati" - Tine

"Okie"

Bumaba na ko at pumunta sa building ng Stem with ABM.

Isasauli ko na yung payong ni Kuyang Stem. Nakakahiya naman baka kailanganin na niya.

8 sections sila. Ang problema hindi ko alam kung anong section siya. Name niya lang ang nakita ko sa I.D niya kahapon.

Nasa second floor ang Stem. Umakyat ako at nagtanong sa unang room na nadaanan ko.

Sa isang student lang naman. Buti wala silang klase. Hindi pa naman ako sanay na nage-excuse.

Imbis na sagutin ako nung babae, pumasok uli siya at sinigaw yung name ni Kuyang Stem na nagpahiram sakin ng payong.

Nice. Dito pala room niya. Hindi na ko mahihirapan maghanap.

"Oy Aiden Trevor Teodoro, may humahanap sayo!"

"Oy pre may dalaw ka hahhaha"

"Pre sino yan?"

"Girlfriend mo ba yan pre?"

Tsk mga kaibigan nga naman.

Parang hindi Stem ang nandito sa room nila. Parang Arts and Design dahil sa inggay nila sa pagkanta, may sumasayaw pa, at pumupukpok sa mesa.

Pero ganyan din kami minsan hahah sa ganyan lang kasi kami sumasaya dahil sa daming schoolworks na kailangan gawin sa araw araw lalo na pag walang absent sa mga teachers namin.

Yung kaklase ko ngang gay laging may dalang speaker na may microphone at nagco-concert sa room, minsan naman parang host sa gay bar haha. And then yung iba nagdadala ng gitara.

"Mga ulol. Manahimik nga kayo dyan haha"

"Talaga lang pre eh ikaw nga pasimuno ng inggay dito"

"Burn haha"

Nakakatuwa sila. Halata kay Kuyang Stem na friendly siya. Mukhang close niya lahat ng kaklase niya.

"Yow"

At feeling close din siya.

"Ito na nga pala yung payong oh. Thank you so much"

"May lakad?"

"Huh?"

"Nagmamadali ka eh haha. Hindi joke lang. No problem, maliit na bagay"

"Sige salamat uli"

Umalis na ko at sumunod kila Athaliah sa place kung san kami laging kumakain.

"San ka ba galing?" -Tine

"Sa Stem"

"Hala. Bat di mo agad sinabi! Sumama sana ko" -Tine

"Nako nako" -Athaliah

"May gusto ka lang makita eh" -Angennelle

"Hahaha sabi nyo gutom na kayo eh"

"Anong section pinuntahan mo?" -Athaliah

"Uhm ano nga ba. Hindi ko alam haha pero hindi yon section C dahil wala don yung crush ni Tine"

"Ssshhh wag kayong maingay" - Tine

"Hahahah lagot ka sa jowa mo pag nalaman yon"  -Angennelle

"Sshh na. Kain na tayo" -Tine

Natawa na lang kami kay Tine. Yan hirap pag hindi single eh.

**

Talagang nag suspend na ang klase dahil sa dalawang araw na pag ulan.

Sobrang boring.

Mag isa lang ako sa kwarto at nagse-cellphone habang nakahiga.

Hindi ako makapanuod ng t.v dahil hindi ko rin lang maririnig dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Kanina ko pa ini-istalk ang Super Junior sa Instagram at sa page ng ibang members sa fb.

Nag sh-share din ako ng mga post ng mga ka fandom ko about sa update sa SJ dahil wala naman akong maka chat. That's the life of a single at hindi famous.

Biglang may lumabas sa notif ko sa fb.

Aiden add me?

Kilala niya ba ko? Ah siguro nakita din niya sa I.D ko.

80+ mutual friends huh.

I accept his request at tinuloy ko ang ginagawa kong pag share ng mga updates about SuJu.

Nag vibrate uli yung phone ko at may chat head na lumabas.

Si Kuyang Stem again.

Nag wave lang naman. At dahil hindi ako famous, I waved back.

Nung malo-lowbat na ang phone ko. Pinatay ko na yung data ko at nag charge.

Sobrang boriiiinnngggg. Wala kong magawa dahil tapos ko nang gawin ang gawaing bahay at schoolworks ko kanina.

What to do.

Ay wait. May biglang pumasok sa isip ko na scene. Parang gusto ko tuloy gumawa ng short story.

Kinuha ko yung notebook ko kung saan nakalagay yung mga poems at lyrics na ginawa ko.

Dito ko muna isusulat. Try ko lang.

Since grade 6 libangan ko ang gumawa ng story. Pinupublish ko kahit sobrang konti ng nagbabasa. I just want to share my imagination through this. Pero pag may mga sumusuporta, sobrang saya ko na kahit bilang lang sila.

Nakakalungkot yung panahon pero dahil sa pag ulan biglang gumana ang imagination ko haha.

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon