HWPB 25

23 12 3
                                    

Kakakuha ko lang ng card ko nung nakasalubong ko si Aiden sa corridor.

"Lili!"

"Oh kamusta grade?"

"Okay naman. Isa lang line of 8"

"Wow sana all"

"Sayo ba kamusta?"

"Line of 8 Phy Scie. Hays pag may kinalaman talaga sa math mahina ako"

"Then?"

"Yon lang naman panira. Kainis"

"Sana all daw pero isa lang din pala line of 8 eh. Good job Lili!"

"Kelan nga pala entrance exam mo dito sa univ malapit satin?"

"Uhm. Ikaw ba kelan? Tara punta muna tayo sa Garaje, nagugutom ako eh"

Tumango ako at sinabayan siya maglakad.

Hindi ba siya nag almusal? Ang aga gutom agad.

"Next week exam ko"

"Yon lang ba univ na pag e-entrance exam mo o nag try ka pa sa iba?"

"Yon lang. Ayoko lumayo eh. Saka may extension naman yung univ sa iba't ibang lugar dito na malapit lang din"

Tumango tango naman siya.

Napakunot ang noo ko. Bat parang ang weird nya ngayon.

"So kelan nga exam mo?"

"Hindi ako sa univ dito mag aaral eh"

"Mag u- U.P ka ba?"

"Hindi"

Tumigil siya sa paglalakad saka tumingin sakin.

"A-ano. Kaya gusto kita makausap kahapon kasi may sasabihin ako"

"Ano yon?"

I suddenly felt uneasy.

May kutob ako pero hinihiling ko na sama mali yon.

"Sa isang araw na entrance exam ko"

"Saan nga?"

"S-sa... sa States"

Parang biglang tumigil lahat ng nasa paligid ko.

"Sa States na kami titira ni mama. Kaya don na ko mag c-college"

Nakakapanghina.

Gusto ko itanong na 'Bakit sure ka bang makakapasa ka don?'

Pero no. Para kong tanga non. Di lang naman isa ang univ don. Saka si Aiden pa, ang talino nya kaya.

Pero argh! Nararamdaman ko na yung pag init ng mata ko at ang nagbabadyang luha.

"B-bat naman b-biglaan?"

Napatingin ako sa langit para pigilan yung luha ko.

Kumukulimlim na naman.

Nakikisama na naman ang panahon sa nararamdaman ko.

"Last week lang sinabi sakin ni mama, at inayos na pala nya lahat para don na kami for good"

"B-bat ngayon mo lang sinabi?"

Napatingin ako sa kanya kasabay ng pag unahan ng luha ko na akala ko napigilan ko na.

"Nung... nung nalaman ko yon mula kay mama, nagalit ako sa kanya kasi hindi man lang nya ko sinabihan tungkol sa balak nya. Pero nung sinabi nya sakin yung dahilan... di ko kayang hindi siya sundin. K..kasi ayoko na siyang nakikitang nasasaktan dahil sa ama ko. At ang paglayo... yon din ang sa tingin kong paraan para mas maging maayos ang lahat kahit dalawa lang kami"

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon